CHAPTER 17: THE CALL

ADELA's POV

TUESDAY, 15 minutes before 8am

Nagmamadali akong pumasok sa Mendez Plaza building. Kakaloka! Kung kelan pa need ko maging maaga lalo pa ako nalate.

Kakainis kasing ulan to!

Sa entrance ng building ay may natanaw akong iilang taong nakapila sa isang bagay na di ko alam. Maya maya ay nakita ko silang may hinilang plastic at inilagay doon ang payong na dala.

Taray! May ganon pala dito. Well, di ko kasi alam. Pasensya na, wala pa akong kamuwang muwang sa ganung bagay.

Kumuha narin ako ng plastic para mabalot ang basang basa kong payong bago pumasok ng building.

Kinuha ko ang panyong nasa bulsa at nagpunas punas ng brasong basa habang naglalakad. Napakahassle sobra kapag naulan. Mukhang may bagyo ata ngayon. Mabuti nalang at lagi akong may dalang payong sa bag.

Mahalaga ang araw na ito. Ngayon ang presentation ng proposal para sa Abueva account. Sana magustuhan ni Mrs. Abueva ang proposal namin.

Papunta na ako sa harap ng elevator nang mapansin kong marami akong kasunod. Oh my gosh! Nagiging hassle talaga ang lahat kapag tag ulan.

Nagmamadali akong pumunta sa harap ng elevator para agad din akong makapasok sa elevator pagkabukas. Mahirap na, baka maunahan pa.

Pinindot ko agad ang button nito. Pero di pa pala pwede. Kasi may bababa pa sa basement kung saan naroroon ang parking area.

Hinintay ko munang makababa ng basement bago pumindot ulit.

'Sana wala o kukunti lang din ang sakay ng elevator galing basement para may space pa.' Sabi ng aking isip. Nasisilip ko din ang aking mga katabi. Halatang ang iba sa mga ito ay nagmamadali din, siguro malelate nadin ang mga ito.

So patay na! Siksikan challenge sigurado. Malalaman na kung sino ang titans na makakasingit. Sampung tao lang ang kaya i-accommodate ng elevator kapag nasa normal weight pero nasisilip ko na ang iba sa nasa likuran ko ay ang lalaki at ang tataba.

Patay na talaga! Kapag ang mga ito ang sumingit.... durog ako!

Maya maya pa ay bumukas ang pinto. May nakita akong laman nito. Apat na tao. Di ko na napagmasdan kung sino sino dahil nagmamadali akong pumasok. Wala na akong paki!

Ngunit di ko inaasahan ang sumunod na nangyari...nagmamadali ding nagsipasok ang mga balyena! Halos nagkatulakan nadin. Di ko pa naman sila kilala. Mukhang mga taga ibang company ito na nagrerent sa ibang floors ng building! Yung iba call center agents pa kasi english ng english.

So ayun, di ko na nacontrol ang nangyari...natulak ako at sumubsob ako sa matigas na bagay. Napapikit ako eh.. pero pagmulat ko, dibdib pala ng lalaki. Infairness, matigas at malaki ha.

"Ay..sorry po di..." di ko na naituloy ang sasabihin dahil lalo pang sumikip at lalo akong napitpit ng mga balyena. Kaloka! Naipit na ako at dikit na dikit ang aking katawan sa katawan ng lalaki kung saan ako nasubsob!

Napangiwi ako. Napagdesisyunan ko sanang lumabas nalang pero narinig kong sumara na ang pinto.

Gosh!

Awakward ang position ko kasi magkaharap kami ng lalaki. Dikit na dikit ang katawan namin. Nahihiya tuloy ako tumingin paitaas para makita mukha nya. Matangkad sya eh!

Nagkatulakan ulit kaya muntik na madurog ang aking boobs ! Mabuti nalang at naitukod ko ang aking mga palad bago lumapat ito sa lalaki. Yun nga lang, nakakahiya dahil sa bandang tyan ng lalaki ako nakakapit!

Mabuti nalang at matangkad ang lalaki! Nakakahiya kung magkakasinghutan pa kami ng hininga!

Nakakahiya man pero di ko pwedeng tanggalin ang aking mga kamay na nakakapit sa tyan ng lalaki..dahil kapag bumitaw ako, durog ang mga mount everest ko!

Mabuti nalang nakacoat ang lalaki. Pero kahit naka-americana ang lalaking nasa harap ko, ramdam na ramdam ko ang tigas ng katawan nito. Napapisil ako ng very very light lang. Di naman halata kasi siksikan at medyo natutulak ako ng mga balyena sa likod ko.

'Ay...ma-abs! Sherep! Chos!' Napangiti akong bulong. Hahaha! Well, infairness naman kasi sa lalaking to, bukod sa maskuladon nitong katawan, ambango bango pa!

Pasimple akong suminghot singhot. Naka-downy ba sya? Ahahaha!

