Pagkatapos ng ilang sandali, natapos na si Mo Ting sa paghahanda ng kanilang hapunan. Umakyat na ito upang pumunta sa kanilang silid, nang buksan niya ang pinto, natagpuan niya si Tangning na hawak hawak sa kanyang mga bisig ang isang dosenang pulang rosas na binili niya para dito – nasa kalagitnaan ito ng pagbibilang ng mga bulaklak. Ang kanyang mga pisngi ay namumula at ang kanyang mga labi ay bahagyang nagbubukas at nagsasara na kung saan ay labis na kaakit – akit.
"Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng ganito karaming bulaklak!" bulalas ni Tangning, "Mo Ting, nasorpresa talaga ako…"