CHAPTER 34: THE PAST LIFE

ADELA's POV

Pak!

Naramdaman ko ang isang malutong na sampal sa aking kanang pisngi. Napamulat ako ng aking mga mata at nakita ko si nanay na nakatingin sa akin.

"Anak! Okay kalang? Nananaginip ka na naman. Sigaw ka ng sigaw dyan eh." Napaupo ako sa kama. Tila hingal na hingal ako. Di ko mapaliwanag pero parang balot ako ng takot at lungkot.

"Okay lang po nay. Maghihilamos lang po ako." Sabi ko nanay at tumayo para tumungo sa lababo.

Bigla akong natigilan. Ang babae kanina. Si Aling Carmela!

"Nay, si Aling Carmela po? Yung naglilinis ng kuko ko kanina nakaalis napo ba?" Tanong ko kay nanay. Nagliligpit na ito ng mga kaserolang ginamit sa pagluluto. Nagsasabon narin ako ng mukha. Napasilip ako sa bintana.

Takipsilim na pala! Ang bilis ng oras!

"Oo anak....kanina pa. Hilik ka nga ng hilik nang iwan ka nya. Nakatulog ka daw habang nililinisan ka nya ng kuko sa paa." Napakunot noo ako sa sinabi ni Nanay.

Ang tanda ko ay parang may sinabi si Aling Carmela sa akin bago ako nakatulog. Bigla akong inantok nang hawakan nya ang aking mga kamay.

"Bakit anak, bakit natanong mo." Nakatingin si nanay sa akin na nagtataka.

Agad akong nagbanlaw ng mukhang may sabon.

"Wala po nay. Di ko alam na nakatulog pala ako." Sagot ko at nagtungo na ako sa kwarto para magpunas ng mukha.

Kelangan ko makita si Aling Carmela! Kelangan ko ng kalinawan sa lahat. Ang lahat sa aking panaginip!

Buong buo pa sa isipan ko ang aking panaginip. Na parang totoo itong nangyari!

[ANG PANAGINIP]

YEAR 1950

Sa isang mayamang probinsya ay may matatagpuang isang malaking mansyon. Mansyon ng mayamang pamilya ng Villarama.

Si Don Nicolas at Donya Cecilia ang nagmamay ari ng malawak na hacienda, ang hacienda Villarama. Sila ay may dalawang anak.

Si Lolita at Si Esmeralda.

Si Lolita ang panganay sa edad na 26.

Inampon lamang ito ng mag asawa sa pag aakalang di sila magkakaanak.

Ngunit nang mag lilimang taon na si Lolita, biglang nabuntis si Donya Cecilia. At pinangalanan nila itong Esmeralda.

Sa pagsilang ng bagong baby, nagsimula narin ang inggit at selos ni Lolita.

Alam nyang isa lamang syang ampon. Dahil naging bukas ang mag asawa sa pagsabi ng totoo sa anak nilang panganay.

Gayunpaman, itinuring nilang isang tunay na anak si Lolita. Puno ng pagmamahal at pag aaruga.

Sunod sa layaw si Lolita. Lahat ng magustuhan ay dapat na nakukuha.

Kaya sa pagdating ni Emeralda, naging masama ang ugali nito dahil sa selos at inggit.

Lumaki ang dalawa bilang masaya at magagandang dalaga.

Lumaking mabait at masunuring anak si Esmeralda samantalang suwail at maldita naman si Lolita.

Naging maayos naman ang pagsasama ng dalawang kapatid hanggang sa umibig sila sa iisang lalaki.

Si Bernardo. Anak ng isang magsasaka sa kanilang hacienda.

Gwapo, matangkad at makisig ang binata kaya naman maraming kababaihan ang nahuhumaling dito...kabilang na ang dalawang magkapatid.

Naging bukas si Lolita sa pagpapakita ng pagmamahal nito sa lalaki.

Pero binabalewala lang ito ni Bernardo. Dahil may iba syang mahal...ang kapatid nitong si Esmeralda.

Lingid sa kaalaman ni Lolita. Lihim na nagkikita si Esmeralda at Bernardo sa isang hardin. Hardin ng mga rosas.

