Whoosh!
Hindi pinansin ni Zhao Feng ang sitwasyon sa paligid ng Blue Lightning Sea Sky Ship habang lumipad siya palayo sa labanan ng mga Sovereign.
Ang kanyang tingin ay napunta sa mga pirata sa tabi ng balyena.
Sa sandaling iyon, may ilang mga pirata ang binuksan ang balyena at naghahandang magpapunta ng mga tao sa loob ng katawan nito.
"Magiging labis na masama kung malalaman ng mga piratang itong wala na ang puso ng balyena…"
Bulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili.
Ang pinakamahalagang parte ng balyena ay ang heart blood essence.
Ang kapitan ng Metal Triangle Pirates at ang Third Elder ng Gan Cloud Pavilion ay parehong gustong kunin ito.
Ayaw ni Zhao Feng na malaman ang kanyang sikreto, at maging kalaban ng dalawang Great Origin Core Realm Sovereign Lord nang sabay.
"Ungas, saan ka pupunta~~~!?"
Dalawa o tatlong pirata sa paligid, na pinangunahan ng isang half-steo Origin Core Realm, ang humarang kay Zhao Feng.