Athena POV
Bago kami tuluyan maka punta sa light forest nun yung babae na ipinakilala sa akin ni sam, mlessean ba pangalan nun nakita namin sya ni Alisha na nakaupo sa may corridor malapit sa papuntang light forest nang hihina sya ng panahon na iyon itatayo na sana namin sya ni Alisha pero laking gulat namin nung bigla nalamang syang nag laho sa aming harapan na para bang bula hindi nya kami napansin ng oras na iyon, pero siguro teleporting ang runes nya, siguro masama ang pakiramdam Nya ng panahon na iyon kaya nadatnan namin sya ni Alisha sa ganung itsura winalang bahala nalamang namin ang nangyare pero nakapag tataka. Ilang araw ng nawawala si Sam pero hindi pa rin nahahanap at ganun din si mlessean Hindi ko din sya matagpuan sinubukan ko syang hanapin dito sa academy pero wala, ako lang ata ang nakapansin noon kase tila walang naghahanap kay Mlessean. Nakapag tataka kasabay ng pagkawala ni Mira ang paglalaho ni Mlessean.
Acer POV
"Hindi ka maaring kumilos basta basta Acer Hindi tayo sigurado kung hawak ba ng black Knight si Sam. Oh kaya ayaw ko mang tanggapin baka wala na talaga sya"
Nag init ang ulo ko sa sinabi na iyon ni fleus. Naikuyom ko ang mga kamay ko
Asaan kana ba kasi Mira?
Tumayo ako para sana lumabas
"Huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo Acer sa ngayun pabayaan na muna natin ang mga head master nangako sila na hahanapin nila si Sam"
Napalingun ako kay fleus
"Bakit tingin mo ba matatahimik nalang ako ng basta dito na walang ginagawa man lang para kay Mira?"
Cold Kong Sabi
"Sa tingin mo ba Acer may na iitulong ang pag wawala mo ang manakit ng ibang runers dahil pinapairal mo ang init ng ulo mo?"
Natahimik ako sa mga sinabi nya oo tama kayo ng nabasa Hindi ko na kasi alam kung ano ang nararamdaman ko para Kay Mira hinahanap hanap ko yung prisensya nya nag Aalala ako para sa kanya.
"Kung maari pigilan mo muna yang nararamdaman mo para kay Sam Acer nababasa ko ang iniisip mo kaya wala kang maiitago alam mo na oras at Panahon ang mag sasabi kong sino ba ang nararapat sa pinakamahalagang itinakda Hindi natin ito maaring pangunahan. Alam mo iyun"
Napatingin na lamang ako kay fleus at walang naimik sa sinabi nya dahil tama naman sya. Hindi ko maaring pangunahan ang nakasaad.
Head master Zeor POV
Samantha, Hindi ko alam kung paano ka mahahanap paanong bigla ka nalang mawawala hindi ko kayang tanggapin na... na wala ka na. Hindi ko rin masiguro kung hawak ka ng mga Black Knight, wala pa akong sapat na ibedensya. Nasaan ka na ba Samantha, bakit wala kang iniwang bakas man lang na magpapatunay na buhay ka? Pero buo ang tiwala ko sa iyo na ligtas ka kung nasaan ka man, bakit ba kasi Samantha masyado kang pasaway?
Acer POV
Nasaan ka na ba Mira? Hindi ko na talaga aalisin ang paningin ko sa iyo oras na mahanap ka
na hindi ko hahayaang may lumapit pa sa iyo tsk masyado mo nang nasasakop ang pag iisip ko. Mira sana nasa ligtas kang lugar
"Narito ka lamang pala Acer"
Napatingin ako sa nag salita
Tsk sila Alisha lamang pala
"Bakit ano ang kaylangan nyo"
"Naku acer mala Sam ka na din ngayun tambayan ang light Forest at bigla bigla nalang nawawala" pabalang na sagot ni Alisha
Tsk .
"Alam mo Acer mag tiwala lamang tayo kay Sam alam nating kakaibang babae yun si Sam diba alam mo nakakahanga talaga ang babaeng iyon" napatingin ako kay lex na nakangiti pa sya habang sinasabi ang katagang nakakahanga
Pinanlilisikan ko sya ng tingin
"Oh bakit Acer talaga namang nakakahanga si Sam noh" Tsk nag iinit ang ulo ko sa lalaki na ito, ano ang pinapahiwatig nya dun
Tsk .
"Ayy teka nag tataka lang ako bakit parang wala si Lissy ang tagal ko ng Hindi sya napapansin"
"Oo nga tama ka Athena Hindi ko din sya napapansin"
Nag tataka na mukha ni Alisha
Napaisip din ako oo nga asaan na ang antukin na ibon na iyon
"Baka naandyan lang yun sa tabi tabi wag nyo na kaisipin yun alam nyo namang mana yun kay Sam"
Napansin ko bakit tong si lex lagi nalang dinadamay ang pangalan ni Mira
Tsk .
