PROLOGUE:

" Iniibig kita ng sobra "

"Minamahal din kita" ang aking biglang nasambit nang marinig ang mga salitang yun mula sa lalaking katabi ko sa sasakyan. Nilingon ko sya. Ngunit diko alam kung bakit kahit sa liwanag ng buwan di ko maaninag ang mukha nya.

Mga kislap lamang ng mapuputi nyang ngipin ang aking nasilayan. Ang sarap pagmasdan ng tanawing iyon.Ramdam na ramdam ko ang busilak na kaligayahan.Para akong dinuduyan sa alapaap.

Kinurap ko ulit ang aking mga mata upang sa ganun ay makita ko ang mukha nya ngunit tila pinagkakait sakin na masilayan ang mukha ng lalaking ito.

Sino sya?

Bakit parang tuwang tuwa ako na kasama ko sya?

Ibinaling ko ang aking paningin sa paligid.Nasa loob kami ng sasakyan at kasalukuyang nagdadrive ang kasama kong impostor.

Maya maya pa ay biglang may tila lumiwanag sa harap namin.

Mababangga tayo!

Gusto ko sumigaw pero parang namamaos ako.

Walang lumabas sa aking bibig.At nung ilang metro nalang ang layo namin sa liwanag na iyon ay napapikit ako.

Biglang lumiwanag ang lahat.

Ngunit sa pagkawala ng nakakasilaw na liwanag ay nanghilakbot ako sa aking nakita.

Nasa gilid ng bangin ang aming sinasakyan at malapit na itong mahulog.

"Irog ko, tandaan mo mahal na mahal kita hanggat kamatayan at kahit sa susunod na buhay ko, ikaw lang ang aking mamahalin"

Napalingon ako sa lalaking katabi ko.

Kitang kita ko ang mga dumadaloy na dugo mula sa mga ulo nito. Gusto kong umiyak, sumigaw o gumalaw man lang.Ngunit sa diko mawaring dahilan, di ko magawa. Samut saring emosyon ang aking nararamdaman.Takot, hinagpis, lungkot at pagkalito.

Naramdaman kong gumalaw ang sasakyan kung saan kami naroroon.

Inipon ko ang aking lakas.At kasabay ng pagkahulog namin, sumigaw ako ng pagkalakas lakas.

" Aaahhhhhhhhhhh"

At dumilim ang lahat.

Hanggang sa may naramdaman akong malakas na bagay na dumapo sa aking pisngi.

PAK!