Chapter 63: Labanan ng 300 Rounds
Nakarating na ang sasakyan sa main gate, kaswal na nagtanong si Ning Xi, "Jiang Muye, anong number ng villa mo?"
"No. 6."
"…" Medyo nagulat si Ning Xi. No. 6 nga.
Nahahati sa iba't ibang klase ang mga villa sa Platinum Palace. Ang pinaka magara syempre ay yung palasyo ni Big Demon King Lu na No. 8. Yun ang may pinakamalaking lote, may big lake, at flower garden din sa likod st syempre personal golf course. Kay Lu Jingli naman 'yung No. 7. Magkapantay sa ganda ang No. 7 at No. 6.
Walang nakakaalam kung sino'ng may-ari ng villa No. 6. 'Di niya inasahan na si Jiang Muye pala.
Nang makita ni Ning Xi na liliko pakanan si Lei Ming, biglang nagsalita si Ning Xi, "Ay Lei Ming, 'wag diyan may harang…"
"Pa'no mo nalamang may harang?" biglang tanong ni Jiang Muye.
Kinabahan si Ning Xi pero 'di niya pinahalata at kalmadong tinaasan ng kilay si Jiang Muye. "'Di mo ba nakikita may warning sa gilid?"