Chapter 13: 'Di Madali ang Magkaroon ng Anak
May mga props si Ning Xi mula sa isa sa mga naging part-time jobs niya, isa na roon ang pares ng Pikachu costume na pajamas para sa bata. Kaswal niya lang itong dinala noon pero ngayon bagay na bagay ito kay Little Treasure.
Mas madali ang paghahanap ng damit para kay Lu Tingxiao bilang may mga naiwang damit ang nakababatang kapatid na lalaki ni Ning Xi sa bahay niya.
Pagkatapos sumamang muli sa kanyang mga tunay na magulang, na-guilty si Ning Xi sa mga umampon sa kanya. 'Di niya magawang makapagpakita nang maayos sa kanila at unti-unting nawalan ng contact sa kanila, ang nakakausap na lang niya sa pamilya ang ang kapatid niyang lalaki, si Tang Luo.
Matapos mahanap ang mga damit, nakakita rin si Ning Xi ng kumot at unan para kay Lu Tingxiao.
'Di sapat ang laki ng sofa sa sala para sa mahahabang binti ni Lu Tingxiao, ang nagawa na lang ni Ning Xi ay magdagdag ng upuan para humaba ito.