Nang sumunod na araw, sila ay naka – iskedyul na gumawa ng isang commercial. Dapat sana'y kasama ni Tangning ang ilan sa iba pang modelo na kunan ng larawan, ngunit… naobserbahan ng photographer na masyadong malakas ang presensya ni Tangning; kung maraming tao ang nakapaligid sa kanya, sila ay masisilbi lamang bilang mga kasangkapan upang mas umangat ang kanyang presensya kaya naman isang modelong lalaki na lamang ang hinayaan upang makasama ni Tangning sa pagpapakuha ng larawan.
Noong umaga ding yun, kumatok si Long Jie sa pinto ng kwarto ni Tangning, ngunit … nang buksan ni Tangning ang pinto, nakita ni Long Jie si Tangning na para bang may itinatago sapagkat ayaw niyang payagan na pumasok si Long Jie sa loob ng kwarto niya. Pumasok kaagad si Long Jie at tinitigan si Tangning habang itinatanong, "Mayroon bang ibang tao sa loob ng kwartong ito?"
"I..."