WebNovelHold100.00%

park

Exiya's POV

"Hayyyy!"

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagod. Ewan ko nga ba kung bakit ako lumabas ng napaka aga sa bahay at naisipang maglakad lakad dito sa parke sa ganitong oras at araw na napakaraming tao. Well, sa totoo lang? sabado kasi ngayon kaya walang pasok at kaya maraming tao ngayon. Pero ito rin naman ang gusto ko... Maraming tao. Sa ganitong paraan kasi makakapag observe ako. Ewan ko nga ba pero gustong-gusto ko mag observe yung tititigan ko mga tao-yung mga ginagawa nila, na parang aalamin ko kung sino sila at syempre mapapaisip nalang ako kung "masaya kaya sila?" "Ano kayang klaseng buhay meron sila?" "Meron kayang kagaya ko- kagaya ng buhay na meron ako?" mga ganung klaseng tanong.

Ayyy. Oo nga pala, nakalimutang kong magpakilala. *Peace sign*

Ahem ahem! Ako nga pala si Exiya Yesha Valencia. Im already 20 years old. 4th year college na ako sa susunod na pasukan. Well, wala pa kaming pasok ngayon hindi katulad nung mga nag-aaral sa ibang school na may pasok na ngayon.

"Aray! Maaaaaa"

Napalingon ako sa batang umiiyak kasi nadapa. Bigla namang lumapit yung babaeng tinawag niya ng mama. Napangiti nalang ako. Naalala ko kasi nung bata pa ako, tuwing nasusugatan o nasasaktan ako laging nandun din sila mama sa tabi ko. Bigla namang nawala yung ngiti ko sa ideyang hindi na ako bata. Ang saya kaya maging bata.

Napukaw naman kaagad yung atensyon ko sa mga magkakaibigan nagpipiknik.

"Ang saya saya naman nila" malungkot kong saad.

Hindi naman sa wala akong kaibigan pero... parang kasi wala akong kaibigan minsan kahit meron naman.

Nahiga naman ako sa bench na inuupuan ko dahil parang tinatawag na ako ng kama ko pero ayoko pa naman umuwi. At tutal wala namang umuupo sa tabi ko kaya hihiga na lang ako. Hehe

I raised my hand and extended it na parang inaabot ko yung mga ulap.

"Ang ganda!" I amazingly said na parang ngayon lang sa buhay ko ito nakita.

Pumikit ako para maramdaman ng maigi yung simoy ng hangin pero napamulat din ako agad nung naramdaman kong may nakahawak sa kamay kong nakataas na parang inaabot yung mga ulap.

Lalaki.

Isang lalaki.

Isang lalaking nakahawak sa kamay ko ang tumambad sa 'kin pagkamulat ko ng aking mga mata.

"Hehe." Hiyang sambit niya habang pilit na ngumiti ng parang ewan. Hindi naman ako nagsalita habang tinititigan ko ang mga kamay naming magkahawak nang bigla nalang siya nagsalita ulit.

"Magtatanong lang sana ako kung pwede bang umupo ka at okay lang ba kung makikiupo ako?"

Ng pagkasabi niya yun ay walang anu-ano pa't tumayo na ko sa pagkakahiga at umupo. Umupo din siya sa tabi ko.

"Thanks. Hay! Pagod na kasi ako kaka-jogging. Kailangan ko munang umupo at magpahinga kaso wala ng maupuan dahil sa dami ng tao... Kaya, no choice ako para istorbohin ka... Sorry." pagpapaliwanag niya.

"Ok lang. Hindi naman sakin tung upuan" I said with a smile.

Naging tahimik kami saglit at para bang pinakikiramdaman ang bawat isa. Magsasalita sana ako nung nagsalita naman agad siya.

"Mag-isa ka lang ba? I mean, bakit wala kang kasama?" Tanong niya

Tinignan ko siya at pilit na ngumiti. Yung ngiting parang malungkot.

"Hindi ko naman kasi pwedeng isama yung mga lolo at lola ko dito. Tsaka may mga pinuntahan yung mga kaibigan ko" malungkot kong sagot sa tanong niya.

"Ahhh. By the way, I'm Clefran Aefer Simena. You are?" He extended his hands for a shake hands. So I was.

