Hanggang sa mga sandaling ito ay bukod sa Attack Attribute, ay walang naging kahit na anong additional attributes ang kaniyang Myriad Manifestation Umbrella. Dahil dito ay para bang naging isang White Equipment ang Silver Equipment ni Ye Xiu.
Kahit na ang mga Green Equipment na kadalasang napupulot lang sa kahit na anong halimaw ay kadalasang nagbibigay ng karagdagang Attributes kagaya ng Strength, Intelligence at iba pa.
Pero ang Myriad Manifestation Umbrella? Ang armas na ito ay walang naging kahit na anong additional attributes. Pero sa mga sandaling ito na nagtatapos ang lahat.
Sa Level 35 ay nagkaroon na rin ng additional attributes ang Myriad Manifestation Umbrella.
Nagdaragdag ng Bleed at Poison Debuff Effects ang mga Scarlet Scorpion Tails at ang mga Scarlet Stingers.