CHAPTER 4: THE PRETTY WEIRD GIRL

LUKE's POV:

Monday morning. 6:45 am.

As usual maaga akong nagising kesa sa alarm clock ko. Di ko alam kung bakit, pero tuwing nagseset ako ng alarm...few minutes bago ito tumunog ay nagigising ako. Well, nasa body clock ko na talaga siguro ang magising before seven o'clock.

Maya maya pa ay narinig kong nagvibrate ang aking phone na nasa side table ng aking kama. Bumangon ako at binasa iyon. Si Ate Rosa pala. Ang aking secretary.

' Gudmorning Sir Luke. Ngaun ko po pinareport ang new assistant mo. Ngaun din po ang meeting nyo ni Mr. Collins po. :) ' : Text message ni Ate Rosa with an emoticon.

Sampung taon ko naring secretary ito. Medyo di kasi ako madaling magtiwala sa isang tao kaya kahit dalawang beses na itong nagpaalam na magreresign na ....ay di ko ito pinayagan. I haven't found someone as trustworthy as her kaya nahirapan akong humanap ng kapalit.

But last week muli itong nagpaalam sakin. Ikakasal daw ang bunsong anak nito abroad kaya need nito pumunta doon. Sabi pa, gusto na daw ng anak nya na doon na manirahan lalo na at nag iisa nalang si Ate Rosa sa Pilipinas. So wala akong nagawa. Kahit ayaw ko, pinayagan ko nalang. Karapatan din naman nya na makasama ang kanyang pamilya.

But before ko sya papayagan ay may task akong binigay. Makaalis lamang sya kapag nakahanap na sya ng qualified na kapalit nya.Ipinagkatiwala ko sa kanya ang paghire ng new assistant since busy ako sa kaliwa't kanang meetings sa clients, hindi ko na mahaharap ang mag-interview pa ng magiging kapalit nya.

Last Friday, she gave me five resumes of qualified applicants. Well, alam nya kung anu ang gusto ko. Ayaw ko ng mukhang liberated at flirty. Kaya ibinilin ko sa kanya na sya na ang bahala pumili sa limang iyon kung sino ang sa tingin nya'y malayong magkagusto sakin.

I am not saying na super gwapo ako pero marami ang nagsasabi. Mala Captain America daw ang aking dating. And I hate them saying those things! I don't want to be compared. I had several girlfriends before but...naging hassle lang sakin ang relasyon. Masyadong mga selosa mga previous girlfriends. They are beautiful but I am not really into looks. I don't know. I am looking for something na wala sila. And until now di ko alam kung anu yon.So i chose to be single until now.

Di ko na nireply ang text nya. Pumasok nako sa cr para maligo. In a few minutes, here I am. Nakapagbihis na ako. I prefer not to wear coat since I have a closet of coats in my office.

Bumaba na ako. Nakita kong nasa veranda si daddy at the side of our pool. Yes, if you don't know. Anak ako ng CEO ng isa sa mga pinakamalaking multinational corporations dito sa Pilipinas. Ang Mendez Corporation.

Pinuntahan ko si daddy. Kasalukuyang nagbabasa ito ng dyaryo. Business news if not mistaken.

Binati ko sya. "Good morning dad. Pasok na ako ng work."

Tumingin sya sakin. "Hi son. Why so early? Do you have early meetings?"

"Yes dad.....With Mr. Collins." Sagot ko.

"I see. Kaya pala hindi kana kumain ng breakfast. Take care son. Remember, kapag sumunod na ako sa mommy mo. U will be the heir of our

company." As usual yun na naman ang mahabang litanya nya.

May edad narin si dad. Nasa 60s na sya. Nasa 30s na sya nung nag kaasawa at nag kaanak. Ako ang una. I have a sister pero namatay ito at the age of 10 due to a brain cancer. Sinisisi ni mommy ang sarili sa pagkamatay ng kapatid naisipan nitong magsuicide.

I was young that time kaya wala din ako magawa. Same with dad. He did all her best to make mom happy but iba talaga kapag nawalan ng anak ang isang ina. Hindi namin sya masisisi.

After the death of my mother, nagfocus sa company si dad. Para makalimutan ang sakit ng pagkamatay ni mommy, he dedicated all of his time to our company. At bunga ng kanyang paghihirap, lumawak at umunlad pa ang company. And it is now the famous Mendez Corporation.

After I graduated my masteral degree in Business Management sa isang kilalang exclusive schools dito sa Pilipinas. Agad nyang inoffer ang isang position. But I refused, gusto kong magsimula sa isang mababang position. And he offered me na i-manage ang bagong marketing firm ng company.

