Nag-usap sina Ye Xiu, at Guo Shao habang sila ay naglalakad. Hindi nagtagal ay nakarating na silang dalawa sa lugar na kung saan nagkatipon ang mga manlalarong kasamahan ni Guo Shao.
Tiningnan ni Ye Xiu silang lahat, at nakita niay sina He Ming, Shen Jian, at Wang Ze. Sila ang mga nakaraang kasamahan ni Ye Xiu sa Excellent Era. Nag-uusap ang mga manlalarong nasa kanan, at nasa kaliwa. Dahil silang tatlo ay nasa gitna, bilang wala na silang mga nakakausap na kasamahan nila.
Ibinaba nila ang kanilang ulo, hindi sila nangahas na tingnan sina Ye Xiu, at Guo Shao na tumigil sa tabi ng kanilang mga upuan.
"Sa susunod, kung may pagkakataon pa ay gusto ko pa sanang matuto mula sa iyo, Kuya." Sabi ni Guo Shao kay Ye Xiu, malinaw sa tono ng kaniyang pananalita na parang ayaw pa niyang paalisin si Ye Xiu.