Chapter 1

Pagkatapos ng nangyari sa park, namalayan ko nalang ang sarili Kong naglalakad patungo sa lugar kung saan ako iniwan ni Mommy at Daddy, hinding hindi ko malilimutan ang punong iyon, puno sa gitna ng gubat kung saan nila ako iniwan.

"Wow ang tanda mo na ahh matagal na tayong di nagkikita"

Para akong timang dito kinakausap ko ang punong walang malay, hay ano ba yan! Nandito na ako sa puno, sa lugar kung saan ko huling nakita sila Mommy at Daddy sa pagkakatanda ko may gamit akong naiwan dito eh nasaan na ba yun?

-Flashback-

"Mommy mommy bakit po tayo nandito sa gubat? bakit po kayo nagmamadali? Bakit po tayo tumatakbo?"

Sunod sunod na tanong ko.

"Anak wag ka na munang magtanong malapit na tayo" sabi sa'kin ni Daddy Nang makarating kami sa isang malaking puno Sa gitna nang gubat. 

"Baby princess makinig ka kay mommy kung ano man ang mangyare palagi mong tatandaan na mahal ka namin ni daddy" napatingin ako sa mommy ko dahil Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nya, pero laking pag tataka ko dahil mababasa mo sa mga mata nya ang lungkot.

"ma-mommy ano po ibig nyong sabihin?" kinakabahan na ako ngumiti si mommy nang may halong lungkot.

"be-Baby pri-princess ka-kaylangan ka namin iwan dito ni daddy La-lahat ng ito anak para sa kaligtasan mo"

"Mommy wag nyo po a-ako iwan huhu daddy" *sob, Sob* lumuhod si daddy sa harap ko at niyakap ako ng mahigpit

"baby princess mahal ka namin ni mommy tandaan mo yan" nag pipigil si daddy ng iyak habang sinasabi nya sa'kin yun.

"Para ito sa kaligtasan mo, wala man kami sa iyong tabi palagi kaming nandyan sa puso mo ano man ang mangyare palagi mong tatandaan maging mabuti ka, ang lahat ay naka takda sa lugar na ito hindi ka mapapahamak, sa lugar ding ito aalis ka ngunit muli kang ibabalik." mahabang pahayag ni daddy.

Hindi ko man masyong naiintindihan ang nais nilang ipahayag sa akin tumango nalang ako habang umiiyak.

"little princess ingatan mo ito" sabay abot nang isang baul na maliit sa akin ni daddy.

"itago mo ito at ingatan mo sa pagtapak nang buwan nang ikalabing walong taon ng iyong kaarawan bubuksan mo ito, dahil ito ang kukumpleto sa pagkatao mo, ito ang mag dadala sayo nang liwanag at nang dilim" naguguluhan pa man ako Tinanggap ko ito at marahang tumango.

"Mahal ka namin aming munting prinsesa, ano man ang matuklasan mo sa pagdating nang panahon totoo ang pag mamahal namin" tuluyan nang umiyak si daddy.

"Wahhhh huhuhu daddy mommy *sob sob* mahal ko po kayo *sob*"

"nawa manatiling busilak ang puso mo anak" sabi ni mommy at hinagkan ako ganun din si daddy.

"paalam Aming prinsesa" at tumayo na sila at wala nang lingon lingon na tumakbo palayo sa akin hindi ko pa man lubos na maunawaan alam ko na para sa akin ang ginagawa nila.

Naupo ako sa ilalim ng napaka laking puno, iyak lamang ang tangi kong nagawa masyado pa akong bata para maiwang mag isa pero alam ko sa sarili ko malalagpasan ko ito. Ng dahil sa pagod hindi ko namalayang naka tulog na Ako na tanging kasama ay ang baul Na iniwan sa akin nila daddy.

Kinabukasan paggising ko walang pag babago nasa gubat parin ako kalapit ang napaka laking puno yakap ang maliit na baul na bigay ni daddy,  hindi ko man alam ang mangyayare sa akin ngayung mag-isa nalang ako isang bagay lang ang natitiyak ko yun ay ang itago ang baul na hawak ko ngayun, tumayo na ako sa aking  pag kakaupo at pinag masdan ang buong paligid napakaganda nang gubat na ito ramdam ko ang paghaplos nang sariwang hangin sa akin tila ba niyayakap ako nito na parang sinasabi na malungkot man ang mag isa wag kang mag alala hindi kita papabayaan.

Humarap ako sa punong malaki pinagmasdan ko ito nang maagaw ng isang maliit na butas sa parte nang puno napa upo akong muli at tiningnan kung sakto ba ang maliit na baul dun, at hindi nga ako nag kamali inilagay ko ang baul at tinakluban ng mga dahon panatag ang loob ko na ligtas iyon dito, tumayo na akong muli at tinitigan ko ang puno.

"Saksi ka sa pag iisa ko ngayun!" napangiti ako ng malungkot.

"hanggang sa muli"

Hindi ko alam pero yaan ang lumabas na salita sa bibig ko.

-End of Flashback-

"AHHH Tama dito ko nga yun itinago wahhhh ang ulyanin ko!"

Napaharap ako sa puno, binaybay ko ang parte nito at boom nakita ko din, sinilip ko ang maliit na butas at hehe walang pagbabago ganun padin ang pwesto nya dali dali ko itong kinuha at pinagpagan.

"kamusta ka? namiss mo ba ako? alam mo muntik na kitang makalimutan! huhu pasensya ka na!"T_T madrama ko namang sabi sa maliit na baul.

