Ang Magpapasiya para sa Group Arena

Palakpakan! Sa pagbagsak ni Blossoming Chaos, walang alinlangan o gulat. Nagiintay ang mga manonood sa sandaling ito. Isang baguhan natalo ang isang All Star? Hindi dapat inaasahan ng mga manonood ang ganitong kinalabasan, iba ang laban na ito. Noong umatras si Yu Feng, sumiil ng maigi si Tang Rou, tinalo ang Blossoming Chaos hanggang sa hindi na makatayo. Sasandaling iyon, lumakas ang kompyansa sa kanilang mga puso. Inaabangan na ila kung ano ang dapat na imposible at hinanda ang sarili nila na humiyaw at pumalakpak kapag nangyari ito. At talagang nangyari nga. Natalo ni Tang Rou si Yu Feng. Tumusok ang Spear ni Soft Mist kay Blossoming Chaos, kinuha ang natitira sa kanyang buhay.

Glory!