"Im Exiya Yesha Valencia. Nice to meet you" pagpapakilala ko din habang nakangiti.

"Nice to meet you too, Exiya Yesha" he smiled back.

"Exiya nalang. But wait! You really look familiar- I mean, your name looks familiar but never mind." I shrugged. Kilala ko naman talaga siya. Namumukhaan ko siya, pero hindi niya na ko maalala.

"Talaga? Wow. Ganun nalang ba ako kasikat? Well, baka nga kilala mo talaga ako." He said jokingly. "Pero, wag mong ipagkakalat ha?" He added.

"Ha? Ang alin?" Takang tanong ko

"Siguro nakita mo na ko sa internet o ano. Dahil model kasi ako. Yun. Wag kang maingay ha? Hindi naman ako sikat na sikat pa ngayon, pero may mga nakakakilala na sakin"

"Hahahahaha niloloko mo ba ako. Ha?-"

"HINDI AH! Sa itsura kong 'to? Manloloko?" Pagputol niya sakin

Napatitig naman ako sakanya. Well, I admit. He is still handsome. He has this sweet smile. Hindi parin siya nagbabago.

"No. Hindi ako naniniwala. But of course, if you'd say so. Then, ano magagawa ko kung model ka nga talaga diba?"

Pagsisinungaing ko. Nakita ko naman siyang napa grin smile.

"You know what? Hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan mong kausap. Alam mo yung parang kilala na natin ang isa't  isa? Yun yun e." Pag-iiba niya ng topic.

Oo nga e. Ganun din ang nararamdaman ko. Kilala naman natin talaga ang isa't isa. Di mo lang talaga ako maalala. Gusto kong sabihin yan pero parang ang awkward lang ng feeling. Kaya ngumiti nalang ako ng tipid.

"Can we take a selfie? Ahm. Remembrance lang." Pag-iiba ulit niya ng topic. Magsasalita na sana ako ngunit napangiti nalang ako nung clinick na niya yung button ng camera niya.

"Wow. Ang cute natin. Ano pangalan mo sa fb? Add kita tas confirm mo para ma-tag kita agad" sabi niya habang abalang nagpipindot sa cellphone niya.

"Exiya Yesha Valencia" tipid kong sagot

Hindi na naman siya nagsalita pa kaya nagmasid na ulit ako sa paligid ko. Ang dami paring tao. Bigla kong hininto yung paggalaw ng mata ko sa pagmamasid ng makita ko yung matandang naka wheel chair.

May sakit siya. Pero nakangiti parin siya. Nahihirapan na siya. Pero nandyan parin yung pamilya niya sa tabi niya. Ang saya siguro niya. Ano kaya ang sakit niya? Ganyan din kaya ako balang-araw? Na kahit nahihirapan na... Kasama ko parin yung kaya mga mahal ko sa buhay? Hndi kaya nila ako susukuan katulad ng lolong yun? Ang swerte niya naman.

Bigla akong napatigil sa pagtatanong ko sa sarili ko nung magsalita ulit yung nasa tabi ko.

"Ang lalim ata ng iniisip mo. Kilala mo ba yung matandang yun?" Tanong niya

Napatingin ulit ako sa matanda at umiling bilang sagot. "Hindi. Iniisip ko lang kung ganyan din kaya ako kaswerte sa darating na panahon" matamlay kong saad.

"Baka mas maswerte ka pa kaysa sakanya. Kasi siya, sa nakikita ko kasi..." Humawak siya sa baba niya habang nakatingin sa lolo "may sakit siya. Hindi siya healthy." Dagdag pa niya.

"Hindi din naman ako healthy" walang ano-anong sabi ko na nakapagpatawa ng malakas sakanya. Tinitigan ko lang siya ng walang ka emo-emosyon hanggang sa tumigil na din siya sa pagtawa.

"Sige ha. Uuwi na ko. Baka hinahanap na ko samin. Nice to meet you again" pagpapaalam ko. Hindi ko na inantay pa ang sagot niya. Naglakad nalang ako ng mabilis. Hindi ko alam pero ayoko lang kasi yung napapalapit masyado sa mga taong kakalimutan din naman ako.

