Eye Intent

Gamit ang bloodline-body ng Spiritual Race, madaling natiis ni Zhao Yufei ang atake ni Nan Gongsheng.

"Kahit pa ang Profound Spatial Slash ay hindi kinayang masaktan siya?"

Medyo naloko si Nan Gongsheng sa pangyayaring iyon.

Kahit pa si Wen Luoan ay masasaktan kung natamaan siya nang harap-harapan ng Profound Spatial Slash.

Kaya lamang, may ranggo ang mga bloodlines ng Ten Thousand Ancient Races. Mala-halimaw na ang tingin kay Wen Luoan dahil ang bloodline niya ay nasa nangungunang 100, pero nasa nangungunang 20 ang Spiritual Race.

Matapos harangan ang atakeng iyon:

Weng~

Naglabas ng lilang ilaw na naging daan-daan hanggang libong malalakas na sinag ito.

Ang katakot-takot na aura ng Ten Thousand Ancient Races ay para bang sinusunog ang Heaven Earth Yuan Qi habang umaasinta ang lilang liwanag sa kalangitan.

Sa oras na iyon, ang bloodlines ng mga disipulo at kahit pa ang mga Kings ay nagsimulang manginig.