Hindi po ako baliw epekto lang nang hindi kumakain no, tss napaisip akong bigla ano nang gagawin ko sa baul na'to? Ang sabi ni daddy buksan ko lang daw kapag tumungtung na ang buwan ng ikalabing walong kaarawan ko. Hindi nya sinabing buksan ko to sa araw ng kaarawan ko e anong buwan na ba ngayun teka!

"Ngayon ay may 5 20*7 hmmnf! May palang pala ang birthday ko naman ay Ma... teka! ang buwan na ngayon ay May at WAHHH!!! MAY NA, MAY ANG KAARAWAN KO TATLONG LINGGO MULA NGAYON!"

OA na sigaw ko wah pati ba naman birthday ko nakalimutan ko na iba na talaga pag nalulugaw na ang utak at dahil May na nga ngayon at paulit ulit na ako May 26 ang birthday ko.

"Malapit na akong mag 18 pwede ko na din palang buksan ang baul na ito, YES!!"

Masayang sigaw ko, ewan nakaramdam ako ng saya bigla e, para nanaman akong timang dito mabuti nalang walang tao wala nga atang napunta dito e, nakuhang muli ng baul Ang atensyon ko.

"Alam mo parang ang hiwaga mo!" ilang minuto ko muna itong tiningnan hanggang sa mapag disesyunan ko na itong buksan, dahan dahan kong inaangat ang takip ng baul wahh sana may pagkain sa loob, ayy shungek parang imposible ang liit e hala baka lason ang nandito oh di kaya maliit na bomba, hala! Napapapikit na ako habang binubuksan ito, pero sabi nila kaligtasan ko ang gusto nila at mahal nila ako. Hindi naman nila ko sasaktan ang loka ko talaga tuluyan ko ng nabuksa ang baul at isang box na maliit Ang laman at papel na nakapatong ito sa box.

"Hala ano to?" kinuha ko ang papel at may naka sulat.

"Dito sa puno nang hiwaga na mundo, malapit mo nang masilayan ang totoong lugar mo, malapit nang magising ang nahihimlay na pagkatao mo, pagkatapos mabuo ang tatlong bagay na meron ka ikaw ang napili, dahil ikaw ang nakatakda lahat ay kailangan pag isipan nang Hindi nag papadala sa kahit anong uri nang galit, ang bagay na iyong iningatan ay magsasama at papasok sa iyong katawan dahil lalabas lamang ito sa araw na naka takda"

Huh? Anong ibig sabihin nang sulat na ito bakit parang ang lalim naman ng pinang huhugutan nito, napapaisip tuloy ako.

Hay nako, binalewala ko muna iyon at tinuon ang atensyon sa maliit na box na hawak ko binuksan ko ito, hulaan nyo Kong ano ang nasa loob?

"wahhhh ang gandang sing-sing korona na may crystal na moon sa gitna ang cute parang ako cute wew hehe" kinuha ko ang sing-sing at sinipat-sipat ng paningin tunay kaya to ano kaya pinapahiwatig dito nila daddy baka pinapasangla sakin pero hindi e, bakit pa papaingatan kung ipapasangla lang din naman naalog ba utak ko ngayon? ang eng-eng mag-isip e isinukat ko sa daliri ko aba alangan namang sa Ilong ko di ba, ang galing kasyang-kasya sa daliri ko tatanggalin ko na sana ito ng biglang umilaw ang buong paligid napatayo ako ng di oras dahil sa gulat,

"Te-teka anong nangyayari?"

naguguluhan akong napatingin sa paligid ko nagliliwanag ang paligid nang gubat handa na akong tumakbo palabas ng gubat nang masilaw ako dahil lumiwanag din ang sing-sing na suot ko, kumonekta ito sa bracelet at kwintas na suot ko at dun ko lang din na pagtanto na halos iisa ang disenyo ng mga ito, hindi ko alam pero hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko, at laking gulat ko nang biglang nag bago ang anyo ng suot Kong sing-sing at bracelet naging konektado ito naging purselas sya na diretso singsing basta ung ganun gets nyo? O___________O nanlake ang mata ko nang bigla itong naglabas nang napakalakas na liwanag at pumunta ang liwanag na iyon sa kwintas na suot ko, pero isa pang ikinagulat ko nang unti-unti nag lalaho ang sing-sing at bracelet sa wrist ko at kasabay nun ay naramdaman ko na may kuryenteng dumadaloy sa braso ko napatingin ako sa paligid, at lahat ng liwang ay parang naiipon uti-uti na lumalapit sa akin, pinipilit kong makakilos pero tila ayaw gumalaw ng mga Paa ko biglang humangin nang napaka lakas at kasabay nun ang pag balot ng liwanag sa akin nang lahat ng ito ay.

 "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Pumasok sa akin at ramdam ko ang lakas nang inerhiyang nag kalat sa buong katawan ko napaupo Na ako sa lupa dahil sa pangangatog ng katawan ko ahhhhh ang sakit ng dibdib ko sobra namimilipit ako sa sakit hindi ko na ata kakayanin ang kakaibang nararamdaman ko dahil napapapikit na ako, pero bago ako tuluyang mawala sa kamalayan ko nakita ko sya ngumiti sya at sinabing.

 "magpakatatag ka" at ngumiti sya sa akin.

At tuluyan na ngang nagdilim ang paningin ko.

***********"****