Umusad na ang elevator. Juskolord! Wala man lang bumaba sa first floor. Bumukas pa naman ang pinto, yun pala ay may sasakay pa sana.

So ayun, tiis tiis padin ako ng very very light! Eh pano naman kasi! Naeenjoy ko ang paghipo hipo sa abs ng lalaking nasa harap ko! Charot!

Di ko na napigilan ang sarili. Pasimple kong inilapit ang aking mukha sa katawan ng lalaki. Mga 5 inches nalang ata ang layo ng aking ilong sa damit nito.

Suminghot ako at inamoy ang lalaki! Oh my gosh! Ambango bango talaga! Yung scent ng pabango nya ay masarap sa ilong. Nakakagigil! Lalaking lalaki!

Bumukas ulit ang elevator. Lalabas ang babaeng nasa bandang kanan namin. Kaya naggive way ang mga nasa unahan. May lumabas na tatlong lalaki sa unahan pero tong dalawang balyena, lalo akong siniksik pa pakaliwa! Iisod sana ako ngunit naipit pala ang aking sapatos, muntik na akong matumba buti nalang sinalo ako ng lalaking nasa harap ko! My hero! Chos!

Niyakap nya ako! Oh my gosh!

Namula ako sa ginawa nya. Gosh! Ang landi landi ko talaga! Charot!

Dahil sa medyo lumuwag, may chance na akong tingnan ang mukha nito.

Tumingala ako.....at namangha sa aking nakita!

Si Sir Luke na naman pala!

Juskolord! Lahat nalang ba ng mga sitwasyong mapapahiya ako...si sir nalang lagi ang kaeksena ko?

Napatitig ako sa kanya. Nakangiwi.

Nakatitig din sya sakin.

"Sorry sir." Sabi ko pero walang tinig. Im sure naman mababasa nya ang aking bibig.

Ngiti naman ang kanyang sinagot sabay sabing..

"Its okay." Pero wala din tinig.

Kinilig ako! Bakit parang ang tamis tamis ng ngiti ni sir sakin? Parang ansaya saya nya? Kumikislap pa ang mga mata nito.

Bumalik ang aking huwisyo nang maramdaman ko ang init ng mga palad nya sa aking mga braso. Napatingin ako.

Gosh! Nakayakap ang isang braso ni sir sa bewang ko habang nakakapit ang isang kamay sa aking braso!

Feeling ko biglang uminit. Tumingin ulit ako kay sir at agad na tumungo. Gumalaw ako para matanggal ang pagkakayakap nya.

Nakakahiya!

Pero deep inside my mind ay nagsasabing..

' Hug me more sir! Ansherep sherep kaya!Chos!'

Nagsipasukan ulit ang mga lumabas kaya pumihit ako para tumalikod kay sir.

Kaloka! Si sir pala ang minamaniac ko! Infairness, naka 2 points ako. Sana makarami pa! Charot!

Actually kilig na kilig ako. Yung taong gustong gusto mo, nasa likod mo lang. Magpanggap kaya ako na hinimatay? Para si sir ang sasalo sakin at mag bibigay ng mouth to mouth recitation? Resistation? Resusis.. ah basta yun!

Narinig kong suminghot si sir.

Patay! Nagshampoo ba ako kanina? Naconcious ako bigla!

Nakakahiya baka maamoy ni sir buhok ko..baka mabaho.

Naalala kong nagshampoo ako. Nakalimutan ko lang pala ang magconditioner.

Mabuti nalang!

Di na ako gumalaw galaw pa. Nakakailang. Feeling ko nakatingin sa akin si sir. Nakakahiya din naman lumingon sa likod baka kung anu pa isipin ni sir.

Napakagat labi ako. Tsinansingan ko pa sya kanina! Kaloka ka Adela!

Ilang ulit pa bumukas at sumara ang elavator bago kami nakarating ng 8th floor at nakalabas.

'Hay...salamat nakalabas din!'

Kasalukuyan na akong naglalakad pero nagdadalawang isip ako.

'Dapat bang paunahin ko si sir at sa likod nya ako? Pero nakakahiya! Anu sasabihin ko?' Nalilito kong sabi sa sarili. Nararamdaman ko din si sir na nakasunod sa akin. Di ako makapagdecide. Naiilang akong naglalakad. Pakyeme walk!

Try ko kaya mag-lava walk tapos sabay sabi kay sir ng...

"Shir..ah eh.mauna po kayo,shushunod ako." Tapos may pakagat kagat pa ng hintuturo?

Umayos ka nga Adela! Ang harot harot mo!

Malapit na kami sa office nang maalala kong di pa pala ako nakatime in.

Asar!

Pumihit ako pabalik ng front desk para magtime in. Napatigil si sir. Nakatingin sa akin. Waring nagtatanong kung bakit.

"Ay sir.. nakalimutan ko mag time in." Sabi kong napakagat labi. Dali dali akong naglakad pabalik. Nalamapasan ko na sya nang mahagip ng aking mata si sir. Nakangiti! Ang pogi pogi!

