Ibalik Mo Ang Kontrata Kay Yurou!

Ang opisyal na pirmahan ng kontrata kasama ang HF at gaganapin ng alas - 9 ng umaga at ipapahiwatig ng live at opisyal na I-aanunsiyo ito sa publiko. Tila sa laban sa pagitan nina Tangning at Mo Yurou, pinili ng HF si Tangning.

Tatlong taon na ang nakaraan ng huling makapunta si Tangning sa ganitong event - ay halos hindi na niya maalala kung ano ang pakiramdam nito. Pero, ng maisuot niya ang kanyang creamy na puting low-back na damit at ang alahas na inisponsor ng HF sa kanya, muli siyang kumikinang nang may kumpiyansa sa sarili.

Umalis si Long Jie sa bahay at maagang nag-drive papunta sa Hyatt Regency. At dahil assistant siya ni Tangning, binigyan siya ni Mo Ting ng espesyal na pahintulot para makapasok sa villla kung kailan niya gusto. Mag hinanda na itong damit para sana kay Tangning, pero nang makapasok siya sa malaking walk-in lalagyan ng damit na binigay ni Mo Ting para kay Tangning, ay hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.