Third person POV
akala nyo ata porket nasa inyo na ang mahina nyong prinsesa, Hindi ko na itutuloy ang plano na matagal ko ng binuo nag kakamali kayo Zeor napaghandaan ko na ang lahat "WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA....."
Mira Sam POv
Back to gold A na ulit, pakiramdam ko sobrang tagal ko na dito sa dami ko ng nalalaman grabe f
Pak na pak nakakapanibago nga rin lahat ng runers ginagalang ako
"HOYYYYYY!"
"ayy kalabaw na hoy! ano ba lex? makasigaw ka Akala mo nakalunok ka ng mega phone!" aba sigawan ba naman ako sa tainga
"E pano tulalang bata ka jan, kanina ka pa kinakausap" aba papalusot pa tong lalaking to.
"Sus pa epal ka kasi lex, alam mo kasi dapat mauna ang maganda bakit maganda ka ba?" pang asar na sabi ni lisha. Ano bang pinag uusapan ng dalawa na to
"Hoy kayong dalawa si Sam nalang ang papiliin natin kung sino ang mauuna sa ating Lima"
Sangat ni fleus hala ano namang tinukukoy nito anong mauna mga naka katol ba ang mga to? "Teka, teka nga, guys ano ba yang pinag uusapan nyo huh?" kunot noong tanong ko
"Ganito kasi yan Sam kanina ka pa namin tinatanong kung sino ba ang mauunang mag turo sayo ng rune mo" napatingin ako kay Athena
Ganun? parang di ko ata narinig
"So ano Sam sino una? pili kana!" napatingin ako sa kanila hala sino ba una nag mamadali ba ang mga to? "hoy Sam ano na tulala ka lang ba dyan?" ang hapet naman nitong si lex batukan ko to e "Saglit lang po huh?" "wag ka atat lex pabayaan mo si Sam mamili aba eh sa..."
"Hep hep hep tama na yan ganto nalang Para patas sa lahat rock scissor paper nalang kayo kung sino ang unang maka tatlo syang mauunang mag train sa akin OK ba?"
Pag papaliwanag ko kesa mag talo pa si lex at Alisha kawawa naman kami no ang sakit sa tainga
"WAHHHH SAM ang galing mo talaga!" masayang sabi ni Alisha "aba syempre ako pa no!" nag mamalaki pa ko ng lagay na yan
"Pero Sam sa sobrang galing mo Hindi mo ata alam na hindi namin alam yun kung pano gawin.!" Laglag balikat na napatingin ako kay lisha
"Ah eh Hehe sorry naman nakalimutan ko, ganto kasi yan ituturo ko huh! kapag naka close ang fist mo rock yun at kapag naka bukas ang palm mo paper yun at yung parang v sign scissors yun talo ng paper ang rock pero talo ng rock ang scissors at talo naman ng scissors ang papel, hayst ang hirap talaga mag paliwanag!
Ano na gets nyo na ba huh?"
"Wahhhhhhh!
Oo oo ang galing madali lang pala!" sayang saya pa talaga si alisha nyan huh? "sige simulan
Nyo na ako kakanta yung tagalog version nalang para mas masaya!" napangiti ako ng nakakaloko gagayahin ko kase yung mga bata na nag lalaro sa
Kalye hehe
"Sige Sam!" aba sabay sabay pa talaga tong apat na to, oo apat lang si abo ayun tulog kasama si lissy tulog din manang mana
"OK ready? BATO BATO PIK GAMOT SA ADIK!
BATO BATO PIK GAMOT SA ADIK! BATO BATO PIK GAMOT SA ADIK!
"WAHHHHHHHHHHHHHHH UNA AKO UNA AKO PANO BAYAN? WAHHHH BLEHHHHH PANGET KA KASI LEX HAHAHAHAHAHAHA"
alam nyo na siguro sino ang nanalo walang iba kundi ang maingay na si Alisha sino pa ba
"Simulan natin mamaya ang pag sasanay mo Sam!" nakangiti sya habang sinasabi sa akin yun
Yung totoo mamaya na agad? ang lakas talaga ng trip ng babaeng to.
Acer POV
Nag tataka ata kayo kung bakit napakaingay ng mga yun no? kasi wala naman kaming master ngayon e gising naman talaga ako nakikinig lang ako sa kanila tss nag Tataka ba kayo kung bakit parang nagmamadali sila na mag train kay Mira? aba malay ko rin sabi kasi ni master yun, Kaya wag na kayong umasa na patatahimikin ng mga to si Mira kawawang babae matutulig lang tenga nyan Kay Alisha, at grabe ang laro nila ano ba yung kinakanta ni Mira ano daw yung gamot sa adik? At ano yung adik? Hay itatanong ko na lang Pag may pagkakataon, matutulog na lang talaga ako.