Nasa pag aalaga ito ng isang matandang babae.

Saksi ang matanda sa pag-iibigan ng dalawa. Pag-iibigang hindi nila kayang ipakita sa lahat dahil sa kalagayan nila sa buhay at dahil narin kay Lolita.

Naging masugid naman sa pagpapapansin kay Bernardo si Lolita. Halos araw araw itong pumupunta ng bukirin para lamang masilayan ang binata at makuha ang atensyon nito.

Hanggang isang araw..

...sa pagdalaw nya sa bukid na sinasaka ng pamilya ng binata ay napag alaman nitong wala ang lalaki.

Nalaman nito sa mga magulang nito na palagi itong umaalis para tumungo sa hardin ng mga rosas.

Sumunod si Lolita sa hardin. At nabigla sya sa nakita....ang kapatid na si Esmeralda...yakap yakap ni Bernardo!

Nagngitngit ng matindi sa selos ang dalaga sa nakita. Isinumbong nito ang kapatid sa mga magulang. Kaya pinagbawalan naman ng mag-asawa ang bunsong anak na makipagkita pa sa binata. Dahil kung hindi..papalayasin nila ang pamilya nito sa hacienda.

Walang nagawa si Esmeralda. Naging malungkutin ito at laging nagkukulong sa kwarto.

Si Lolita naman ay naging marahas sa pag angkin sa binata. Hayagan nitong sinabi na gusto nya ang lalaki.

Pero, tumanggi si Bernardo sa inaalok nitong pag-ibig. Sinabi nyang ang tanging mahal lamang nya ay ang kapatid nitong si Esmeralda.

Labis na nasaktan si Lolita. Kaya humantong ito sa desisyong patayin ang kapatid para maangkin ang lalaki.

Isang araw, habang wala ang mga magulang nila..

Tinulungan ni Lolita ang kapatid na tumakas at makipagkita sa binata.

Nagkukunwari ang dalaga na tanggap nitong wala na syang pag asa sa binata.

Pero ang totoo, sa isip nya ay...kung hindi mapapasakanya ang lalaki, mas mabuti nang mamatay ito kasama ng kapatid nya. At mamumuhay syang reyna bilang nag iisang tagapagmana ng mga magulang.

Lubhang naging ganid ang dalaga.

At upang maging mabilis ang pagtakas ng dalawa..iminungkahi nito na gamitin ang sasakyan nya.

Marunong sa pagmamaneho si Bernardo dahil minsan ay ipinagmamaneho nito ang pamilya Villarama kapag wala ang family driver ng pamilya.

Doon nagkita at nagkagustuhan ang dalawa ( Bernardo/Esmeralda) ng palihim nang minsang ipagmaneho ni Bernardo ang dalaga para magsimba.

Tumakas ang dalawa gamit ang sasakyan ni Lolita na lingid sa kaalaman nila ay sira ang preno.

Sumunod naman si Lolita sa dalawa para siguraduhing magiging matagumpay sya sa pinaplano.

Kasalukuyang binabaybay nina Esmeralda at Bernardo ang matarik na daan nang maramdaman ng binata na walang preno ang sasakyan.

Nagimbal ang dalawa.

Upang mapatigil ang sasakyan, minabuti ng binata na ibangga ito sa isang puno. Naging matagumpay naman ang bintana.

Kunting galos lamang ang natamo nilang dalawa.

Ngunit di nila alam na sa kanilang likuran ay lalong naggagalaiti si Lolita.

Galit na galit sya sa palpak na plano.

At dahil doon, nagpasya itong banggain ang sasakyan ng dalawa upang tuluyan silang mahulog sa bangin.

Nahulog ang sasakyan ng dalawa ...ngunit sa di inaasahang pagkakataon, di nakontrol ni Lolita ang manibela...nahulog din sa bangin ang sinasakyan nito....

Nagising ako after ng tagpong iyon.

Ang di ko alam ay kung bakit parang ako yung nahulog...

Bakit parang kaugnay nito ang ilang beses kong napapanaginipang pagkahulog kasama ang isang misteryosong lalaki.

