Ikaw Pala

Itim na usok ang pumalibot sa himpapawid sa taas ng kastilyo.

Ang gold at silver skeleton ay tumingin patungo sa Eye of Heaven.

Ang mga buto ng skeletal Division Leader ay nangingibabaw mula sa mga usok at pulang mga apoy ang lumabas mula sa mga lagayan ng mga mata nito.

Walang takot itong tumingin sa Eye of Heaven.

Malamig na sinuri ng Eye of Heaven ang skeletal Division Leader sa loob ng isa o dalawang paghinga bago magsalita, "Ikaw pala."

Ikaw pala.

Bumanda ang boses na ito sa loob ng mental energy dimension at nagdulot upang magusap-usap ang iba.

"Anong nangyayari? Kilala ba ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader?"

"Sandali, ang skeletal Division Leader ay isang anyo mula sa nakaraang ilang daang taon at hindi pa nga nakakaabot ng dalawampung taong gulang si Zhao Feng."

Ang parehas na mga magkakaibigan at magkaaway ay natulala at nagulat.