You Sexy Thing - 2

Bebe Josh's POV

(Bell sound)

Bumukas ang elevator sa ikalabing-walong palapag, at bumungad ang napaka-modernong reception area ng Office of the CEO ng Shin Group of Companies. Mabilis akong naglakad patungo rito. Nakaramdam ako ng excitement at kaba dahil sa wakas makakausap ko na ng pangmatagalan ang pinakahinahangaan kong lalaki sa tanan ng buhay ko na si Kuya Jun.

"Hello Madam... Nariyan po ba si Kuya???" ay nagkamali ako. Hehehe. "Uhmmm, I'm sorry si Mr. Jun Andrew Shin?" pambungad kong tanong sa receptionist na medyo may edad na ring babae, nagsalubong pa ang kilay nito sa akin, nalandian siguro sa tinig ko. Hahahaha.

"Mayroon po ba kayong appointment kay Sir?"

"Yes po. And I am Josh Santillian from Maxx Pharma..."

"Oh... kanina pa kayo hinihintay ni Sir... You may go to his office... Left wing po room 18, sa pinakadulo."

"I'm sorry for being late... sige salamat." Sa pagmamadali ko'y natunton ko kaagad ang opisina. "Good morning Sir...." bati sa akin ng janitress na nakasalubong kong lumabas sa pinakabungad na pinto.

Pagbukas ng automatic door ay namangha ako sa ganda ng disenyo ng opisina, napaka-moderno, napakalawak at kitang-kita mo ang mga naglalakihang gusali sa labas, subalit walang tao? Bakante ang lamesa ng CEO at wala rin ang kanyang sekretarya. Inikot ko na ang mga mata ko sa buong paligid ngunit walang Mr. Shin akong nakita.

Haaaay, grabe kinakabahan ako. Kinuha ko ang salamin sa aking bag at nanalamin muna ako kung maayos ang aking hitsura. "Okay, perfect na ako..." pinaghandaan ko kasi itong business attire kong suot para lang kay Kuya Jun.

Maswerte ako at nabigyan ako ng pagkakataon na ma-interview ang CEO dahil maraming nagsasabi na mailap daw itong tumanggap ng bisita o makipag-appointment sa ibang tao dahil napaka-busy niya. "Haaaay grabe, dinadaga ako...." huminga ako ng malalim. "Calm down Josh, huwag mong ipapahalatang kinakabahan ka...."

I remember the first time na makita ko siya, it was inside of the Uber Taxi, nagulat ako pagpasok ko ng sasakyan, at talagang na-starstruck ako sa kanya nang makipagtitigan siya sa akin sa mata. Lucky charm ko talaga si David kaya simula noon ay naging suki na niya ako sa Uber. Hindi lang minsan o dalawang beses kaming nagkakasabay ni Mr. Shin, at sabi ni David, sumasakay ito ng Uber kapag nagmamadali at kung wala ang kanyang driver.

Mayroong tatlong silid dito sa loob ng opisina at baka narito lamang siya sa isa sa mga ito kaya naupo muna ako sa pinakamalapit na upuan kong nakita.

Pagkalapag ko ng aking gamit sa mesa ay napansin kong may musikang nanggagaling mula sa silid na katapat ko. Intro pa lang ng kanta ay alam ko nang iyon ang You Sexy Thing by Hot Chocolate! And that was the song inside the Uber taxi nang unang beses ko makasabay si Kuya, si Mr. Jun Andrew Madrigal Shin! Yeah, that was the song... hindi ko talaga ito makakalimutan... Napapaindak na tuloy ako sa kanta. Oh yeah! "I believe in miracles... Where you from, YOU SEXY THING!"

You Sexy Thing (I Believe in Miracles) by Hot Chocolate

I believe in miracles

Where you from

You sexy thing

I believe in miracles

Since you came along

You sexy thing

Where did you come from, baby?

How did you know I needed you?

How did you know I needed you so badly?

How did you know I'd give my heart gladly?

Yesterday I was one of the lonely people

Now you're lying close to me, making love to me

I believe in miracles

Where you from, you sexy thing? (Sexy thing, you)

I believe in miracles

Since you came along, you sexy thing

Where did you come from, angel?

How did you know I'd be the one?

Did you know you're everything I prayed for?

Did you know, every night and day for?

Every day, needing love and satisfaction

Now you're lying next to me, giving it to me

I believe in miracles

Where you from, you sexy thing? (Sexy thing, you)

I believe in miracles

Since you came along, you sexy thing

Oh, kiss me, you sexy thing

Touch me baby, you sexy thing

I love the way you touch me, darling, you sexy thing

Oh, it's ecstasy, you sexy thing

Yesterday I was one of the lonely people

Now you're lying close to me, giving it to me

I believe in miracles

Where you from, you sexy thing? (Sexy thing, you)

I believe in miracles

Since you came along, you sexy thing

Oh, touch me

Kiss me, darling

I love the way you hold me, baby

Oh, it's ecstasy

Oh, it's ecstasy (Sexy thing, you sexy thing, you)

Kiss me, baby (Sexy thing, you sexy thing, you)

I love the way you kiss me, darling (Sexy thing, you sexy thing, you)

Oh, yeah (Sexy thing, you sexy thing, you)

Love the way you hold me (Sexy thing, you sexy thing, you)

Keep on lovin' me, darling (Sexy thing, you sexy thing, you)

Keep on lovin' me, baby (Sexy thing, you sexy thing, you)

Naalala ko nang ikalawang beses kaming magkasabay sa taxi ni David... Napasandal ako't napapangiti... at aking sinariwa ang mga pangyayari....

