CHAPTER 9: Ang Babaeng 'di Dumating sa Audition
Rush hour na at matindi ang daloy ng trapiko. Kahit na binilisan na ni Ning Xi ang pagkilos, pagdating niya sa building ng auditions late na siya.
Palabas ng building si Chang Li kasama ang isang napakasayang Ning Xueluo na napapalibutan ng mga taong nagco-congratulate sa kanya.
Mula sa malayo, habang nakikita si Ning Xi na naliligo sa pawis habang tumatakbo, tinignan lang siya ni Ning Xueluo tulad ng pagtingin sa kanya nito limang taon ang nakaraan.
Tinignan siya nito na parang kapiranggot na langgam.
Pinanood ni Ning Xi si Ning Xueluo na sumakay sa van niya at umalis. Pero 'di umalis si Ning Xi at tumuloy pa rin sa building.
Hindi pa huli ang lahat!
Halos malapit na siya sa pupuntahan, nakasalubong niya ang isang grupo ng mga taong nag-uusap nang masaya. Sila ang casting judges para sa dramang
"Sorry po, I'm late," yumuko si Ning Xi nang mababa.