Pero bakit kaya sya nakangiti? Good mood?

Napailing ako. Pero sa totoo lang, masaya akong makita syang nakangiti. Meaning di hassle ang araw na ito!

Ansaya!

*********************************

Krrrringggg!

Kasalukuyan akong nasa desk ko nang tumunog ang phone. Actually ang phone na ito ay extension ng kay Sir Luke sa loob. Ako muna ang sumasagot sa tawag bago ko tinuturn over sa kanya. Well, isa yun sa trabaho ko. Maging call center girl!

Nagvocalization ako ng very light bago ko sinagot.

"Thank you for calling Mendez Marketing Firm and Agency, this is Adela...how may I help you?" Sagot ko. Hinaluan ko ng kunting American accent para sosyal! Charot!

" Hi Adela. Allen here, remember?" Narinig ko sa kabilang linya.

Oh my gosh! Si sir Allen! Hala anu sasabihin ko? Magsosorry ba ako sa ginawa ko?

"Ah uhmm. Sir Allen. Yes sir." Sagot ko. Di ko alam ang sasabihin.

" Nice. Actually, we are on the way already. I think we'll be there before 10. Please tell Luke, I'm sorry for being late for our 9 am appointment. Heavy traffic due to the weather. You know." Mahaba nitong litanya.

"Oh. I understand sir. No worries. I will tell him. Ummm.. would you like to talk with him, sir?" Sagot ko. Infairness! Straight english yun! Witty akes!

"Not really. I just want also to check if you are there." Sagot nito.

Bigla akong kinabahan. Gosh! Anu sinasabi nya.

Tug!

Tila ingay ng bumagsak na telepono ang aking narinig. Napatingin ako sa loob ng office ni Sir Luke, chineck ko if hawak nito ang phone.

Hindi naman. Saka busy ito sa pagpipindot sa laptop nya.

"Ah eh. Hehehe . Okay sir. Thank you." Wala na ako masagot. Nahihiya ako lalo na at may kasalanan pa ako dito.

"Alright Adela. See you in a bit. I am happy, finally I can see you again! Anyways, Bye." Sabi ni Sir Allen bago binaba ang phone nito. Masaya ng boses nitong buong buo. Malamig sa pandinig. Boses palang gwapo na! Bata pa!

Binaba ko nadin ang phone na hawak ko. Nagtataka ako. Parang may nagbaba talaga ng phone kanina eh.

Hmmm? Ang alam ko yung phone ko at ang phone lang ni sir ang connected sa isat isa.

Binalewala ko nalang at nagkibit balikat. Baka ingay lang yun sa line ni sir Allen.

Tumayo ako at tinungo ang pinto ng office ni sir. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

Busy parin ito sa pag kakalikot ng laptop nya.

Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita.

"Sir, tumawag po pala si Sir Allen. Di daw po sya makakahabol ng 9am. Baka 10 nalang daw po. Matraffic daw po kasi." Mahaba kong litanya kay sir. Hindi ito nakatingin sa akin.

At tila maasim na naman ang mukha nito.

Bakit kaya? Nakakapataka. Kanina lang good mood pa ito kahit naipit sa elevator. Kung tutuusin nga dapat nainis ito kanina at pinalayas ang mga nakasabay namin sa elevator since may ari naman sya ng building pero di nito ginawa. Humble sya, infairness ha.

Lumipas ang isang minuto. Wala itong sinagot sa akin. Pindot ng pindot parin ito sa laptop. Seryoso!

Nailang ako sa katahimikan.

Napalunok ulit ako ng laway.

"Gusto nyo po sir, salubungin ko po sila para iassist?" Tanong ko.

Bigla itong tumingin sa akin. Seryoso parin. Walang kangiti ngiti.

" No Adela. It is my job to assist him." Sagot nito tapos ibinaling ulit sa ginagawa ang panigin.

"Ah okay po sir." Nailang na ako. Akma na akong tatalikod para lumabas nang magsalita ulit si sir.

"Kindly bring it to the 10th floor. Hand it to Eve, accounting department head of Mendez Corporation." Sabi ni sir sakin. May hawak hawak itong folder.

"Please tell her that it is our monthly report for this month." Dagdag ni sir.

"Bring it to her...9:30 am Or after. Okay?"

"Okay sir." Sagot ko kasabay ng pagtango. Well, first time ko makakaakyat sa 10th floor. Good luck to me! Sana di maligaw!

Lumabas ako ng office. Tinungo ko ang aking desk at umupo. Sinilip ko ang oras. 9am palang.

Bakit need ko pa maghintay ng 9:30 para lang iabot ito?

Nakakaloka!

Sayang!

Gusto ko pa naman sana makita si sir Allen para magsorry at magpasalamat sa bulaklak eh!

'Asar ka Sir Luke!' Bulong ko

Di bale. Sa meeting room naman ako later habang nagpepresent si sir ng proposal namin .