Skeletal Division Leader Laban sa Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch

"Patawarin niyo kami, Emperor Zhao!" malaki ang binago ng ekspresyon ng Saint Moon Aunt Goddess, at muntik nang lumipad paalis ang kaluluwa ng gintong kalansay sa takot.

"Emperor Intent? Paano…!?' namutla lalo ang Demonic Dao King. May bakas ng sunig sa buong katawan niya at para bang nawala niya ang kaniyang kaluluwa.

SI Zhuang Wan'er na hindi ganoon kalayo ay sobrang laki nang iginulat. Sa isa o dalawang hinga lang ay ang kombinasyon ng tatlong Kings ay agad nadurog at sumuko. Nalagpasan ng lahat nang into ang kaya niyang intindihin. Matapos makita ang walang kaluluwang ekspresyon ng Grand Elder at ng nagulat at marespetong ekspresyon ng dalawa pang King ay para banghindi na pinagkatiwalaan ni Zhuang Wan'er ang kaniyang mga mata. Ang tatlo bang ito ay mga hindi maabot na Void God Realm Kings pa rin?