Nagkalat sa lahat ng dako ng Entertainment Industry ang mga Ex niya

Chapter 20: Nagkalat sa lahat ng dako ng Entertainment Industry ang mga Ex niya

Pagkaalis ng dalawang matanda pagkatapos ng hapunan, lumapit si Lu Jingli sa kanyang kapatid para sa kanyang gantimpala, para siyang asong kumakawag ang buntot. "Kuya, ang galing ko 'di ba? 'di ba?"

May ibinatong maliit na bagay ang kapatid niya sa kanya.

Nasalo ito ni Lu Jingli sa isang kamay. "Anong laruan 'to?"

Habang tinitignang mabuti, nanlaki ang mga mata nito.

Susi ito ng sasakyan. Susi ito ng 100th anniversary Bugatti race car na matagal na niyang minamata, nag-iisa lamang ito!

"Oh! Ang pinakamamahal ko!" niyakap ni Lu Jingli ang susi at hinalik-halikan. "Kuya, I love you!"

Kahit kailan ay 'di bumigay si Lu Tingxiao noon kahit na anong pangungulit ni Lu Jingli sa kanya. Sinong mag-aakalang ibibigay ito sa kanya ng kuya niya sa dahilan lamang ng kaswal niyang pagsabi ng kung anu-anong salita sa harap ng mga magulang nila?