Ok na yung may nakausap at nakasama ako kahit saglit lang sa mataong lugar na yun. Kahit saglit lang...Dahil sabi nga nila...

'hindi lahat ng bagay- kahit ano pa man yan... Hindi lahat ito, mapapatagal mo. Dahil wala namang permanente sa mundong ito'.

Lolo's and Lola

Exiya's POV

"Nandito na po ako!"

Sigaw ko pagka kita ko sa tatlong lolo ko na nasa sala. Lumapit ako sakanila at isa isa akong nag mano sakanila.

"San ka na naman nagpunt, Exiya?" Lolo rey

"Sa park lang po." Tipid ko namang sagot. Aakyat na sana ako sa kwarto ko ng kunwaring umuubo si lolo rick. Kaya napahinto ako. Jusko eto na naman po!

"Sino naman ang kasama mong nagpunta doon? Ha? Bakit hindi ka magkwento?" Tanong niya.

Magsasalita na sana ako ngunit nagsalita din si daddy roco.

"Exiya, nagpapagod ka naman yata. Alam mo sa sarili mo na hindi pwede." May pag-aalala sa tono ng boses niya. Tumango nalang ako bilang pagsagot. Hindi ko naman kasi nakakalimutan yun. Hays!

Siya nga pala kung naguguluhan kayo, kaya daddy roco tawag kasi daddy siya ng papa ko. Si lolo rick at lolo rey ay kapatid lang ni daddy roco. Kaya yun.

"Sige po, magpapahinga na po ako" pagpapaalam ko sakanila. Umakyat naman na agad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Sa pagod ko hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nung may mag tatataratrat na ng sermon sakin.

"...akala ko wala ka pa. Kumain na kamit ano, nandito ka naman pala. Pinagtatakpan ka kasi ng mga ugok mong lolo. Dahil alam nilang tumakas ka na naman kanina. Ano na naman ba, exiya? Ha? Oo ngat nagbabakasyon ka rito, pero wag mo namang araw arawin ang oaglabas ng bahay. Kung mapano ka? Gastos na naman ng papa mo. Tumayo ka nat kumain doon! Dalian mo!"

Meet my lola renasha bunsong kapatid nila lolo rick, lolo rey, at daddy roco. Pinakahyper sakanilang lahat.

At bago pa madagdagan yung sermon kanina, tumayo na ko at pumunta na sa kusina para makakain.

Pagkatapos ko'y umakyat narin agad ako para makapag bihis para makapagpahinga na rin ulit.

~~~~~~~~~~

Clefran's POV

Grabe ang sakit ng buong katawan ko ngayon. Nabigla siguro sa pag jo-jogging ko kanina. Hindi naman talaga ako laging nagjo-jogging. Wala lang naisipan ko lang kanina. Since hindi na ako makatulog nang pagkarating namin sa dati naming bahay. Oo, nagbabakasyon kami ngayon sa dati naming bahay dito sa Laguna. Naalala ko tuloy, nung grade 4 ako at grade 2 naman si ced ay lumipat kasi kami sa bago naming bahay sa Manila kaya tuwing bakasyon lang kami napunta dito.

Grabe, buti pa rito may konting fresh air kesa sa manila. Naku! Masyado! Haha.

Anyways, naalala ko pala i-a-add ko nga pala si Exiya.

Kinuha ko agad yung phone ko sa bulsa ng shorts ko, nagbukas ako ng fb account ko. Hindi naman ako nahirapan hanapin yung name niya kasi-

"FRIENDS NA KAMI?" napasigaw ako sa gulat.

Hindi parin ako makapaniwala kung paano at kailang kaya naman nag stalk pa ako sakanya. Wala naman siya masyadong post, puro tags lang meron dito.

"Ang ganda mo naman, Exi" kinausap ko nalang yung profile pic niya.

Maya maya pa ay tinag ko na siya sa picture namin kanina. Haha. Wala e. Ang cute niya lang dito. Nang ma-upload ko na ay nagmessage naman ako sakanya kasi nakita ko namang naka online siya.

To: Exiya Yesha

Hi, Exi! Nakauwi ka na siguro no? Pahinga ka na. Good night ☺

Napangiti naman ako sa sobrang baduy ng pinagsasasabi ko hahaha.

Naghintay pa ko ng reply niya pero wala. Online siya pero hindi naman siya nagsi-seen. Kaya natulog na ko.