"Ah ehh naalala nyo ba nung pumunta kami ni Sam nung Emporium.?"
Napatingin kaming apat kay fleus
"Oo Bakit anong kinalaman nun kay Lissy?"
"Ganto kasi yun tinanong ko nun si Sam kung nakita na nya si Lissy ang sabi nya noon sa akin nag kita daw sila dito sa light forest nag paalam daw sa kanya si lissy na mag lalakwatsya nag taka nga ako nun dahil hindi naman nakakapag salita si Lissy di ba?"
Nag katinginan kami dahil sa sinabi ni fleus
"Hala Hindi kaya nasapian si Sam nung panahon na iyon waaaaaaaa"
PAKK "Alisha ano ba? ang ingay mo"
"Che ang sakit nun lex huh pasalamat ka wala ako sa mood ngayun"
"Tsk ang ingay nyo mag silayas nga kayo dito"
"Ang sungit mo. Acer Hindi lang ikaw nakakamiss kay Sam no" tsk napaka ingay talaga ng bunganga ng babaeng ito
Tsk ilang araw na ba ang lumipas ikaapat na ngayun asaan kana ba Mira?
"Guys tara na iwan na natin yang tandang Acer sungit na yan"
"Wahaha
Naalala nyo pa ba yung kanta ni Sam diba tuturuan daw nya si Acer nun haha"
"Oo nga lisha ano nga ba umpisa nun?"
"Ahh tama!"
"OTOKE NEGA OHCHIGE CHOWOTCHE NA OHWA OHWA"
.
Aba loko tong dalawang babae na ito ah
"CHIKANCHA CHA CHA NAN TO KAN CHA"
"wahahahahaha
Acer simulan mo ng pag aralan para matuwa naman sa iyo si Sam
Pati yung sawsaw toyo ay mali suka pala
At ano pa nga ba yun
Ahh yung bato BATOPIK gamot sa adik
Wahahahaha
Acer ang pula na ng mukha mo" panunukso nila sa akin nung apat
Tumayo akong bigla at nag labas apoy sa kamy ko
"Waaaaaaaaaa
HALIMAW na si Acer hahaha"
Nag tatakbuhang tumatawa sila palayo sa akin
"Wag na wag kayong mag papaabot sa akin" sigaw ko at hinabol ko sila na pangiti ako ng wala sa oras
Alam ko namang ginagawa nila ito para mawala ang lungkot sa aming lima simula nung dumating si Mira sa buhay namin nayanig ang tahimik naming buhay pero ngayun ilang araw na syang wala kaya alam ko na sinusubokan nilang alisin ang lungkot na bumabalot sa amin
Bumalik ka sana Mira
Third person POV
"Sige mag pakasaya Lamang kayo mga pure runers Hindi na kayo mag tatagumpay sa pag kakataong ito .
At ako mismo ang papatay sa inyo sa mga kamay ko mag wawakas ang inyong buhay gigilitan ko kayo na gaya ng isang hayop dadanak ang mga dugo nyo sa lupa ng walang habas dudurugin ko kayo na parang isa lamang na maliit na insekto na Kakalat sa aking harap
Wahahahaha"
Sige ngayun mag paka saya lamang kayong lahat dahil hindi na yan mag tatagal .
Someone's POV
Pinag mamasdan ko lamang si miracle Ashtrid Samantha habang na tutulog sa gitna ng kadiliman puno pa rin ng galos ang kanyang mga braso at sa iba pang parte ng kanyang katawan mahina ka pa Samantha.
Mira Sam POV
Nagising ako sa sakit ng katawan naalala ko ang nangyare sa akin nakakaramdam nanaman ako ng inis ayst. Anong klaseng parusa ito sa akin
Anak ng tatlong puting tupa oras lang na makaalis ako dito.
Kakatayin ko sya sasakalin ko ang leeg nya gagayatin ko ang lamang loob nya ilulublub ko sya sa pinaka malalim na parte ng dagat sa kahit saang mundo ipapakain ko sya sa mga kanibal gagamitan ko sya ng armalite sa ulo nya dila lang walang latay ipapachugi ko sya sa lahat ng gangster sa buong mundo tapos lahat ng lamang loob nya ipapakain ko Sa nga pating oras lang talaga na makaalis ako sa madilim na lugar na ito humanda tlaga sa akin ang may kagagawan nito
"PAPASABUGIN KO ANG MUKHA MOOOOOOOOOOOOOOOOOO"
.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH."
***************************************************