Ang Pagpapakita ng Nakatalukbong na Anyo

"Lord Guanjun!"

"Aking panginoon!"

Hindi matapos na hiyawan ang nanggaling sa itaas ng pader. Lumuwag ang loob nila Ye Linyun, Heneral Heng, Third Guard at iba pang mga nasa ikasiyam na antas.

Ang lahat ay nakatingin sa nakasuot ng pilak-gintong roba na lalaki nang may ligalig, paghanga at respeto. Ang lalaki ay mukhang diyos, na may pilak na ningning na siyang bumalot sa kanya nang makasagupa niya ang Lord tier na halimaw sa isang kisapmata.

Bigla nilang naramdamang muli ang enerhiya ng aso na siyang nakapagpagulat sa lahat.

Wu~~~~

Maraming galos at sugat ang asong itim nang tignan nito si Lord Guanjun nang may pagkamaingat.

"Mabuti! Andito naman si Lord Guanjun upang patayin ang Lord tier na halimaw!"

Ang kaninang mga ekspresyon ng cultivators na tila nawawalan ng pag-asa ay biglang naging saya at puno ng kulay. Sa kanilang mga mata, si Lord Guanjun ay isang diyos na hindi kailanman matatalo ng kahit sino sa mundo.