Paslangin si Mo Yurou na Sobra ang Tiwala sa Sarili

Hindi ba bahagyang overprotective ang ating Big Boss? Labis ang takot si Long Jie na magsalita ng kahit ano na nasa isip niya. Sa kabilang banda, marahang tumawa si Tangning - ang pagiging maalalahin ni Mo Ting ay ang nakakapagbigay init sa puso ni Tangning, parang araw sa gitna ng taglamig.

Ibinahagi ni Tangning ang resulta ng naganap na pagpupulong sa headquarters ng Secret Magazine sa pamamagitan ng pagbigay kay Mo Ting ng binagong kontrata niya sa Tianyi Entertainment. Naupo si Mo Ting sa sopa at marahang hinimas ang buhok ni Tangning. Napakanatural at makabagbag - damdamin ng tanawing ito – tulad ng pinakamagandang painting sa buong mundo.