CHAPTER 29: WALK LIKE A MODEL

ADELA's POV

...sa ating Showbiz Patrol...

Kahapon ay dumating na sa Pinas ang isa ngayon sa pinakasikat na supermodel sa buong mundo, si Chelsey Wilson. Si Chelsey ay half pinay, half British. Sinalubong naman sya sa airport ng kanyang mga avid fans. At spotted, ang anak ng business tycon na si Luke Mendez. Ito ang sumundo kay Chelsey. Matatandaang naging magkarelasyon sila ng mayamang negosyante. Nagkabalikan kaya sila?

CHELSEY: "Hahaha. Actually we never broke up naman. Still, he is my bf and i am her gf. Several years na.

At yan ang showbiz updates tonight..balik sayo...

Pinatay ko na agad ang tv.

Nagpupuyos sa galit ang damdamin ko.

So di pala sila nagbreak?

At sinundo pala ito ni sir nung linggo kaya maagang umalis.

Emergency pa talaga ha!

Bigla akong nanggigil. Hinampas hampas ko ang maliit na unan na nasa aking lap. Umiinit na ang aking mga mata.

Nang maramdaman kong may tutulo nang luha sa aking mga mata ay agad akong tumingala.

Nagpromise kana Adela na huli na yung kanina diba?

Ang sakit pala malamang naging fling kalang. Pampalipas oras ng isang lalaking may gf.

Nagpadala ka kasi sa kagwapuhan nya Adela! Kasalanan mo!

Narinig kong nagbukas ang pinto. Malamang si nanay ang pumasok. Agad akong tumakbo sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Ayaw kong malaman ni nanay ang pinagdadaanan ko.

Nakakahiya na ang pagkakilala nya sa akin ay isang matalino at matatag na Adela...tapos ngayon ay naloko lang pala at pinaglaruan.

Ginusto mo yun Adela! Ginusto mo!

Binatukan ko ang aking ulo. Nakakainis na pati utak mo kinakalaban ka at sinisisi.

Basta buo na ang desisyon ko about sa aking plano...

Ang...

Mission: Seducing Sir Luke and Break his heart.

***********************************

Tuesday

Kilay? Check!

Eyeshadow? Check!

Maskara? Check!

Contour? Check!

Lipstick? Check!

Perfect!

Sinuot ko din ang kauna unahan kong dress na mamahalin. Katas ito ng ilang linggong sahod ko.

I need to be beautiful. Sexy and seductive.

Humanda ka Sir Luke! Ngayon mo matitikman ang ganti ng isang api!

Napakagat labi ako. Lakas makateleserye ng line. Kaloka!

Muli akong humarap sa salamin at nag ikot ikot.

Oh my gosh! Adelaida? Is that you?

Gandang bata!

Well, hindi sa nagbubuhat ng sariling bangko, pero kahit ako ay napahanga ng aking nakita. Ganito pala ako kaganda kapag nakafull make up.

Mabuti nalang nasunod ko ng maayos ang ilang beses kong pinanood sa youtube na make up tutorial.

Pak! Ang ganda ng resulta! Pang artistahin na ang beauty ko!

Sinuot ko muna ang 4 inches heels ko na nude color bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si nanay na naghuhugas ng mga sandok at kaldero.

Napalingon sya sa akin at sa isang iglap ay napanganga ito at halos mandilat ang mga mata.

"Jusko po,santesima..Adelaida? Ikaw ba yan? Bakit ganyan itsura mo?" Wika ni nanay habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Shocked na shocked ang itsura.

Ngumiti ako.

"Pangit po ba nay? Tinatry ko lang po magmake up for a change." Sagot ko habang rumampa rampa na parang model sa harap ni nanay.

"Maganda anak. Di nga kita nakilala agad eh. Jusko, kaganda ng anak ko oh.....pero bakit nga nagpapaganda ka ng sobra? May nanliligaw naba sayo?" Pangiti ngiting tukso ni nanay.

Hays! Kung alam nyo lang nay. Nagdurugo ang puso ko ngayon dahil sa boss ko.

