Chapter 65: 'Di kapanipaniwalang pagtatagpo
"Ga'no katagal ka dito?" parehong tulad ng sa matanda at sa boss ang boses ni Lu Tingxiao.
Naupo nang tuwid si Jiang Muye at sumagot na parang isang mabuting estudyante. "If all goes well, dito na muna ako sa bansa nang pangmatagalan. Kahit maraming nag-aabroad this year, naniniwala akong mabilis ang growth ng local film industry nitong nakaraan, saka, malaki 'yung market. 'Di naman talaga importante magpuntang abroad, pero ayoko rin namang pangunahan 'yung sarili ko. Gusto ko lang balikan 'yung pinanggalingan ko saka mga prinsipyo ko dito sa'tin."
"Mm,"'di inaasahan pero sumang-ayon si Lu Tingxiao sa mga sinabi ni Jiang Muye.
Kumalma kahit pa'no si Jiang Mue bago concerned na nagtanong, "Kumusta pala si Little Treasure?"
Lu Tingxiao: "Not bad."