#TheDecision
"HOOOOY LIANNA ASHER EVANS! BUMALIK KA SA KATAWANG LUPA MO! DIYOS KO!" sigaw ni Claire kay Asher. Kasalukuyang nasa Starbucks sila ngayon at tumatambay lang kasi tapos na ang klase nila.
The advantage of being a college student. (-______-)"
"Geez Claire, nakakahiya ka. Wag ka ngang sigaw ng sigaw diyan. Tinatakot mo ang mga customers oh." aniya na ini-ikot ikot sa kamay ang hawak na cellphone.
"Don't care. Eh ikaw eh, para kang timang dyan. Problema mo?! Akala mo ba di ko napapansin yang paglipad lipad ng diwa mo sa planetang pluto?? Hoy Hija, gumising kana dahil baka di na makabalik sa'yo yang pag iisip mo! Tss."
"One week has passed."
"Eh ano naman ngayon? Hinihintay mo ang tawag niya?" she eyed him suspiciously. "Naaaa Asher! Hinihintay mo nga!" She really can't hide anything from her. Geez. And sometimes, she hates it. "Na-inlove kana ba dun?! Ha gaga ka?! Oo nga't sobrang gwapo ng nilalang na iyon at parang ang sarap sarap pa, tapos...tapos... basta HE'S DANGEROUSLY HANDSOME, pero takte! He's a SANDERS you know? A SANDERS! Isaksak mo sa kukot---asdfghgjgkrk...mmmm!!" tinakpan niya nga ang bibig at kinaladkad palabas ng establisyemento. Masyado na siyang hiyang hiya eh..
Binitiwan niya lang ito ng makarating sila sa may kotse niya.
"Haaaa...haaaaa.. Ano bhaaa Asheeer! Balak mo baaahhkong patayin?! Haaa?? Kampon kana ng mga damuhog na iyon ano?! You're acting strange since you came from that secret meeting of yours! How coul---"
*Paaak!
"Asher ha! Namimihasa kana!"
"Ikaw din. Namimihasa kana. Pwede ba, for a moment could you stay quiet? Ano'ng kampon? Like hell! Sobrang lakas ng boses mo, nakaka hiya." Sumakay siya sa may driver's sit at sumunod si Claire na hawak hawak parin ang dibdib.
My! I didn't expect that Asher would be that strong! Muntik na'kong malagutan ng hininga dun ah. Phew.
"So what happened? Ba't parang na tatae kana dyan kakahintay sa tawag niya? Gawain lang yan nga mga girlfriend na nagpapa habol sa boyfriend nila!" Iritadong tanong nito.
"Ganito kasi iyon.. He kinda propose to m---"
"WHAT?! PROPOSE AGAD?! AGAD AGAD?! Hibang kana ba, ha Asher?! Ano'ng---"
"Gusto mo'ng marinig kung ano'ng nangyari diba?" mukhang pati sa pinsan ay nawawalan na siya ng pasensya. Claire really has a big mouth.
"Tss. Okay, go on."
"Errmm so yun nga. He propose to me. Sabi niya I'll marry him for---"
"WAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! PA'NO NANGYARI YUN?! AAAAAAH! I CAN'T BELIEVE IT! AT BAKIT PARANG MASAYA KAPA?! WAAAAAAAH!!!" ngawa na naman nito kaya pinandilatan niya.
Her famous deadly glare.. **
"S-Sorry.." hinging paumanhin nito at umayos ng upo.
"If you'll interrupt me again, I'll kill you." banta niya. She doesn't mean to use that to her cousin. Ginagawa niya lang ang ekspresyon at bantang iyon sa mga kaaway niya, but she had no choice.
"Oo na.. e-eto naman.."
"Then listen.."
**Flashback
"It is you marrying me."
"What the---LIKE HELL I WOULD! I'm leaving!" Tatayo na sana siya nang magsalita ito ulit.
"Hindi mo kailangang sumagot agad. I'll give you time to think. This is not just for me, Lianna. This is for the both Clan. Alam kong hindi papayag ang mga Ama nating maging isa ang South at North kung sa usapan lang 'to idadaan. But if we would tell them we are inlove with each other at may balak tayong magpakasal, they can't go against it."
"IDIOT! Why would my Dad let me marry a man from our Clan enemy?!"
"Simply because it's you. Your Dad loves you so much na mas uunahin niya ang kapakanan at kaligayahan mo more than anything else. Kaya nga he's been holding the position up till now hanggang sa makahanap siya ng pwedeng ipalit sa kanya dahil ayaw niyang ikaw ang mapunta sa posisyon dahil takot siyang masaktan at mapahamak ka."