"Wala naman nay. Kasi ganito naman mga kawork ko mag-ayos kaya panahon na siguro para makiuso ako." Sagot ko sabay lapit kay nanay at kiniss ko ang pisngi.

Agad din naman akong nagpaalam para pumasok.

8th floor na. Bumukas ang elevator.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntung hininga bago lumabas.

Walk with a poise Adela! Everyone is watching you!

Actually sa pedikab palang, hanggang tricycle at sa pagpasok ko ng building ay pansin ko na ang mga tingin na parang nakakita ng artista. Lihim nalang akong napangiti.

Di ako sanay sa ganitong atensyon na natatanggap pero parang unti unti ko itong nagugustuhan. Masarap din palang maging famous minsan.

Para ito kay Sir Luke!

Para kay Sir Luke?

Erase! Erase! Para ito sa paghihiganti ko!

Pagdating ko ng front desk ay tinawag ko si Jasmine. Busy ito sa pagsusulat kaya di ako napansin.

"Yes Madame? Anu po kailangan nila?" Titig na titig ito sa akin. Maya maya ay nakakunot na ang noo. Na tila ba ay hindi ako namumukhaan.

Ngumiti ako.

"Oh my gosh? Adela? Ikaw yan?" Bigla nitong bulalas.

"Hala! Ang ganda ganda mo girl! Akala ko artista o model eh. Kakaloka! Super ganda mo pala kapag nakamake up?!"

Nakanganga pa itong titig na titig sa akin. Waring ayaw maniwala na ako ang nakikita.

"Ahaha. Grabe ka naman girl. Tinatry ko lang yung mga make up na binili ko. Di pa nga ako marunong eh." Medyo nahihiya kong sagot. Itinapat ko na sa scanner ang barcode ng id ko para makapag time in.

"Girl, boss mo parating na. Naglalakad na papunta dito." Sabi ni Jasmine sabay patagong nguso nito sa aking bandang likuran. Tinuturo si Sir Luke.

Gosh! Kaya ko ba ito? Compose yourself Adela! Kaya mo ito! Wag kang kabahan. Walk like a model. Forget everything. Make him fall for you!

Umayos ako ng tayo at naglakad n papasok ng office. Pinangatawanan ko ang "walk like a model" kemeng motto ko para sa araw na ito.

Juskolord! Ang hirap pala magpaganda! Parusa!

Nilakihan ko ang bawat hakbang para agad na makarating sa aking desk at di maabutan ni Sir Luke.

Di ako lumingon nang umalis ako sa harap ng front desk. Mahirap na, baka mangatog ang tuhod ko kapag nakita ang mukha ni sir. Baka manghina ako at di na matuloy ang balak ko.

Umupo agad ako sa chair ko nang marating ito. Masakit pala talaga ang heels. Di kasi ako sanay, kaya kahit mababa palang ito ay nananakit na agad ang paa ko.

Kunwari may ginagawa ako nang makita kong malapit na si sir sa akin. Di man ako nakatingin ay ramdam kong titig na titig ito sa akin.

Ganda ba sir? Ganda ba? Gandang niloko mo lang! Ginamit mo lang!

Nanggigil na ako pero pinilit kong kinalma ang aking sarili. Walang mangyayari kong papadala ako sa aking emosyon. Baka makahalata pa si sir at di ko maituloy ang plano.

"Uhmm. Adela.."  narinig kong wika ni sir. Agad kong itinaas ang mukha para makita sya. Ngumiti ako ng napakatamis.

"Hi sir! Goodmorning!" Bati ko. Pero deep inside ay tila panghinaan na ako ng loob.

Juskolord! Sa gwapo nya, parang magiging failed agad ang mission ko!

Pero kalma ka Adela! Wag kang papadala sa charm nya!

"To my office please." Seryoso ang mukha nya. Sumulyap muli ito sa akin bago binuksan ang pinto at pumasok sa office nya.

Inayos ko din muna ang aking damit. Dapat inplace ang lahat. Maayos at maganda. Saglit kong sinilip ang mukha sa salaming maliit bago pumasok sa office ni sir.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya.

