Ngayon, labis ang galak na nararamdaman ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makapanayam ang dalawang magandang oriental beauties. Welcoming Tangning and Mo Yurou!" ang reporter ay gumamit ng matatas na Ingles upang batiin ang dalawa. Sa sandaling ito, Kinailangan ni Mo Yurou ng ilang sandali na makinig sa translator na nasa kanyang tainga bago makapagbigay ng tugon. Gayunpaman, maaari lamang siya tumugon sa salitang Chinese. Sa kabilang dako, ang pagsasalita ni Tangning ng ingles ay kasing tatas ng pagsasalita ng ingles ng reporter, kaya naman naging madali para sa kanya na makipag – usap dito. Sa ilang sandali, mas nadama ng reporter na naging mas malapit siya kay Tangning.
"Alam ko na kayong dalawa ay nakakuha ng maraming atensyon dahil sa inyong paparating na 'labanan'. Gusto kong malaman, tungkol sa pakikipagtulungan na ito, ano ang iyong mga saloobin? "