~~~~~~~~~~

Exiya's POV

Dalawang araw ng nakalipas simula nung nagpunta ako sa park at nasermonan ng todo todo. Simula nung araw na yun hindi muna ako lumabas ng bahay. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at nagbasa ng nagbasa nang libro.

Ngayon ay napagod naman akong magbasa kaya nagopen ako ng fb. Nagulat nalang ako nung tinag na pala ako ni clefran 2 days ago.

Napatitig nalang ako sa pic namin.

"How I wish maalala mo ko. How I wish... How I wish..."

Paulit ulit lang ako sa "how i wish" na yan ng hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

At kahit basang basa na yung mukha ko dahil sa mga luha ko hindi ko parin binibitawan yung phone ko kung saan tinitignan ko yung picture naming dalawa. At dahil sa dami kong gustong sabihin sa kanya ngunit hindi ko masabi... Ang nasambit ko nalang ay...

"Aefer, ako 'to... si Yesha. Kaibigan mo."

Day with EM

Exiya's POV

Maaga akong bumangon ngayon dahil lalabas daw kami ni EM (Ella Melyn) ang nag-iisang kaibigan ko rito. Tuwing nagbabakasyon ako ay siya ang kasa-kasama ko. Kaya nung nagyaya siya na aalis daw kami ay go lang ako kasi namimiss ko na rin siya.

Nakaligo na ko't nakabihis na nung nag ring yung phone ko. Napangiti nalang ako kasi nasa baba na pala si EM.

From: EM sungit

Ano na po? Akala ko ba bihis ka na? Magsasarado na daw yung national bookstore sa tagal mo! Dali na gutom na ko!

Nagmadali naman akong bumaba para puntahan na siya.

"Aalis po kami saglit ni EM. Bye po!" Paalam ko sa mga lolo kong nadaanan ko sa sala.

"Uwi agad, ha?" Sigaw ni daddy roco hindi na ko sumagot dahil tumakbo na ko palabas ng gate at naabutan ko nga si EM dito na nakapa meywang na naman.

"Akala mo talaga e, nu?" Tumatawang bati ko sakanya.

"Hoy, EY (Exiya Yesha)! Ang usapan ay 8:30. 8:45 na kaya" inis na sabi niya.

Tumawa nalang ako bilang sagot. Naglakad na kami papuntang sakayan ng jeep ay hindi parin siya natigil sa kanyang sermon sakin. Kesyu late daw ako ng 15 minutes. Kesyu magkatapat lng yung bahay namon kaya dapat daw sabay kaming lumabas ng gate. Kesyu unang araw daw naming lalabas ngayong bakasyon na to tapos malelate pa ko sayang ang oras. Hayy. Nakaka miss lang talagang tawanan ang kakulitan nitong babaeng to.

Pagkarating na pagkarating namin sa Mall ay sinabihan niya na agad ako.

"Mamaya na tayo pumunta sa NBS at baka magbasa ka na naman ng kung ano anong libro dun bago mu maisipang bilhin." She said.

"Samahan mo muna akong bumili ng swim suit. Bumili ka na rin. Kasi malay mo magswswimming tayo isang araw." Dagdag pa niya

"Per-" hindi natuloy yung sasabihin ko kasi nagsalita na ulit siya

"-walang pero pero, EY! Pagkatapos nun ay kakain muna tayo tapos maglilibot libot. Pag malapit na tayong umuwi, dadaan muna tayo saglit sa NBS para makabili ka ng libro mo." Mataray na sabi niya.

Napakunot noo naman ako sa mga sinabi niya. "Hindi mo naman sinabi na planadong planado mo na pala lahat ng gagawin natin ngayon." I smirked.

