Dalawampung Hininga

Ang pagkakakilanlan ni Zhao Feng bilang isang beast tamer ay perpekto para sa kasalukuyang sitwasyon at ang mga taong pinapanood siya ay hindi man lang nagtaka.

"Siguraguhin ninuo ang kaligtasan ng young master."

Kailangang kontrolin ni Liu Yuan ang sitwasyon.

Kahit na anong mangyari, parte pa rin siya ng upper echelon ng pamilyang Liu at hindi kayang hindi ito pansinin.

Dagdag pa rito, sa sandaling ito,, ang tanging may silbi lang ay ang mga ekspertong nasa True Spirit Realm.

Si Liu Yuan ay ipinadala para pigilan ang ilang magulong mga lumilipad na halimaw kung saan sinundan ng apat na maitim na anyo si Zhao Feng.

"Ang planong ito ay mas matagumpay pa kaysa sa inaasahan...."

Habang nakatingin sa kaguluhan sa loob ng City Lord palace, isang maliit na ngiti ang mababakas sa mukha ni Zhao Feng.

Dahil sa sitwasyong ito, mas malaki ang kaniyang pagkakataong makatakas.