Tila ba ako yung nasa loob ng sasakyan tapos nasabi ko bago tuluyang mahulog ang sasakyan sa bangin...

Mahal na mahal kita irog ko. Kahit anu man ang mangyari mamahalin kita. Kahit saan..kahit kailan..maging sa pangalawa kong buhay. Maging sa bagong mundo. Ikaw lang Bernardo. At kung mabibigyan pa ako ng pa galawang pagkakataong mabuhay ulit? Sana makita kita ulit. Sana magmahalan tayo ulit. Ikaw at ako lang. Tayo.

Lalo ako nagulumihanan nang marecall ang tagpong iyon.

Bakit kamukha ni sir Luke si Bernardo?

Bakit kamukha ko si Esmeralda?

Nanghihina akong napaupo sa kama.

Tila sumama ang aking pakiramdam.

Naguguluhan ako.

Tanging si Aling Carmela lang  ang makakasagot ng mga tanong ko.

Kailangan ko syang makausap.

Kailangan ko syang makita.

Bigla akong napatayo upang lapitan si nanay.

Ngunit wala sya sa sala paglabas ko.

Pumunta ako sa karinderya...kasalukuyan na itong nagliligpit ng mga pinaglagyan ng ulam.

"Nay!" Tawag ko sa kanya. Napalingon ito.

"Bakit anak?"

"Matagal nyo na po bang kilala si Aling Carmela? Tagasaan po sya? Pano nyo po sya nakilala?" Sunod sunod kong tanong.

"Teka teka ha. Hinay hinay anak. Isa isa lang. Mahina kalaban." Sabi ni nanay na nagtataka.

Napakunot noo nito bago nagsalita.

"Ilang beses na syang nakain dito. Halos araw araw na nga ata. Kaya lagi ko narin nakakwentuhan yun dito. Minsan nga natambay narin yun eh. Tapos noong isang araw sinabi nya na marunong syang mag-pedicure at manicure. Eh ayun,....matagal na rin akong di nakapagpalinis ng mga kuko kaya nagpalinis na ako. Pero teka anak...bakit nga ba tinatanong mo? Nagtataka na ako sayo?" Mahabang litanya ni nanay.

Napaiwas ako ng tingin.

Di ko alam kung sasabihin ko ba kay nanay ang dahilan.

"Wala po nay. May itatanong lang po sana ako sa kanya....uhmmm...May number kapo ba nya? Nay?"

Tanong ko kay nanay. Baka sakaling may numero ito ng matanda.

"Ay oo anak. Teka ha. San ko nga ba nailagay yun." Sabi ni nanay. Naglibot libot ito sa karinderya. Hinahanap kung saan nailagay ang number.

"Wala po ba sa cp nyo nay?" Sabay turo ko sa cp ni nanay na mumurahin. Binili ko sya nito noong isang buwan lang. Para kahit papano ay makontak ko sya kapag emergency.

"Hindi anak. Sa kapirasong papel yun sinulat eh.Di ko naman naisip na pwede nga pala sa cp mismo isib." Wika ni nanay at hinalungkat ang arinolang nilalagyan nito ng pera.

Wala doon ang hinahanap nito.

Binuklat nito ng notebook na listahan ng mga utang ng kapitbahay.

At ayun, nakita rin sa wakas..

"Eto anak. Ayan." Binigay sa akin ni nanay ang papel.

Agad ko itong kinuha at tinawagan ang numero.

"Adela!"nabigla ako. Panong alam agad nito ang aking pangalan.

"Kanina ko pa inaasahan ang tawag mo. So, anu na iha? Naaalala mo na ba ang lahat?" Wika nito.

Nagtaka ako.

"Ano pong naaalala? Di ko po kayo maintindihan."  Sagot ko.

"Teka anu ba napanaginipan mo?" Tanong nya.

"Uhmm. Yung Esmeralda po at Bernardo. Nahulog sa bangin? Tapos kamukha ko si Esmeralda..at si Bernardo..kamukha ni..." natigilan ako. Di ko naituloy dahil biglang sumagot si Aling Carmela.