Mira Sam POV
Whaaa start na daw ng training ko at ito ako sa training room ng mga pure elemental at grabe sabi ni Alisha 5 days lang daw ang meron ako para mamaster ang wind, at ngayon sinisimulan ko kung pano palabasin ang wind energy sa katawan ko ang sabi ni Alisha mag concentrate daw ako "Ano na Sam? Ang tagal mo naman mapalabas eh!" Sinimangutan ko nalang sya ang putspa kase pano ako mag coconcentrate kung mag iingay sya ng mag iingay hay grabe lang.
Alisha POV
Mag iisang oras na si Sam sa pagsubok na makapag concentrate, Oo maingay ako kase sinusubok ko ang kapangyarihan ni Sam, Oo pagsubok yun kung paano sya makikipag isa sa hangin kailangan nya maging mapayapa kahit magulo sa paligid nya kailangan nyang matutunan ang makiisa sa elemento ng hangin. "Ano Sam di..." Sisigawan ko pa sana sya ng maputol ang sasabihin ko at minabuting tumabi na lang muna dahil magsisimula na ang tunay na Pag eensayo ni Sam.
Mira Sam POV
Hindi ko na narinig si Alisha ng simulan ko isipin na kailangan ko mag focus at Hindi nagtagal nakaramdam ako ng inerhiya na lumalabas sa katawan ko. Nakaramdam ako ng malakas na pwersa sa paligid ko at piling ko lumulutang ako, bigla ako nakarinig ng munting tinig na nag sasabing "prinsesa tanggapin at pangalagaan mo ang kapangyarihan ng hangin, gamitin ito sa tama at wag magpapadala sa emosyon, maging payapa sa lahat ng pagkakataon, ito ang Simula ng lahat para sayo" nawala ang tinig pero naramdaman ko ang kumakawalang kapangyarihan sa akin at lalong lumalakas ang hangin sa paligid ko "Subukan mo papayapain ang hangin Sam. Kontrolin mo ito" sigaw ni lisha na nag paalis ng takot ko na baka mawasak katawan ko sa lakas ng hangin sinubukan Kong kontrolin ang hangin pero bigo ako "makipag isa ka sa hangin, kontrolin mo ito kagaya ng emosyon mo" muling sigaw ni lisha tumango ako sa kanya at sinubukan ang sinabi nya, nakailang subok ako nag kakaron na rin ako ng sugat dahil bigla nalamang nagiging sintulis ng blade ang hangin di ko na alam kung ilang sugat ang natamo ko at ilang beses bumalya ang likod ko, gusto ko na matapos to pinikit ko ang mata ko at sinubukan kausapin ang hangin natatawa pa ako sa sarili ko kase para akong tanga pero pinilit ko magseryoso at di nagtagal humihina na ito at parang unti unti itong nagpapasakop sa utos ko, hanggang sa wala na akong maramdamang Malakas na hangin "Wow Sam ang galing mo" tuwang tuwa si Alisha pero parang nanghihina ako kaya napaluhod ako. "Whaaa Sam OK ka lang? Bukas naman ang iba iuuwi na kita, ang dami mong sugat huhu" parang Ewan na ngawa ni Alisha at inalalayan nya ako maglakad pero nagulat kami ni Alisha ng bigla nalang ako buhatin ni "Acer?" Dug dug dug dug abnormal nanaman ang puson este puso ko pala "Ibab..." Magpoprotesta pa sana ako kase naman yung hearty ko eh kaso pinutol nya sasabihin ko "di mo na kakayanin maglakad bubuhatin na kita, Tara na lisha" mahabang litanya nya at napatingin ako Kay Alisha na parang Ewan na nakatulala gusto ko sanang tumawa kaso parang inaantok na ako at hinayaan ko nalang na makatulog ako.
Acer POV
Nakarating kami sa bahay ng buhat ko si Mira nakakaawa eh di na kaya maglakad wag kayo mag isip ng kung ano agad ko syang dinala sa kwarto nya at ang himbing pa din ng tulog ang payapa ng mukha nya dug dug dug dug agad akong lumabas ng kwarto ang abnormal nanaman kase ng puso ko, "Alisha, Athena bihisan nyo si Mira Hindi yun pwede matulog ng ganun kadumi" nginitian lang ako ni Athena ng nakakaloko at hinigit na si Alisha, paglingun ko sa dalwang lalaki ng aasar na ngiti ang nadatnan ko "Tsss" sabi ko nalang at pumunta na sa kwarto ko. Naisip ko si Mira at yung payapang mukha nya na parang di sya nahirapan sa training dug dug dug abnormal nanaman ang puso ko kaya minabuti ko nalamang na matulog at ipag sawalang bahala ang kabog ng dibdib ko.
*******************