Walang Hanggang Karagatan

Sa loob ng Pure Moon Spiritual Sect, sa isang palasyo sa gitna ng laa, may isang dalisay at banal na babae ang nakaupo. Siya ay tila ba isang diyos na inukit sa mga buwan at bituin.

"Nagpakita ka na rin."

Nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ng Saint Moon Aunt Goddess habang isang malamig na ngiti ang sumilay sa mukha niya.

Shua!

Inilabas niya ang isang alakdan, na kasinglaki na ngayon ng isang toro. Ang mga mata nito ay namumula at malamig at lahat ng naroroon ay nangangatog.

Kani-kanina lamang, ang mga mata nito ay nahsimulang manlaban, pero huminto rin ito.

"Ipadala ang utos sa ibaba: si Zhao Feng ay nasa katimugang hangganan ng Tianlu Islands, medyo malapit sa Eight Desolate Mountain…"

"Aling mga eksperto ang malapit sa Eight Desolate Mountain? Gamitin niyo ang pangalan ng Pure Moon Spiritual Sect para utusan silang hulihin si Zhao Feng, at bigyan sila ng malaking pabuya kung magagawa nila ito...."