New Beginning
Miracle Ashtrid Samantha, POV
Ang dilim ng lugar asan ako? Bakit ako nasa madilim na lugar? Ayoko sa gantong lugar ang dilim ayoko, ayoko dahil sa taranta ko nag tatakbo ako kahit Hindi ko alam kong saan ako patungo nang may biglang,
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" nakakasilaw na liwanag ang muling bumalot sa akin ngunit bago yun naaninag ko nanaman sya, at tuluyan akong nagising. Hinihingal ako para akong nanggaling sa napaka habang pag lalakbay napahawak akong bigla sa dibdib ko pinakikiramdaman ko ang sarili ko ng bilang
"BLAGG"
Malakas na bukas ng pinto teka pinto? O________O nasaan ako napalingon ako sa pinanggalingan ng kalabog at O_________O ganyan muli kalaki ang mata ko hala! Bah nasaan ako te-teka pa-patay na ba ako? Bakit may mga anghel sa harap ko huhu ayoko pa po makita si san pedro baka sabungin ako nung manok nun.
"Wahhh huhuhuhuhu!"
Bigla kong pagdadrama sa harap ng limang tao na nasa harap ko.
"Ibalik nyo na po ako sa kalye, kaya ba may liwanag nalang na lumalabas bigla, kaya ba may nakita ako na parang anyo ng tao na parang my pakpak hala yun na ba si San Pedro at yung manok nya? Wahhh huhuhu mabait po akong bata ibalik nyo po ako sa kalye" Palahaw ko pa din
"Huh? anong sinasabi mo? sino si San pedro?"
Natigil ang kadramahan ko nung nag salita bigla yung babae na mahaba ang buhok, naka dress na blue ang ganda nya pero ano daw hindi nya kilala si san pedro napatingin ako sa kanila at kitang kita sa mukha ang pag tataka nila.
"Seryoso? Hindi nyo kilala si san pedro? Yung may manok sa balikat yung nasalubong sa patay!" sabi ko sa kanila at sabay sabay naman silang umiling "huh? Teka ouch!" kurot ko sa sarili ko "anchakit bu-buhay pa ko hi-Hindi pa ako patay?" tanong ko sa kanila at ehem sabay sabay naman silang tumango.
"WHHHAAAA YES YES .."
Nag sisigaw ako sa tuwa nakalimutan ko na ang panghihina ng nararamdaman ko kanina.
"ehem" natigilan ako ng marinig ko ang isang pag tikhim.
"Ah eh hehe! ah asan nga pala ako?" nahihiyang tanong ko sa kanila.
"Nandito ka sa bahay namin sa mundo ng Crystal light" sagot ng isang babae na hindi kahabaan ang buhok naka Dress na green wahh isa pa to ang ganda nya yung totoo anong lahi nila pero ano daw mundo ng crystal light may ganun bang lugar nag tataka akong napatingin sa kanila
Ng nagsalita ang isang lalake.
"Nakita ka ni Acer sa legend forest Hindi kalayuan sa tree of portal wala kang malay" sabi nya ang gwapo nya may pagka brown ang buhok nya.
Pero ano daw Crystal light? legend forest? tree of portal?
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya yung totoo naka tira ba ng tawas ang mga to sayang ang mga mala Greek God na mukha nila kung sasayangin lang nila buhay nila.
"Anong ibig mong sabihin? anong Crystal light? anong tree of portal? anong legend forest? nag bibiro ka ba?" nag tatakang tanong ko ngunit umiling lamang sya nang biglang nag salita ung babaeng naka green dress.
"Nandito ka sa magic world!" masayang sabi nung babae ahhh Nasa magic world.
Loading. .................
"ANOHHH MAGIC WORLD NILOLOKO NYO BA AKO?"
napasigaw ako ng mag sink-in sa utak ko ang sinabi nya
Lex POV.
"Hey wag ka naman sumigaw!"
Naka hawak ako sa tenga ko ang lakas ng Boses e medyo kumalma naman sya at sinabing "pinag titripan nyo ba ko?" naka kunot noong tanong nya ano ba naman to Hindi ko maintindihan mga sinasabi.
"Nasa magic world ka at yun ang totoo" sabat ni fleus siguro binasa nya ang isip nito.
"Ako si Fleus isang earth summoner" pakilala ni fleus kaya nag pakilala na din ang iba.
"Athena Shan" si Athena at nag taas ng kamay,
"water summoner" sabay ngiti.
"Hi! Alisha Flens is my name wind summoner" masiglang sabi ni Lisha.
"I'm lex Xavier Creal controller of all weapon" pakilala ko naman napatingin kami kay Acer, tss kahit kaylan talaga to ipapakilala ko na sana sya ng bigla syang nag salita.
"Acer Ash fire legend"
Maikling pakilala nya.
