Ao Yuetian

Mula sa ilang daang yardang taas sa himpapawid, isang malinaw na piraso ng natural na lupa na mayroong berdeng mga damo at sumisipol na mga ibon ang makikita.

Ang Lin Moon Clan ay hindi nasa loob ng kailaliman ng kabundukan; nasa tabi ito ng isang ilog. Mula sa kaitaasan, ang ilog ay mayroong hugis ng isang nakakurbang buwan. Ang heavenly energy doon ay lagpas pa sa Broken Moon Clan at ang ilang mga talon doon ay nagdulot upang mas gumanda pa ang kapaligiran.

Ang paningin ni Zhao Feng ay mas malawak at mas malinaw, at nagdulot ito upang mapabuntong-hininga siya. Ang teritoryo ng Lin Moon Clan ay labis pang mas maganda kaysa sa Broken Moon Clan.

Ito lamang ang pagkakaiba sa panlabas na anyo – ang tunay nag pagkakaiba ay ang heavenly energy dito.