Nakaupo na ito sa kanyang table at nakatalikod sa akin.

Nang maramdaman nyang malapit na ako sa kanya ay umikot na ito para humarap sa akin.

Napangiti ako sa kanyang reaksyon. Nakanganga itong nakatitig sa akin.

Maya maya ay nakakunot ang noo.

"What happened to you...yesterday? Are you good?" Tanong ni sir sa akin habang wala pading humpay ang pagtitig nya sa akin. Maya maya ay pinagsawa nito ang mga mata na tingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Sorry sir! Sumama lang po talaga ang pakiramdam ko. Pero ngayon okay na." Sabay ngiti na may halong pagpapacute.

"About last sunday..i'm so..." agad kong pinutol ang sasabihin ni sir.

"No..no...sir.. it is okay. Wala pong problema. What happened in Isla Luisa leave it in Isla Luisa." Seryoso ko nang wika kay sir. Di na ako nakatingin sa kanya.

Gosh! Ayaw kong makita ang kanyang mga mata. Nanghihina ako!

"But...Adela..i am serious about what..." muli kong pinutol ang sasabihin ni sir.

"Sir..masyado lang po akong nadala that time. Gusto lang kita sir. At hanggang doon na lang iyon. Now, i want to forget everything happened there. And please sir, let us be professional to each other. You are my boss, i am your secretary. That's all..nothing more..nothing less." mahaba kong litanya kay sir. Nakatingin na lang ito sa akin at nakaawang ang mga bibig. Naguguluhan.

"Now sir, may iuutos po ba kayo sa akin? You want anything? Coffee?"  Tanong ko. At tila manghina ang aking mga tuhod nang may masilip akong lungkot sa mga mata nya.

No Adela! Strategy nya yan! Ganyan ginagawa nya sa lahat ng babae!

Muli akong umayos ng tindig. Hinihintay ang sagot ni sir.

"Ah wala..wala...i'll call you if I need anything." Wika ni sir. Nakatungo na ito kaya di ko na maaninag kung ano ang kanyang reaction.

Kabado akong tumalikod at lumabas ng pinto.

Tila nakahinga na ako ng maluwag nang makaupo na ako sa aking chair.

Gosh! Daig ko pa ang mga kontrabida sa teleserye!

Natawa nadin ako sa sarili. Taray! Nakapag english ako ng deretso kanina. Infairness!

Ibinaling ko ang buong atensyon sa pag aayos ng schedules ni sir at sa mga iilang papers na kailangan kong isort at gawan ng soft file.

Di man ako nakatingin kay sir ay kita ko naman na malimit itong sumusulyap sa akin mula sa loob.

Maya maya ay may lumapit sa akin na lalaki. May dala dala itong mga bulaklak.

Actually, part na ng plan ko kanina na umorder ng isang bouquet ng flowers para sa akin. May bagong flowershop kasi sa tapat ng Mendez Plaza.Kunwari may nagpadala tapos ipapakita ko kay Sir Luke na bukod sa kanya at kay sir Allen, marami pang nagkakagusto sa akin.

" Ma'am, kayo po ba si Miss Adelaida?" Tanong ng lalaking messenger.

Ngumiti ako at tumango. Ngunit nabigla ako kasi dalawang bouquet ang iniabot nito sa akin. Ang alam ko, isa lang inorder ko kanina.

Pag alis ni manong messenger ay agad kong hinanap ang mga cards nito.

Ngunit isa lang ang mayroon. Ito pa yung card na sinulatan ko.

Sino kaya ang nagpadala ng isang bouquet?

Baka si Sir Allen! Nakalimutan lang ang card.

Mamaya pala ang aming dinner.

Napatingin ako sa loob ng office ni sir. Nakatingin ito sa akin na tila nagngingitngit.

Bigla akong umarte na tila kilig na kilig sa pagkakatanggap ng mga bulaklak. Exaggerated pa nga ang pagkaka emote ko.

Sa gilid ng aking mga mata ay pansin ko ang pandidilim ng mukha at masamang titig ni sir sakin.

Pak! Ansaya!!