Tumingin na ako dun sa babae at wahaha gusto ko magtawa sa ITSURA nya °O° ganyan oh
-End of lex POV-
Miracle Ashtrid Samantha POV
Ang tagal bago mag loading sa utak ko ang mga sinasabi nila totoo ba talaga yun sayang naka Tira lang sila ng tawas naka titig ako sa kanila laglag na ata ang panga ko ngayun ng biglang O___O yung, yung si Athena yung kamay nya may, may tubig na, na bilog ahh sinampal sampal ko ang mukha ko baka sakaling nananaginip pa ako
"Ayan naniniwala ka na ba?" nakangiting tanong ni athena wala ako sa sariling Napa Tango
"Yehey naniniwala ka na yepie" napa tingin ako kay alisha at para syang bata habang sinasabi yun "wag ka mag alala hindi ka namin sasaktan anong pangalan mo?" tanong nya at lumapit sa akin napatingin ako sa kanya siguro nga hindi sila masama kaya medyo hindi pa man tanggap ng utak ko ngumiti ako sa kanya ng totoo "ako si Miracle ashtrid Samantha" pakilala ko sa kanila lahat sila ngumiti din sa akin pwera lang dun sa Acer ang pangalan parang pinaglihi sa hinanakit ang mukha e Pero aaminin ko ang gaan ng pakiramdam ko sa kanila lalo na dito kay Alisha lumapit din si athena sa akin umupo sya sa kama kalapit ko ganun din si alisha at O_______O nagulat ako dahil sabay nila akong niyakap "wahh hindi ako makahinga" sabi ko kaya bigla nila inalis pagkakayakap nila sakin "hehe sorry natuwa lang ako"
"huh bakit?" tanong ko pero imbes na sagutin ang tanong ko tinanong din ako ni athena
"Bakit ka nga pala natagpuan ni Acer na walang malay sa legend forest?" na tigilan ako sa tanong na yun "sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako napunta sa lugar na yun ang naaalala ko lamang ay nasa mundo namin ako" at ikwenento ko sa kanila ang nangyare sakin simula nung nasa park ako hanggang sa mapunta ako sa lugar na pinag iwanan sakin ng magulang ko lahat ng nangyare sakin dun pero hindi ko sinabi yung tungkol sa kwintas singsing at porselas ko dahil parang may nag sasabi sakin na wag ko munang sabihin yun .
"Pero pinag tataka ko lang bago ako mahimatay nang oras na yun may naaninag ako na parang hugis ng tao pero Hindi malinaw sakin dahil parang may pakpak sya ganun din kanina bago ako magising nasa madilim akong lugar ng biglang lumiwanag at nakita ko ulit sya pero normal lang ako wala akong power gaya nyo huh!" sabi ko napatingin ako sa kanila at
wahhh lahat sila tahimik na naka tingin lang sakin.
Nang nagsalita si lex kaya napunta sa kanya ang atensyon ko "pero pano ka napunta dito kung normal ka lang?"
Aba malay ko! niloloko ba ko ng lalakeng to umiling lang ako Hindi ko din alam at napatungo nalang ako pero biglang
"ggggggggrrrrrrrrrrrrrrrr"
Napahawak ako sa tyan ko "ah hehe" nahihiyang ngumiti ako sa kanila wah ngayun pa naisipang mag paramdam ng bulate ko sa tyan "wahahaha mukhang gutom ka na tara halika sa kusina kumain ka na!" hinigit ako patayo ni alisha "ah eh, wag na ayos lang ako" sabi ko nakakahiya naman kase no "hay nako halika na wag ka nang mahiya dito ka muna di ba?" sabi ni Alisha at tumingin sa mga kasamahan at nag salita si Athena "Oo tama si Alisha dito ka muna dahil kaylangan malaman ng head ng crystal light ang nangyare sayo dahil walang normal ang nakakapasok sa mundo na to" ngumiti sya sa akin tumango nalamang ako hayst parang napagod ako bigla sa dame Kong nalaman.
Alisha POV .
Kasalukuyan kaming nasa kusina ngayon dahil nakain si sam oo sam nalang ang tawag namin sa kanya nakakapagod banggitin ang haba e grabe ang takaw ni sam parang hindi pinakain ng matagal "hey sam dahan dahan lang baka naman mabulunan ka na nyan haha ang takaw mo!" sabi ni fleus habang natawa "oo nga sam dahan dahan lang" sangat naman ni lex sus gayagaya lang tong lalake na to e "chore naman ilang araw na ako hindi nakain e" sagot naman ni sam habang may laman pa ang bibig "anong ibig mong sabihn dun? asan magulang mo? Hindi ka ba pinapakain?"
tanong ko kase parang nakakapagtaka ilang araw na syang walang kain hala ano yun natahimik bigla si Samantha hala may nasabi ba kong mali "ahh ano may na.." Hindi ko na natuloy ang sasabhin ko nag nag salita sya bigla "wala sila bata palang ako" sabi nya "teka? pano y..." Naputol ulit ang sasabihin ko ng ngumiti sya ng malungkot at nag simulang mag kwento .
End of alisha POV
Miracle Ashtrid Samantha POV .
Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang gaan ng loob ko sa kanila at nasabi ko kaagad ang tungkol sa buhay ko nakaka miss kayo mommy daddy nalulungkot lang ako pero walang sama ng loob sa kanila O_______O nang laki nanaman ang mata ko dahil sabay nanaman akong niyakap ni Alisha at Athena "wahhh huhuhu pa-pa-syensya ka na sa dila ko Napaka daldal huhuhu naalala mo pa tuloy ang nakaraan mo!" ngawa ni Alisha habang nakayakap
"Huhuhu dito ka nalang tumira huhu kami nalang ang pamilya mo wahhh huhu!" ngawa naman ni Athena pero parang mas naiiyak ako hindi sa lungkot kundi sa tuwa "wahh talaga? tanggap nyo ako?" humiwalay ng yakap ang dalwa at sabay na tumango kaya ako naman ang napayakap sa kanila dahil sa tuwa pero muli din naman akong humiwalay at tumingin ako sa iba at wahh nag tanguan sila at niyakap din nila ako kaya para kame ng naka group hug maliban lang Kay Acer napa tingin ako sa kanya at tumango lang sya sa akin pero wala akong mabasang emosyon
-End of Miracle Ashtrid Samantha POV-
Acer Ash POV
Nakatingin lang ako sa kanila pinag mamasdan kung ano ginagawa nila napapaisip ako parang ang mistersyoso ng pagkatao nya Hindi ko sya iniimikan wala ayoko lang bakit bawal ba? tss ang drama nila
End of Acer Ash POV .
******************************