"Tara na! Wala ka ng magagawa dahil iiwan mo na naman ako pagkatapos ng summer. Kaya yes or sure lang ang pwede mong isagot" saad niya

Tinawanan naman naming dalaw yung sinabi niya.

~~~~~~~~~~

Habang pumipila kami sa counter para bayaran yung mga swim wear na napili namin- este napili ni EM bigla niya naman akong kinalabit.

Napataas kilay naman ako sa kanya.

"Alam mo... Kanina pa may nakatingin sayo. Ang creepy lang" mahinang sagot niya sa pagtaas ng kilay kong patanong.

Lumingon lingon naman ako, pero wala namn akong nakitang kakaiba o tumitingin sakin.

" Baka guni guni mo lang yun. Wala naman e" sagot ko

"Hindi a. Kanina pa kaya yung si kuyang pogi nakatingin sayo." Napa iling iling pa siya. "San na ba kasi yun? Nawala na naman" palinga linga naman siya kaya sinundan ko ang mga tingin niya, kaso wala nga. Parang kinabahan naman ako bigla. But I shrugged at my thoughts. Bka guni guni lang talaga niya.

"Hayaan mo na. Eto na mgabayad na tayo" sabi ko naman sakanya

Kumain kami at naglibot libot sa Mall hanggang sa di na namin namalayan ang oras at mag gagabi na pala. Kaya naisipan nalang naming umuwi kahit hindi pa ko nakapunta sa NBS.

"Baka mapagalitan ka na naman kasi, EY. Kawawa ka naman niyan. Sorry" malungkot na sabi ni EM

"It's okay, EM. Lalabas pa naman tayo diba? Utang mo nalang sakin yun" pagbibiro ko.

"Okay. Magkakaron na naman ako ng utang sayo. Basta ha!" Paalala niya kaya natawa na naman ako sa reaksyon niya

"Oo, wag mahal. Yung afford mo lang" paalala ko din sakanya. Pag sinabi ko kasing may utang siya sakin, ibig sabihin nun bibilhan niya ko ng isang libro. At pag sinabi niya 'basta ha!' ang ibig niyang sabihin ay yung hindi mahal, yung afford daw lang niya. Kasi alam niyang yung mga makakapal pa naman na libro ang binabasa ko kaya daw mahal daw lahat yun.

Naalala ko pa tuloy nung unang beses na sinabing may utang siya sakin at pinabili ko siya nung libro ni john green. Akala niya babayaran ko pero nung sinabi kong yun ang utang niya ay parang mabaliw na siya nun. Pero nasanay na siya sakin at sabi pa niya mahal daw niya ko kaya naman ok lang daw. Hahaha.

Nang nasa tapat na ko ng gate namin ay nagpaalam naman siya na papasok na rin daw siya. Nagpaalam na rin ako at bago pa ko makapasok sa gate ay sumigaw ulit siya

"EY!" Pagtawag niya

Lumingon naman ako "Oh?" Tanong ko

"Mag a -upload ako ha? Magbukas ka, like mo. I love you." Sigaw niya.

Tatalikod na ulit sana ako ng nagpahabol pa ulit siya ng

"Good luck pagkapasok mo. Go, EY" pag che-cheer up niya. Napailing na naman ako sa sinabi niya.

"Hayy" buntong hininga ko

"Good luck talaga sayo, EY!" Pag cheer up ko din sa sarili ko.

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Inikot ikot ko ang paningin ko pero ang tahimik.

"Tulog na kaya sila?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

Nagdahan dahan naman ako sa pagsarado ng pinto at pati narin sa pag-akyat ng hagdan papunta narin sa kwarto ko.

Nakahinga ako ng malalim ng nasara ko na ang pinto ng kwarto ko at wala pa rin akong narinig na kung anong sermon.

"Maaga pa naman ah? San kaya sila?" Pagtingin ko sa relo ko. 7 pm palang naman kasi. Nakapagtataka lang.

Pero bago pa ako pasukin ng kung anong sesermon sakin dito sa kwarto ay ni lock ko na agad ang pinto ng kwarto ko.

Nang makapag bihis at lahat lahat na ko ay nahinga naman agad ako sa kama ko. Im about to sleep when my phone vibrate so, agad ko namang tinignan yun. Text pala ni EM.

From: EM sungit

Magbukas ka na. Ikaw dapat unang maglike ha? Malapit na ma upload. Love you 😘

