Chapter 52: Healing Kisses
"Pa'no sa tingin mo?" nag-krus sa dibdib ang mga braso ni Ning Xi at sumandal siya sa upuan habang kaswal na nagtaong.
Mukhang nauubusan na ng pasensya si Su Yan at hinapas ang mesa. "Ning Xi! You know better than me kung ano ang nakakasagupa ng babaeng tulad mo sa entertainment industry! Bakit ba ang tigas ng ulo mo tungkol sa paglalaro sa ganitong business?"
"Heh, babaeng tulad ko…" napangisi si Ning Xi. "Ano'ng identity ba ang gamit gamit mo ngayon para pagsabihan ako nang ganyan?"
Kung siya 'yung dating Ning Xi, baka naging hysterical na siya sa pagkakarinig dito.
Noon kasi, pauli-ulit na sinabi ni Su Yan na ayaw niyang pumasok sa entertainment industry ang mapapangasawa niya, pero pagdating kay Ning Xueluo, buong-buo ang suporta niya. Tapos ngayon, ang kapal ng mukha niyang pakialaman kung sa pa'nong paraan gustong mamuhay ni Ning Xi.