Katataas lang ng antas ni Mo Yurou mula sa pagiging isang kabit at masayang masaya ito na ang lahat ng nangyayari ay umaayon sa kanyang kagustuhan, kaya naisip ni Tangning na pabayaan na muna ito na maging masaya ng ilang araw. Tutal naman, hindi pa niya nailalabas ang pinakamahusay na barahang hawak niya. Gayunpaman, hindi lamang nais ni Tangning na maging imposible na para sa Mo Yurou na maging isang modelo sa mga susunod na panahon, gusto din niya na mapahiya ito at mahiya na siya ay patuloy pang nabubuhay.
Nanatiling walang proyektong natatanggap si Tangning ng dahil sa ipinatigil ng kompanya ang lahat ng kanyang trabaho pagkatapos niyang gawin ang commercial para sa hf. Ngunit hindi niya ito ikinainip at ikinagalit. Kahit na marami siya natatanggap na mga salitang laban sa kanya na galing mismo sa mga tagahanga niya ng dahil sa lumabas na balitang pagsuporta niya sa isang produktong hindi mapagkakatiwalaan – ang lahat ng mga ito'y tinanggap lang ni Tangning.