Gustong gusto kasi niya na kapag ikaw yung tinag niya dapat ikaw din ang unang maglike o mag comment. Kasi syempre yung nakatag lang naman daw importante. Ibang klase tlga siya. Haha

Pipindutin ko na sana yung fb app ko nang magtext na naman siya

From: EM sungit

Anuunaa? May naglike na. Ano ba yan. Kilala mo ba yun? Wala pang 1 minute na naupload like na agad niya? Stalker ata e.

Napatawa ulit ako sa text niya. Parang yun lang inis na naman siya agad. Haynaku, EM.

Pinindot ko na yung app at agad nagbukas ng account. Ni like ko naman yung mga picture naming inupload niya at nag out na rin agad.

Wala akong planong mag babad sa fb ngayon dahil hindi naman talaga ako mahilig doon. Naglalike lang ako sa mga nakatag sakin ngunit hindi ko na rin chinecheck lahat ng mga mukha ko dun. Pake ko? Aksaya lang ng oras. Matutulog nalang ako, kasi wala akong sermon ngayong araw at gabing ito.

"I'm so blessed! Thank you po!" Pagkausap ko sa kisame ng kwarto ko which is si god naman talaga yung gusto kong tignan hindi yung kisame ahaha.

"Good night, Exiya Yesha." Bati ko sa sarili ko

And I closed my eyes with a big curved on my lips- a big smile.

Tragedy not Destiny

"EXIYA!!"

"Ayjusko!" Napasigaw ako sa gulat kasabay ng pagdilat ng mata ko.

"EXIYA!! Gumising ka na at kumain ka na. Dukating ka na pala kagabi di ka manlang kumatok o ano. Hindi ka pa kumain! Bumangon ka na jan at bumaba ka na! Exiya!....."

Sumigaw ulit si lola renasha sa labas ng pinto ng kwarto ko. Buti nalang nalocked ko kanina yung pinto kundi papasok na naman yun at hindi lang yun ang maririnig ko sakanya.

"Hayyy!" Buntong hininga kong sambit. Nakakarindi talaga si lola kahit kelan.

"Opo. Bababa na po!" Sigaw ko pabalik. Tinatamad tamad naman akong bumangon. Naghilamos na ko kaagad at bumaba na rin bago pa ko masigawan ulit.

Nang matapos na akong kumain ay umakyat na ko at balak na magkulong ulit sa kwarto ko buong maghapon ngunit bago pa ako sumampa sa kama ko ay napatingin ako sa sariling kong repleksyon sa salamin. Napalapit naman ako sa salamin. Ang payat payat ko na. Napakalungkot ko pa.

Ngumiti ako ng pilit.

Hindi ka talaga marunong umarte,Exiya. Hindi ka marunong gawin ang mga bagay na "pinipilit" lang. Bigla ko namang sambit sa aking sarili.

I smiled once more then biglang nagring yung phone ko kaya naman lumapit ako sa kama ko para tignan kung ano yun.

It was a message from EM. Lalabas daw kami ulit. Sasamahan ko siyang mamili ng kelangan para sa birthday party niya mext week.

"Oo nga pala. Bat di na lang kami namili kahapon? Nakakatamad namang lumabas" inarte ko pero nagreply naman agad ako sakanya ng 'sige'

Bibitawan ko na sana tong cellphone ko para makakigo na nung may nag pop up ulit sa screen nito.

It was a status of EM on facebook and she tag me saying "on the way to SM *tot tot" with Exiya Yesha Valencia"

Napailing iling nalang ako sa mga ginagawa ng kaibigan ko. Hindi ko nalang pinansin at nagpunta na sa banyo para makaligo.

Ng saktong nakabihis na ko ay nagtext naman si EM

From: EM sungit

EY!!!! Sorry. I mean no, panu ba? Hindi pala ako makakapuntang mall ngayon e. Kasi pupuntahan ko pala ngayon yung resort. Magpapareserve ako e. Sorry kahit alam kong mas magagalit ka pa sakin sa salitang yan. I love you, EY. Babawi ako.

Napangiwi naman ako sa text niyang yun. Kainis naman tong babaeng to. Alangan namang hindi ako aalis e bihis na bihis na ko.

To: EM sungit

Bihis na bihis na ko. Kainis ka! Pupunta nalang akong NBS. Bibili ako ng libro. Pero bayaran mo. May utang ka pa saken!

Reply ko naman sakanya.

Nagpaalam naman ako sa mga lolo at lola ko at gumayak na sa mall.

