Chapter 78: Takot kang maging mo tita ako
Nakahinga nang maluwag si Jiang Muye nang makita ang galit sa mukha ni Ning Xi; naiintindihan niya ito, at alam niyang ayaw na ayaw nito ang maitali.
Para kay Ning Xi, katakot-takot ang background ng Lu family na parang rumaragasang baha at mababangis na mga hayop…
"Okay, nakapagtanong ka na, ako naman," tinignan siya ni Ning Xi at nag-krus ng mga braso.
Nag-kibit balikat lang si Jiang Muye. "Ano bang gusto mong malaman?"
"'Di ba isa lang naman ang kapatid ni Lu Tingxiao, wala siyang kapatid na babae? Bakit ka naging pamangkin?" tanong ni Ning Xi.
Nagsindi ng yosi si Jiang Muye at mabagal na sumagot, "'Di ko naman talaga kadugo ang Lu family, family friend nila ang grandparents ko. Namatay sina lolo at lola sa car accident nung bata pa si mommy tapos inampon ng Lu family ang nanay ko. Kaya sa order ng seniority, kailangan kong tawaging tito si Lu Tingxiao!"