"Which is also the reason why I don't want to deceive him! Mahal ko ang ama ko at hinding hindi ko gagawin ang mga bagay na makasasakit sa kanya."
"Kaya nga.. Hindi mapapahamak ang ama mo kung papayag ka sa proposal ko. My people would be saved---I mean not 100% sure, pero atleast may laban tayo, 85%---and your father would be saved too. Hindi mo lang alam kung ga'no kahirap ang maging isang Clan leader, so help your Dad."
End of Flashback..**
"Oh.." ang tanging nasabi lang ni Claire. She too was dumbfounded.
"See? Speechless ka din."
"A-Are you going to say yes?"
"Like hell I would. Bahala siya sa buhay niya. Basta ako, hindi ako magsisinungaling sa ama ko." aniya with a fixed expression.
"True. We can't trust him. Isa nang rason at sapat na sapat na ang pagiging isa niyang Sanders para hindi natin siya pagkatiwalaan. N---hey. So why are you waiting for his call?"
"So I could tell him I'm not participating his scheme."
"Did he got your number?"
"Nope."
*Paak!
"Claire?!" Pinandilatan niya ito habang sapo-sapo ang sinapok niyang ulo.
"Gaga ka talaga eh no?! Bakit mo hinihintay ang tawag niya gayung wala naman siyang number mo?! Eng-eng ka talaga kahit kailan Asher!"
"He could always get it if he wan---"
"GAGA KANA! TANGA AT BOBO KAPA! Ano ba yan babae ka, to think na pinsan kita. Tss. Sino ka ba para tawagan niya. Geez. Umalis na nga tayo, gusto ko nang umuwi." Napa nguso nalang siya sa sinabi ng pinsan at nag drive.
Sorry naman ha?!
It was past 10 in the evening pero gising parin si Asher dahil kailangan niyang tapusin ang thesis niyang due na kinabukasan kaya kahit inaantok, kailangan niyang magising.
Napatingin siya sa naubos niyang kape at may karamihan na iyon. Alam niyang masama iyon sa katawan pero kailangan niyang hindi antukin kaya nagpasya na naman siyang magtimpla.
Hindi pa siya nakakalabas ng kwarto niya ng mag ring ang personal phone niya na agad niya namang sinagot.
"Yes, hello Gabriella?"
"Miss Asher, patawad ho kung napatawag ako sa inyo sa ganitong oras."
"Okay lang. May problema ba?" kinabahan siya bigla. Hindi basta basta tatawag lang ang sekretarya ng ama niya. This must be very important. "Si Dad?"
"Err.. Miss Asher, nag collapse ho kasi kanina si Sir Gavin, pero okay na p---"
"What?! Asan kayo?! Pupunta ako dyan." She knew it, may nangyari sa Dad niya at di niya mapigilan ang kabahan ng sobra.
"Err.. Miss Asher, okay lang po. Wag na kayong pumunta rito, sabi kasi ni Sir---"
"Saang hospital kayo?! Dammit!"
"Err.. S-Sa Saint Anthony Me-Medical po Miss As---" hindi na niya ito pinatapos pang magsalita, dire-diretso siyang kumuha ng coat at nagtatakbo papuntang garage. She could always ask for her Dad's room number when she gets there anyway.
Oh God please, let him be safe. Di ko alam ang gagawin ko pag may mangyaring masama kay Daddy.
She know she's over speeding and she's lucky na hindi siya nahuli hanggang sa nakarating siya ng ospital.
"Nurse? Saang room si Gavin Evans?" Habol ang hiningang tanong niya.
"Err, sino ho sila? Kaano-ano niyo ang pasyente?" Napa ikot nalang ang mga mata niya sa sobrang annoyed na nadarama. Nagmamadali siya, for pete's sake at ganito ang bubungad sa kanya, interogasyon?!
Oh c'mon!
"I'm his daughter. Lianna Asher Evans. Okay na?" hindi siya masungit, pero pag nauubusan na siya ng pasensya ay talagang lumalabas ang pagka maldita niya.
"West wing, room A-219." Masungit na ring sabi nito but she doesn't care. Hindi niya naman iyon kilala. At kahit hindi niya ugaling hindi magpasalamat, hindi siya nagpasalamat sa Nurse. Umalis nalang siya doon na parang wala lang at naghanap na nang kwarto ng ama.
♡West Wing A-219
"Dad!" She zoomed, nagising niya nga si Gabriella na nakatulog na sa may upuan. And her Dad was sleeping. "What happened?"
"Nag collapse siya sa office Miss Asher."
"Why?"
"Stress daw po sabi ng doktor."
"Stress??"
"Errmm," napatingin ito sa ama niya at tumingin uli ito sa kanya. "Miss Asher, actually may malaking problema ngayon ang Clan natin. It's about the merging of East and West para maghari sa buong Mafia World.."