~~~~~~~~~~

Papunta na ko sa NBS ng may marinig akong sumigaw sa pangalan ko. Napalingon lingon naman ako pero wala namang lumalapit sakin. Mga taong naglalakad laakd lang ang nakikita ko kaya naglakad na ulit ako papuntang NBS.

Nang papasok na ko ng NBS may sumigaw ulit

"Exiya!"

Napahinto ulit ako. Ano ba naman yan. Nakakainis! Pinagtritripan yata ako dito e.

Lumingon ako at sakto namang sumulpot sa harapan ko ang hingal na hingal na aso- I mean, si Clefran Aefer.

"Bat ang.. bilis mo namang..maglakad? " Hingal nyang tanong.

Tinitigan ko lang naman siya kasi mukhang may sasabihin pa.

"Kanina pa kita hinahabol. Mula sa entrance ng Mall na to. Grabe bwsit kc yung mga tao. Bat ang dami." Dagdag niya.

"May sasabihin ka pa? I mean, may bibilin kasi ako dito" turo ko sa NBS.

Tinignan naman niya yung tinuro ko at umiling iling.  Papasok na sana ulit ako sa NBS ng tumunog ulit yung cellphone ko. Ano ba naman!! Hindi na ko nakakarating sa pupuntahan ko neto.

"Hello, EM" sagot ko sa kabilang linya

"EY, bili ka ng mas magandang swimsuit, ha? Pool party yung gagawin kong theme para sa birthday ko." Excited niyang sagot sakin

"EM, anong mas maganda pa dun? Ok na yung binili natin kahapon. Wala akong-" huminto ako saglit para tignan yung toang nasa harapan ko- si Clefran. Tumalikod naman ako sakanya.

"-dalang madaming pera, EM. Hindi ako nakahingi kanina. Kasi bibili lang naman ako ng isang libro." Dagdag sagot ko sa knya

"EY!!!! Sige na. Please? Pangit yun,e." Pilit niya

"EM, kung yung  400 pesos na yun, pangit pa para sayo. What more sa sinasabi mong mas maganda pa? Edi mas mahal na yun? EM naman."

"Libre na kita, ano bang bibilhin mo?" Pagsabat ni Clefran na nakapagpatigil sa nagpupumilit na si EM.

Nilakihan ko yung mga mata ko at nag peace sign siya. Pahamak talaga to!

"EY. EY. Sino yan? May kasama ka pala? Pakausap? Pls.pls.pls. sige na!"

Paktay talaga ako neto. Na pa buntong hininga nalang ako ng paulit ulit sa sakit sa tenga ko sa sigaw ni EM.

Ano pa bang magagawa ko, wala! Kaya inabot ko kay Clefran yung cellphone ko. Hindi naman niya agad kinuha at tanong ng "bakit?"

"Kakausapin ka daw. Kaibigan ko yan!" Tamad at inis kong sagot. Kinuha naman niya agad.

"He-" natawa ako dahil alam kong HELLO sana yung sasabihin ni Clefran ngunit hindi din natuloy dahil alam kong tuloy tuloy ang tanong ngayon ni EM.

Nang matapos na silang magusap ay binigay din agad ni Clefran yung cellphone ko. Tinitigan ko lang siya at hinintay magsalita. Jusko! Wag naman sana akong pinahiya ni EM. Lagot talaga sakin yun.

"Ahem!" Pagbasag niya sa katahimikan namin.

Lord, kunin niyo na po ako. Please.

"Papautangin nalang daw muna kita. Magbabayad nalang daw sakin yung kaibigan mo. At inivite na rin niya ko sa birthday daw niya. Binilin din niya na ano... Na.hmm.. bumili na daw tayo ng para sa pool party..." Paliwanag niya.

"Ah. He.he.he." pilit kong tawa. Muntanga lang talaga ako. Nakakainis ka EM!!!!!

"So... Tara?" Yaya niya. Um-oo nalang ako.

