Maganda ang naging labanan at marami ang hindi nakapaniwala sa nangyari. Pero para sa mga malalaking guilds, ang naging epekto nito sa kanila ay hindi kasing-taas ng naging epekto nung naitatag ang kasalukuyang record ng Desolate Land.
Kinilala ng mga malalaking guilds ang resultang iyon at masinsinan nila iyong pinag-usapan. Gayunpaman, iyon ay hindi maaring maging mas nakakahiya pa kaysa sa kahihiyang natamo ng Blue Brook Guild.
Tanging ang Blue Brook Guild lang ang namroblema sa labanang iyon.
Sa kasalukuyan, ang Blue Brook Guild sa ika-sampung server ay lubos na natahimik. Silang lahat ay tahimik na tiningnan ang diskusyong nangyayari sa world channel.
Wag mong husgahan ang mga manlalarong ito dahil sa kanilang levels. Ang mga taong nasa likod ng mga karakter na ito ay ang mga beteranong manlalaro ng Blue Brook Guild na sina Changing Spring at ang mga kasamahan niya.
Gayunpaman, hindi nila kasa-kasama si Poplar Beach.