"Sa office nalang dad. I have to go." Sagot ko sa kanya at umalis afterwards.

Fifteen minutes before eight in the morning, nasa harap na ako ng building. Pinark ko ang kotse at saka pumasok. In a few meters away, nakita kong nagbukas ang elevator. Hinabol ko ito. Malapit na ako nang tipong magsasara na ito.Well, pwede ako maghintay pero pinili kong habulin yon. Nagtagumpay ako. Bumukas ang doors and nakita kong may isang babaeng sakay nito. Nasa gitna ito ng elevator. So there is no way na makadaan ako.

I think she is in her 20s. At pansin kong nakatingin ito sa aking katawan. I smiled.

'So here we go again.' Bulong ko sa sarili. Sanay na ako sa gantong sitwasyon. Mga babaeng halos kainin ako ng buo kung tingnan. My bad. Pogi eh.

"Miss, nasa gitna ka ng elevator. Can u?" Medyo naiirita kong sabi dito. With my lips, pinatabi ko sya.

"Ay sorry po." Narinig kong tugon nya. Well, di ko na sya pinansin. Itinuon ko ang aking mga mata sa doors ng elevator. At sa reflections namin, nakita kong nakatitig sa akin ang babae. Sinuri ko sya sa pamamagitan ng reflections nya.

She is young. Maputi. She has a pair of beautiful eyes na parang nangungusap.

She has a natural charming beauty. Napansin kong halos wala itong suot na make up. Some sort of blush on and liptint I think. Her simplicity ang mas nagpalabas ng kanyang ganda.

She is pretty but in terms of fashion. Failed. Napatingin ako sa lips nya. Maliliit at mapupulang lips. Kissable.

Hmmm! Interesting! Looks like she has a pair of kissable lips!

Nakita ko syang napakagat labi while staring at me. So here we go. May isa na nang magkakacrush sayo Luke.

I hate someone staring at me actually.

"Miss, pasado ba?" Tanong ko and I gave her a fake smile. Nakita kong namula sya. Napahiya siguro.

Nakita kong kinuha nito ang phone at nagkunwaring may tinitext.

Tuluyan akong napangiti.

Weirdo girl. But she is cute though...

Mayat maya pa ay bumukas na ang elevator. And to my surprise....lumabas din ang babae.

Bago sya sa paningin ko. Maybe a newbie.

Lumabas na din ako ng elevator a dumeretso na papauntang office.

I saw Ate Rosa. She smiled and binati ako. Agad din akong pumasok sa office.

Kasalukuyan kong pinag aaralan ang isang document nang tumunog ang aking phone.

Mr. Collins, owner of a fastfood chain is calling me. Sinagot ko ito. Nasa gitna kami ng pag uusap nang nakita kong may pumasok sa office ko. Ang HR Manager at a lady behind her.

Tinapos ko ang pakikipag usap sa phone at pumayag na makipagkita nalang sa labas to discuss about sa promotions of Mr. Collins chain.

Di ko inaasahan ang makikita. That weird girl kanina sa elevator ay kasama ni Katarina.

Nabigla ako sa nalamang ito pala ang bagong hire na assistant ko. Lihim akong napangiti ng di ko inaasahan.

Napansin kong tila nabigla din ang babae.

"You" nabigla nitong sabi.

Katarina asked her kung magkakilala kami. Pero itonanggi nito at di man lamang sinabi ang nangyari kanina. I smiled. Maybe nahihiya pa ito sa mga nangyari kanina.

Tiningnan ko sya mula paa hanggang ulo. Mas gumaganda sya kapay tinitigan.

Nakita kong namula ang pisngi nito.

Hmmm. Kung di lang ako busy. Mukhang maeenjoy ko ang araw na ito with this girl. But i have to meet Mr. Collins.

Kinausap ko sya. She has a funny but cute name. Adelaida Kapinpin.

Adela nalang daw for short. She is interesting.

I don't know. But parang may something with this girl. Something na gusto ko malaman.

Inihabilin ko nalang sya kay Ate Rosa at agad ding lumabas.

Nasa loob na ako ng aking sasakyan. Napangiti. Hindi ko alam pero parang may kung ano sa akin na nagnanais na sana ay agad na lumipas ang oras at pumasok ulit sa office.

Hmmm. I already missing that girl?No!

Definitely..... it is my office. I love my office and I am missing it always.

Napailing nalang ako at pinaandar ang sasakyan papuntan sa meeting place namin ng client.