Pagbabaliktad ng Sitwasyon

"Brother Zhao!"

"Zhao Feng!"

Sumigaw ang apat ng may kagalakan.

Nakatayo si Zhao Feng sa tuktok ng malaking puno at pumana siya ng dalawang palaso gamit ang kanyang Gonlden Stairs Bow upang patayin ang isang sa mga deputy.

Sa pagkamatay ng isang deputy, matagumpay na nakatakas ang apat.

"Bata! Hindi ba't tumakas ka na? At paanonv hindi ka nila napansin?"

Nagsalita ang family head at tinignan nang masama si Zhao Feng.

Si Huangyun at ang kanyang mga kasama ay nagtataka rin.

Pumasok noon si Zhao Feng sa gubat upang manghuli ng kalaban, ngunit bigla siyang naglaho.

"Mapansin? Gamit ang kanilang wala-pang-begginer-level arrays?"

Malamig na tumawa si Zhao Feng tinapon ang isang supot.

Sa supot na iyon, gumulong ang tatlong duguang mga ulo.

"Mga anak ko!"

Lubos na malungkot at galit si Xing Chen habang nag-aapoy niyang tinitigan si Zhao Feng.