FLASHBACK

17 December 2016

"OMG! After 3 months! Tinupad na ni Lord ang aking kahilingan, kasabay ko na ulit si crush dito sa Uber!!!!" my first tweet of the day in Twitter – Alter World! Hahaha. My username is Bebe Josh @naughtygeeky69 (available in twitter).

"I'm happy for you bro..." Santino Pinagpala @thegiftedsaint replied on my tweet. Nag-send siya ng direct message. "Bebe Josh napanuod mo ba ung latest vid ni Hugo?"

"Yes and that was so hot! Grabe, kagat-kagat niya ang kanyang labi while he is jacking-off! Napasabay ako. Lol" my reply to his message.

"Paubos na ang data ko kaya hindi ko mapanuod! Haaaaay! I'm on my way to Batanes. Buti ka pa nakasabay mo na ang crush mo... si Kuya, ayeeeee! Ako kaya??? Sana may makasabay din ako... ung hindi lang crush! Hehehe." He said on his message.

"Tiwala lang Santino, mayroon ka rin makakasabay ngayong araw na ito! Malay mo hindi lang isa kundi dalawa pa!" My reply. Matagal ko nang kaibigan si Santino or Sandro Herrera, his real name. Gym buddy ko siya at minsan nabanggit ko na rin si Kuya sa kanya habang kasabay ko siyang nagwo-workout.

"Sana magdilang anghel ka. Hahaha. Sa tingin ko mapapansin ka ni crush ngayon. Nararamdaman ko." He replied.

"Sana nga magdilang anghel ka rin Sandro."

Back to Kuya! Tumatagaktak ang pawis ko sa noo kahit napakalakas ng aircon ng taxi ni David, at ito na 'yong first time akong pansinin at kausapin ni Kuya..... And I can't believe it! Dahil 'yong kantang You Sexy Thing by Hot Chocolate ang muling ipinapatugtog sa radyo. Grabeh! Iyan music noong una kaming nagkasabay dito sa taxi ni David! Oh my.... favourite ko na itong kanta! Hehehe.

"Pinagpapawisan ka ata... Here, take my handkerchief..." Kuya's first statement nang unang kibuin niya ako habang inaabot nito ang puti niyang panyo. Hindi ako makakibo-kibo o makabigkas ng kahit anong salita dahil nakatitig lamang ako sa kanyang mukha. Hanggang sa mapangiti siya sa akin. Nakita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin... at doon nahulog ang aking panga.

"S-salamat...." bigkas ko sabay abot sa kanyang panyo. Pinunasan ko ang aking pawis at saka ko inabot ang panyo pabalik sa kanya.

"No, just take it...." he said at muli niya akong binigyan ng napakatamis na ngiti. Gusto ko na tuloy kagatin ang panyo sa sinabi niya. Hehehe.

"Josh pala..." pagpapakilala ko sabay abot ko ng aking kamay.

Inabot din niya ang kanyang kamay and he said... "Just call me KUYA...." OMG! Ang lambot ng kamay niya. Shet nakakakita tuloy ako ng napakaraming lumilipad na puso! Ahahahaha.

Nang mabusy si Kuya sa kanyang cellphone ay muli akong napa-tweet sa Alter World.

"My luckiest day! Kinausap ako ni Kuya! In love na ako sa kanya... grabe!" my tweet, at napakarami ang nag-reply. At napansin ko ang isa sa reply sa comment section box... "It was meant to be!" with a wink and a smile emoticon. Hindi ko alam kung ba't ako napalingon kay Kuya, ibinulsa niya ang kanyang cellphone at nagkatinginan kami sa mata. He gave me again a sweet smile, saka tumigil ang taxi and he said "Sige Josh...." at bumaba na siya.

Paglabas ni Kuya ng taxi. Tinapik ko ang balikat ni David. "David, ano ang pangalan niya.... Please????"

"Sir confidential po eh...." he said.

"Sige naaaaah..." pangungulit ko.

"Hahahaha. Jun Andrew Shin." Sinabi rin niya! Hehehe.

At simula noon ay ni-stalk ko na siya sa internet at sa mga social media sites, at pati lahat ng magazines kung saan siya na-feature ay hinanap ko sa mga malls at binili ko. Hahahaha. Ganito na ako naging ka-obsessed kay Kuya. Hehehehe. I love you Kuya!