Adela's POV:
Ilang linggo ang lumipas..
Napapansin ko na parang lalong naging palaiwas sa akin si Sir Luke. Minsan tatawagin lang ako nito kapag may ipapagawa. Hindi nya ako kinakausap or kahit na magpatimpla ng kape...well I am not really good in making coffee pero pinag-aaralan ko naman.
Minsan nga kapag pumapasok ako sa office para dalhin ang mga files n inuutos nito ay halos di man lang tumitingin sakin.
'I don't know.'
Pero mahirap pala ang ganitong sitwasyon. You do not know kung gusto ba ako ng boss ko o napipilitan lang. Baka bigla nalang ako nito tanggalin.
Gosh! First job ko ito pero di man lang ako tumagal ng isang month. Parang nakakahiya sa resume ko if ganun lang kaikli ang aking working experience.
Fourth week ko na ito sa company pero wala pa ako masyadong kilala mula sa ibang department. Kahit nga sa PR department kung saan malapit ang table ko ay wala pa akong kilala. Wala pa kasing formal na pagpapakilalang nagaganap. Ang alam ko,marami akong kasabay na bago sa company. At nadistribute kami sa ibat ibat departments.
PR Department ang katabi ng office ng boss ko kaya natatanaw ko sila. Ilang metro lang galing sa table ko ay desk ng isang babaeng staff. Laging mapula ang lips nito at kung makasuot ng damit ay parang kulang nalang magbikini nalang. Sobrang pasexy si ate. Well, gusto ko sana maging frends kami kaso snob nya ako lagi.
Naalala ko nung unang linggo lagi ko sya nginingitian pero irap lang ang sagot sakin. Maldita!
Sabi nga ng mga chismis na naririnig ko, gf daw ito ng isang department head na may asawa na. Well, chismis palang naman kasi wala pang patunay.
Masaya naman ako kasi kahit papano, ang ibang mga katabi nito na sina Isabel, Marketing Associate at si Trina na Coordinator naman ay naging friends ko. Kasundo ko ang mga ito kaya sila nakakasabay ko sa break.
Tiningnan ko ang schedule ni Sir Luke ngayon. Wala naman syang meeting ngayon. Free day nya siguro ang Thursday maliban sa isang bisita daw na paparating. Potential client daw ito. Gusto daw nito muna na mameet si Sir Luke bago magset ng formal meetings at pag usapan ang deals about sa pagpromote ng hotels nito at condominiums.
Ang Abueva Development Inc. ay isa sa mga big clients in case ng company namin. Marami itong mga five stars hotels na nakakalat sa buong bansa kaya kung ganun nalang ang paghahanda ni Sir Luke at ang ibang departments.
Naglinis at nag ayos muli ako ng opisina ni sir para naman kaaya aya ito sa paningin ng nga bisita.
Pansin kong maraming drafts ng proposal sa table ni sir. Masipag talaga sya. Napangiti ako.
'Pogi na, masipag at mayaman pa!' Bulong ko. Kahit sino ay papangaraping maging bf o asawa ni sir. Hays! Suplado nga lang. Napailing ako. Pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang pangangarap ng gising. Lalo na at never naman ako magugustuhan ni sir.
Maya maya pa ay lumabas na ako ng office. Wala pa si sir. Nasa Office Management Department daw ito at may inaasikaso lang.
Umupo ako sa table ko at inayos ang mga papers na pinapasort ni sir.
Sa ilang saglit pa ay may nakita akong paparating.
Isang babaeng nasa mid-50's. Maganda ito. Makinis pa ang kutis at maputi. Napanganga ako sa paghanga. Kamukha sya ni Sandra Bullock.
May dala dala itong aso na isang chihuahua. Ang cute! Sa likod naman nya ay may nakasunod na isang lalaking medyo may kalakihan ang katawan at naka-itim na polo at pants. Marahil bodyguard nya ito. Si Mrs. Abueva, CEO of Abueva Development Inc.
Tumayo ako at sumalubong sa kanila. Patay na! Wala pa si sir!
"Goodmorning Ma'am Abueva!"
Binati ko sya. Tumingin lamang ito sakin. Minasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Thank you. I am here for Mr. Mendez?" Sagot nya habang hinahaplos haplos ang alaga nito.
Totoo nga ang aking nabasa sa aking research, mahilig ito sa mga hayop lalo na sa aso.
Ngumiti ako ng sobra sobra. Dapat maging magiliw ako lalo na at malaking account ang nakasalalay.
"Madam, pumasok po muna kayo sa office ni sir. Sumaglit lang po sya sa Office Management Department at babalik din po agad." Malambing kong pag anyaya. Sumunod naman ito. Naiwan sa labas ng pinto ang bodyguard.
Tinanong ko ito kung anu ang gusto nitong inumin habang naghihintay.
"Wag na iha. Di naman ako magtatagal. Umupo ka muna sa harapan ko at magusap tayo tutal wala pa ang boss mo." Mahaba nitong sagot sakin. Nakatitig ito sakin. Waring sinusuri ang aking ganda...I mean itsura.
"Ang ganda mo naman iha."
"Po?" Namula ako. Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin nya sakin. Tumungo nalang ako. " Salamat po Ma'am Abueva."
Ngumiti lamang ito sakin. Mabait pala ito. Akala ko kanina suplada. Ngunit nabigla ako nang bitawan nito ang alagang aso. Agad itong tumakbo sakin.
Actually may takot ako sa aso pero pinigilan ko nalang. Hindi ako nagpahalata.
