Sa bodega ng Demigod sa ilalim ng lupa, si Chen Yilin, Jiang Fan, at mga kasama nito ay tumingin kay Zhao Feng nang may magulong pakiramdam.
Sa loob lang ng maiksing oras, nasakssihan nila si Zhao Feng na makabuo ng half-step King intent kahit na hindi pa siya nakaabot sa Great Origin Core Realm, at nagpakita na siya ng mga bakas ng pagbuo ng Magnificent Power of a King.
Dagdag pa rito, ang himala ng henyong ito mula sa nakalipas na isang libong taon ay naipapakita ni Zhao Feng.
Mula sa Purple Scaled Grass hanggang sa mga luha ng sirena, pagkatapos ay ang Immortal Springs Wine at ang Illusion God Wine, nakahawak si Zhao Feng sa bawat kayamanan ng Purple Smoke Lake.
Ang mahalaga, hindi siya umasa sa swerte.
Noon, ang henyo ay umasa sa swerte para makuha ang Illusion God Wine at ang Immortal Springs Wine. Gayunman, nagplano na si Zhao Feng sa lahat at kinontrol ito.
"Nagawa kong mpagtagumpayan ang Purple Smoke Lake."