Ipagbibili Niya Ako

Mahinahon niyang nilingon ang dalawa at sinabi lamang, "Nasa First Class ako."

Hindi mapigilang humalakhak ni Long Jie na kasalukuyang kasunod ni Tangning. Pagtapos ay iwinagayway niya ang kanilang boarding passes na nasa kamay niya habang sinasabi, "Ipagpatawad n'yo, nasa first class din kami. Maging masaya sana kayo dito sa Economy…"

Saka lang napagtanto ni Lin Wei na na – upgrade din ang kanyang plane ticket pagkatapos niyang makasakay ng eroplano. Nang makita niya ang naguguluhang ekspresyon sa mukha ni Mo Yurou, labis siyang nasiyahan. Ito ang unang pagkakataon, bilang manager ng isang artist, na mas maganda pa ang pagturing sa kanya kaysa sa CEO ng agency!

Pinanood lang ni Mo Yurou ang pagpasok ng tatlo sa First Class Cabin bago may paghihinala na nilingon si Han Yufan, "Ano ang nangyari? Diba sabi nila na wala ng first class? Hindi ba ang nag – book ng ticket ni Tangning ay ang agency?"

"Hindi ko din alam ang nangyayari," bigong tugon ni Han Yufan.