Ang Rurok ng Pagsasaliksik

"Isang Siyentipiko?" Bulong ni Wei Chen sa kaniyang sarili. Malinaw na hindi maproseso ng kaniyang utak ang katotohanan na sa tulong ng isang pambihirang pagkakataon ay magagawa niyang makihalubilo sa mga ganitong klase ng tao.

"Nabobo ka na ba? Isa siyang mathematician." Hinamak ni Ye Xiu si Wei Chen.

"T*ngina, hindi ba't parehas lang naman 'yan?" Pasigaw na sabi ni Wei Chen.

Bukod kay Steamed Bun ay nahirapan ang lahat na huminga matapos malaman ang katotohanan na sinabi sa kanila ni Tang Rou tungkol sa pagkakakilanlan ni Zhang Yichun.

"Concealed Light, bakit hindi mo sinabi sa amin na isa ka palang estudyante ng isang kilalang Diyos sa matematika? Grabe, sino ka nga ba talaga?" Tinanong ni Ye Xiu ang kung anong itinanong ni Tang Rou kanina sa kanilang lahat.

"Ano naman ang punto kung tatanungin mo pa siya ng ganiyan? Sa katunayan ay may nalalaman ka bang mga bagay tungkol sa mga unibersidad?" Tinanong ni Wei Chen si Ye Xiu.