"Iha. Adela. Ikaw si Esmeralda noong panahon na iyon. At maaring si Luke si Bernardo. Namatay ka nang mahulog ang sasakyan nyo sa bangin. Pero bago ka namatay, may binitiwan kang salita...salitang naging isang malaking bagay para gumawa ng isang kababalaghan. Muli kang isinilang pagkalipas ng ilang dekada. Pinagbigyan ang hiling mo na mabuhay muli. Maswerte ka iha." Mahaba nitong litanya.

Napaluha ako. Di ko alam pero tila kusang lumuha ang aking mga mata. Ramdam ko sa kaibuturan ng aking puso ang pagmamahal na iyon ni Esmeralda kay Luke.

"Pero paano po nangyari iyon? Saka pano nyo po nalaman?" Tanong kong nahihiwagaan padin.

Di ako makapaniwala. Tila isang pantasya na sa pelikula ko lang napapanood.

"Iha...nandoon ako..noong panahon na iyon."

"Po? Paanong andun kayo?"

Lalo akong naguluhan.

"Ako ang matandang babae na nasa hardin. Ako ang nag aalaga ng hardin ng mga rosas kung saan kayo nagtatagpo palihim ni Bernardo." Natigilan ako.

Laglag panga nang maalala ko ang itsura ng matandang babae na nasa hardin.

Gosh! Kalurkey! Fantasy is real?

"Teka po. Di ko gets po. Panong parang walang nagbago sa inyo? Ganun parin ang itsura mo noon at ngayon? Dapat kung tutuusin ay patay na kayo ngayon!" Naibulalas ko.

I need explanations? More! More!

"Iha. Maaring isa ring kababalaghan..pero isa akong time traveller iha...at dahil nasaksihan ko ang pagmamahalan nyo noon ni Bernardo, ninais kong tulungan kayo sa huling pagkakataon."

Wika nito.

Tarush! Parang kdrama lang!

Waring parang hirap paniwalaan pero sa boses nya...seryoso ito.

Dapat ba ako maniwala?

"Iha. Maaring iniisip mo na di totoo. Alam kong nagdadalwang isip ka na paniwalaan ako. Pero...mag iingat ka. Maaaring pinagtapo kayo muli ni Bernardo. Pwedeng may umagaw sayo ng lalaking mahal mo.At mas malala kung...mauulit pa ang nangyari. Ikaw nalang ang gagawa ng paraan kung paano mo mababago ang destiny ng pagmamahalan nyo."

Ay! Nabasa nya ang iniisip ko!

Naalala ko si Bernardo na kamukha ni Sir Luke at ang babaeng kapatid ko daw na si Lolita.

"Si Bernardo po..anu po ang nangyari sa kanya? Namatay rin po ba sya that time?...yung Lolita po...hello?...hello?" Tanong ko ngunit wala na sa kabilang linya ang matanda.

Ilang beses pa akong tumawag sa number nya pero nagtaka ako.

Number not available?

Pumasok ako ng kwarto at humiga muli sa kama.

Si Bernardo ay si Sir Luke..at ako si Esmeralda..

So meaning? Nakatadhana kami sa isa't isa?

Kelangan kong makausap sa personal si Aling Carmela!

Kung ako si Esmeralda...

So para sa akin lang si Sir Luke? Tadhana ring ako ang iibigin nya?

Gosh!

Kinilig ako at biglang namula.

Wala namang masama kung maniniwala ako.

Niyakap yakap ko ang unan sa tuwa.

Pero in a sudden, natigilan ako muli.

"....Mag iingat ka. Maaaring pinagtapo kayo muli ni Bernardo. Pwedeng may umagaw sayo ng lalaking mahal mo."

Pagrecall ko sa sinabi ng matanda.

No! Ngayong alam kong tadhana kami...di na ako papayag na nagkahiwalay kami or maagaw sya ng iba...kahit may bagong Lolita pa na dadating at haharang sa pagmamahalan namin!

Akin lang si Sir Luke. Akin!

Akin nga ba? May Chelsey sya eh.

Papano na?