Nang nasa swimwear na kami ay pinagtitinginan naman kami nung mga tao kasi si Clefran lang naman yung namimili. Ang awkward lang kasi.

"Ano sa tingin mo, Exi?" Biglang tanong niya sakin sabay pakita nung match na swimwear.

"Ha? Ano kasi... Ayoko kasi sa mga match match na gamit yung mga parang couple ganun. Hehe" paliwanag ko

"Ahh" sagot naman niya

"Sir, ok nga yan e. Ang sexy niyang swimsuit para kay maam." Sabat naman nung saleslady.

Tinitigan ko yung saleslady gamit ng napakalaking mata ko. Kaya naman napayuko siya. Hays! Lahat nalang. Naiinis na ko ah.

"Kaso ayaw naman niya. Ganda pa naman sana" parinig naman ni Clefran.

Ano bang gusto neto? Mag couple swimwear kami? Hell no!

"Ano, Exi? Eto nalng oh! Sige naaaa!" Pabebe naman nyang pilit sakin.

"Oo na. Oo na! Yan na. Tumigil ka na. Nakakdiri yang itsura mo" pagsang ayon ko. Anuuuuna? Wait. Nababaliw na ata ako. Huhuhu.

Sige bayaran ko lang ha? Hintayin mo na ko sa labas. Kakain tayo bago umuwi.

Sinunod ko naman yung sinabi niya at lumabas na ko. Ano pa bang magagawa ko e siya naman nasusunod syempre binilin daw siya nung kaibigan ko. Edi sila na ang close.

"Exi!" Biglang sulpot naman nya sa harapan ko. Inirapan ko lang siya.

"Kain tayo? San mo gusto?" Tanong niya.

Ano kaya? Mag palusot nalang ako na hinahanap na ko sa bahay.

"Ahm. Ano kasi Clefran, e. Hmm. Baka mapagalitan kasi ako ng mga lolo ko e. Iwi na ko, ha?" Pagpapalusot ko. Please maniwala ka. Bulong ko.

"Ahh. Ganun ba? Sige, hatid na ki-"

"Ha? Wag na. May pamasahe naman ako" pagputol ko

"Ok lang. Sige na? Dala ko kotse ni mama, e. Sige na?" Pagpupumilit na naman niya at um-oo na naman ako sa pangalawang pagkakataon.

Ano bang ginagawa mo sakin Aefer? Bakit hindi kita matanggihan? Ayoko ng napapalapit sayo. Alam mo ba yun? Hanggang ngayon ba naman, kumag ka parin? Nakakainis ka na.

Gusto ko sanang sabihin sakanya yan pero syempre hindi ko ginawa. Sino naman ako para gawin pa yun? Hindi na niya ko naaalala, bakit pa ko gagawa ng ganung eksena. Di ba?

Ang tahimik na sana ng biyahe namin ng bigla naman niyang binasag ang katahimikan.

"Exi"

"Hmm?" Tanong ko without looking at him

"Do you believe in destiny?" He asked

Woa. Sa dami dami ba naman ng tanong yan pa? That question. Never did in my life that I believe in such things. But then, I realized...

"Sometimes, Yes. Because of the books I've read... There's so much in it that sometimes made me feel like... It's true. But of course, most of the times, I don't. Because I believe there's NO such things like 'destiny'" I answered.

"Ahh. Sasabihin ko pa naman sanang baka destined tayo sa isa't isa." Paliwanag niya naman na nakapagpanganga sakin

"I mean, you know? Parang pinagtagpo. Friends na pala tayo sa fb noon pa ngunit hindi natin alam. Nagkita tayo out of the blue nang hind din natin inaasahan. Then what do you call by that? Its like destiny, Exi." Dagdag niya

Kung destiny nga ang tawag mo sa mga nangyayari sa tin mula bata pa tayo... Siguro meron ngang destiny. Pero hindi naman yun yun, Aefer. Walang destiny....

"Tragedy ang meron." Yung lang ang tanging nasambit ko. Ayokong guluhin ang utak niya. Ayokong makilala niya ako dahil pinakilala ko ang sarili ko.

Gusto kong siya mismo ang makaalalang... Ako to, si Yesha.