"I've heard of it." Nanlulumo siyang napa upo sa sofa na nasa may gilid. "But... But how come... Si Dad.. Ugh."
"Hindi niya lang po pinahahalata sa inyo dahil baka mag alala kayo ng sobra. Pero sa tingin ko ho talaga, hindi ito kakayanin ng Ama niyo. Aside from you, concern din niya yung mga tao niyo kapag maganap na ang labanan."
Flashback **
"Kaya nga.. Hindi mapapahamak ang ama mo kung papayag ka sa proposal ko. My people would be saved---I mean not 100% sure, pero atleast may laban tayo, 85%---and your father would be saved too. Hindi mo lang alam kung ga'no kahirap ang maging isang Clan leader, so help your Dad."
End of Flashback..**
"Oh God.." nasambit nalang ni Asher at hapong hapo na napasandal sa backrest ng sofa.
"Miss Asher, ako na ho ang magbabantay sa ama niyo, umuwi na ho kayo para makapag pahinga. May pasok pa ho kayo bukas.."
"Kararating ko nga lang eh."
"Pero may pasok ho kasi Miss Asher." She just stared at the ceiling. Na guilty siya bigla nang sigawan niya si Gabriella kanina.
Since her Mom died, ang secretary na nang Dad niya ang laging nag aalala para sa kanya. Tumatayong Mother-figure kahit sinusungit-sungitan niya ito. Syempre, ayaw niyang palitan ang Mommy niya. At may hinala rin siyang may itinatagong relasyon ang Dad niya at Sekretarya nito.
But later on, medyo natanggap na niya dahil Gabriella is really supportive of her father. Lagi itong nasa tabi ng ama niya na hindi niya palaging magawa---well, wala paring inaamin ang mga ito kung may relasyon sila o wala---at parang masaya naman ang Dad niya. Since her Mom died 6 years ago, ngayon niya lang ulit nakita ang Dad niya na ngumiti, maging masaya. And he deserves that.
"Gabriella?"
"Y-Yes Miss?" sa boses palang nito, halata nang nagulat sa pagkaka tawag niya.
"I'm sorry sa kanina, I'm just so worried about Dad." Nang tingnan niya ito, Gabriella was shocked. Hindi siguro nito ine-expect ang mga sinabi niya.
Siya? Mag so-sorry? That's once in a blue moon.
"O-Okay lang ho Miss Asher.. Wala hong kaso yun, naiintindihan ko ho kayo."
"Hmm.." tumayo na siya at nagpasyang umalis. "Uuwi na muna ako, may ipapasa pa'kong Thesis bukas eh. But I would be back tomorrow for sure."
"S-Sige po Miss Asher. Mag ingat ka sa pag uwi."
"Yeah." pero bago siya lumabas ng kwarto, huminto siya sa pinto at.. "Gabriella, thank you for always taking care of my Dad. He deserves to be happy."
"Miss Asher??"
"And oh.. Hindi ako sure pero ramdam kung may something sa inyo ni Dad. It's okay, I'm not against it. As long as he's happy." pagkasabi nun, lumabas na siya without hearing Gabriella's reply.
Pero hindi paman siya nakaka layo, tinawag siya nito.
"Miss Asher! Thank you." naka yukong sabi nito.
"Raise your head." Aniya, at nang mag angat nga ito ng ulo, nginitian niya ito at umalis na.
Dad deserves to be happy.
And our people should also be happy. They deserve it.
Kinuha niya ang telepono sa bulsa at may idi-nial. Ilang ring lang, may sumagot na.
"Hello? Lianna?"
"How d'you know?!"
"I just got your number kanina. Tatawagan sana kita but I decided to call you tomorrow dahil baka tulog kana sa mga oras na'to. But fortunately, you called."
"I thought you said 'unfortunately' .. "
"Hindi ko alam na ganun ka kabingi. So what's the verdict? If you'll gonna decline, I don't have a choice but to show myself to your Dad at hihingin ko ang kamay mo. Wether you like it or not. The situation in Mafia world is getting worse you know?"
"Alam ko, at di mo na kailangang gawin yun. You'll embarass me."
"So what now?"
"Idiot! I'm saying yes. I would play your game!"
***
#TheDecision
©Nezzzy113
---
A/N:
By the way, Gabriella is 44 years old and Asher's Dad is 46. Harhar. :D Walang honorifics na ginagamit si Asher towards her dahil ayaw niya ngang may pumapalit sa Mom niya, but I guess as the story progress tawagin na niya itong Tita.
Who knows. Huehue :*
Votes and comments are much appreciated. Gomawo :*