Hari (2)

Pinigilan ni Zhao Feng ang kanyang hininga at hindi siya gumawa ng kahit anong padalos-dalos na galaw saka niya sinuri ang kanyang kapaligiran sa puno.

Ang aura malapit sa malaking puno ay kakaiba. Walang mga hayop o insekto ang nasa loob ng ilang daang metro, at napakatahimik rito. Biglang nakaramdam ng lamig si Zhao Feng, na tila ba may peligrong nakatuon sa kanya.

Sii Whoosh!

Isang mahabang anino ang biglaang lumabas mula sa mga sanga na may kasamang pagkauhaw sa dugo na aura.

Biglang napatalon ang puso ni Zhao Feng nang maabutan ng kanyang kaliwang mata ang isang malaking ahas. Ang kulay at aura nito ay katulad ng kagubatan. Kulay pula ang mata nito, at ang bibig nito ay mas malaki pa sa isang bariles.

Sa bugso ng hangin at dumi, ang bibig ng ahas ay agad na nagpakita sa harap ni Zhao Feng.

Napakabilis ng lahat. Natakot si Zhao Feng at agad na umatras, pero hindi ito sapat para maiwasan ang atake ng ahas.

Weng~~