"Ayan mukhang gustong gusto ka ni Pepper..nagpumiglas para lang malapitan ka." Sabi sakin ni Mrs. Abueva. Totoo nga, kumakaway ang buntot ni Pepper. Nilakasan ko ang loob at dinampot ang aso. Ang liit nito. Pinaupo ko sa aking mga hita at hinaplos ang mga balahibo nito.
"Oo nga po." Ngumiti ako.
Naging masarap ang kwentuhan namin ni Mrs. Abueva. Sobrang bait nya! Andami naming napag usapan. Mahilig pala itong makipagkwentuhan. Kahit na hindi ko alam ang mga sinasabi nya, sumasang ayon nalang ako at nakikitawa kapag tumawa sya. Hindi sa plastic ako pero naoverwhelmed din ako sa pakikitungo nya sakin kaya masasabi kong pure yung happiness na ipinakita ko.
Ilang sandali pa ang lumipas nang dumating si Sir Luke. Mukhang nabigla si Pepper. Tumahol ito ng tumahol. Napansin kong di alam ni Sir kung ano ang gagawin. Tumingin ito sa akin at parang nagpapasaklolo kung paano patahimikin ang aso.
Natatawa si Mrs. Abueva. Marahil daw napogian lang ang aso kay sir! Ganun daw talaga ang aso kapag nakakakita ng pogi. Chos!
Alam kong magkakaron ng maikling pag uusap ang dalawa kaya nagkusa akong ilabas muna ang aso.
Pumayag naman si Mrs. Abueva. Well, close na close na kami ni Pepper kaya nung binuhat ko na ito ay tumigil narin sa pagtatahol.
Nagpasalamat sa akin si Mrs. Abueva. Natatawa naman akong tumingin kay sir. Napansin kong may namuong pawis sa noo nito. Napangiti ako.
Si sir takot sa aso? Lihim akong napahalakhak. Ang liit liit kaya ni Pepper. Well, di naman natin alam kung anu pinagdaanan ni sir sa mga aso. Baka may phobia sa dogs!
Lumabas ako at doon nalang sa table ko naghintay matapos ang kanilang pag uusap. Naging busy ako sa aso. Kinakausap ko ito. Nakuha ko ata ang loob ng asong ito dahil sa aking ganda. Chos!
Inilapag ko ito sa aking table at hinaplos haplos. Marahil naging comfortable kaya nakatulog narin ito. Natutuwa ako. Parang bigla kong ginusto na magkaroon ng alagang aso.
Di ko namalayang nasa harap ko na sila Sir Luke at si Mrs. Abueva.
Tumayo ako. Nakangiti sakin si Mrs. Abueva.
"Salamat iha ha. Mukhang nakatulog si Pepper ko." Kinuha nito ang aso at niyakap. Mukhang mahal na mahal nito ang alaga.
"Walang anuman po Ma'am." Sagot ko.
"Well, iha asahan kita bukas ng gabi ha. I want you to see you there!" Sabi nito sakin. Nalito ako sa sinabi nito. Tumingin ako kay Sir Luke. Iginalaw nito ang mga kilay na nagsasabing 'mamaya ko sasabihin'.
Ngumiti nalang ako. Maya maya pa ay nagpaalam na si Mrs. Abueva. Napahinga ako ang maluwag. Mabuti naman at di ako nakagawa ng mali ngayon.
Pumasok naman si sir sa loob ng office. Sumunod ako.
"Sir anu po iyong sinasabi ni Ma'am?" Tanong ko kay sir. Hindi ito nakatingin sakin. Busy itong nagpipindot sa laptop nito.
"Tomorrow..there is a party in their hotel near here. She wanted us to be there."
Nabigla ako. Sh*t! Hindi ako sanay umattend ng mga sosyaling party!
Patay na! Tapos wala pa akong damit na maiisuot.
"Sir, ayoko po. Kasi po..." magrarason sana ako kaso biglang pinutol ni sir ang aking sasabihin.
Tumingin sya sakin at nangunot ang noo.
"Okay lang sana kung ako magdedecide eh, pero sinabi nya na pipirmahan nya lang ang contract kung aattend ako sa party na kasama ka. So i have no choice." Sabi nito sakin. Di ko inaasahan iyon. Bakit naman kailangang umattend pa ko. Napangiwi ako.
"If you are worrying about your dress tomorrow, I'll fix it for you,okay?"
Wala na akong magagawa kundi sumang ayon kay sir. Napatitig ako sa kanya...na naman! Pogi nya sa malapitan.
Kung ito ba naman ang partner ko sa party..swerte ko! Napangiti ako sa kilig.
"Something funny Adela?" Tanong nito na nakanoot ang noo.
"Ay wala po sir!" Agad akong tumalikod at hahakbang na sana lalabas.
Napahiya ako doon ha.
"Wait.." narining kong sigaw ni sir. Lumingon ako. Medyo namumula ako.
"Ano ang sagot mo? Sasama kaba?" Tanong nito.
" Sige po sir." Sumang ayon nalang ako. Wala ko magagawa eh. Mawawala pa sa amin ang account na ito if umarte arte pa ako.
"Okay. So tomorrow, pumunta ka sa lugar na ito for you to prepare for the party. Dyan kita dadaanan. Sila narin bahala sa susuutin mo." Mahaba nitong litanya at iniabot ang isang calling card. Kinuha ko ito.
Calling card ito ng isang sikat na salon.
Naexcite ako.
It is a kilig party if ever! Lalo na si Sir Luke ang aking escort. Napangiti ako. Wala pa man ay kinikilig na ako!