CHAPTER 39: LONGING HEART

ADELA's POV

Naniniwala ba kayo sa tadhana? O sa ideyang may nakatadhanang lalaki para sayo?

Paano kung tadhana lang pala kayong magmahalan

.....pero hindi para magkatuluyan?

***************************

Di ko alam kung gaano ako katagal sa pagkakapikit o pagtulog. Pero ramdam ko na nanghihina pa ang akong katawan.

Alam ko ding may nakabenda sa aking ulo at may nakasaksak na kung anung bagay sa aking pulso.

Pamilyar din ang amoy ng paligid.

Nasa ospital ako!

At muling nagfalshback sa akin ang nangyari. Nabangga kami ng isang rumaragasang sasakyan.

Napamulat ako ng aking mga mata ng dahan dahan.

May naririnig akong mumunting ingay. Waring mga nag uusap na mga tao.

Unti unting luminaw ang aking paningin. Ngayon ay nakatitig ako sa kisame. Medyo nasisilaw pa ako sa liwanag ng ilaw.

Di ko maigalaw ang leeg.

"Anak! Anak! Salamat sa Dyos! Nagising kana!"

Mukha ni Nanay ang aking nakita. Kitang kita sa kanyang mukha ang labis labis na pag aalala. May bahid din ng luha ang kanyang pisngi at namamaga pa ang kanyang mga eyebags.

Hinalikan nya ako sa pisngi.

"Nay..."ang tangi kong nasambit. Tinatry ko pang igalaw ang kamay pero wala itong lakas.

Tumulo ang aking luha.

"Nak, wag ka muna gumalaw galaw. Mahina kapa." Pag aalalang wika ni nanay.

Bigla akong napatitig kay nanay. At sa isang iglap ay may tumulong luha sa aking mga mata.

"Nay....si s-sir? Si L-luke? Nasaan sya?" Napakunot si nanay sa narinig. Waring di nga nya kilala si Luke.

Napalingon ito sa likod. At nakita kong lumapit sa amin sina Isabel at Trina.

Nandito din pala ang dalawa.

"Uhm. Girl...kamusta kana." Nag aalala ding tanong ni Trina sa akin.

Napatingin ako sa kanila. Hinihintay kong magsalita sila about kay Luke. Pero wala akong narinig.

"Nasaan si Luke? Nasaan sya? Okay lang ba sya?" Kumakabog na ang aking dibdib.

Ayaw kong isipin na napahamak sya.

Wag naman po! Di ko kakayanin!

Nagkatinginan ang dalawa. Waring nagtatanungan kong magsasalita ba sila.

"Please sagutin nyo ako. Anu nangyari kay Luke. Maawa kayo."

Napaiyak na ako. Nag aalala na ako ng sobra. Andami kong naiisip.

Wag naman po sana! Wag po!

"Ah girl..dinala sya sa Amerika. Masyado daw delikado ang lagay nya. Nagkaroon ng internal hemorrhage sa kanyang utak. Kaya minabuting doon nalang dalhin para maoperahan ng espesyalista." Mahabang paliwanag ni Trina.

Humagulhol na ako sa pag iyak nang marinig yun.

Di ko makakaya kung may masamang mangyari sa kanya.

Ayoko syang mawala sa akin!

Kung kelan pa masaya na kami..saka pa ito mangyayari?

Wala akong humpay sa pag iyak. Nagwala ako. Gusto kong umalis! Tumakbo. At habulin si Luke. Gusto ko na nasa tabi nya ako habang inooperahan sya. Nang sa ganun ay malaman nyang di ko sya igigive up.

Na mahal na mahal ko sya.

"Trina, isabel... please, pakitawag ang nurse. Nurse! Nurse!" Umiiyak na din si nanay.

Nakita kong tumakbo palabas ang dalawa. At maya maya ay may mga kasama na silang nurse.

Nakita kong may tinurok na syringe sa tube na nakasaksak sa aking pulso.

At maya maya ay binalot na ulit ako ng antok.

Nakatulog ako.

Tumagal ako sa ospital ng 3 weeks.

Ngunit hanggang sa paglabas ko ay wala parin akong balita kay Luke.

Di narin kami namoroblema sa bills since sinagot pala lahat ng Mendez Corp ang gastos. Stock holder din pala ng hospital ang company namin.

At si Chelsey? Na si Lolita pala sa pastlife ko?

Nahuli ito sa airport na may dalang drugs. Pabalik na sana ito ng Italy. Pero  nakitaan ng cocaine ito sa bag.

Lulong na lulong na pala ito sa ipinagbabawal na droga.

Kaya pala nakayanan nitong sagasaan kami ni Luke.

Nakita sa CCTV ng area kung saan kami nabangga na si Chelsey ang sakay ng car.

Kaya ngayon, nakakulong na ito. Walang ring bail na ibinigay para sa kasong frustrated murder at illegal possesion of drugs.

Masaya ako na kahit papano ay nabigyan ng hustisya ang krimen na ginawa nito.

Tama! Choices namin kung gagayahin namin ang nangyari sa pastlife. At ganun parin ang ginawa ni Chelsey.

Mabubulok sya sa kulungan!

After 3 months, tuluyan na akong gunaling.

Pero aanhin ko ang paggaling kung di ko pa rin alam kung okay na si sir?

Last balita ko, cumatose pa din ito.

Bumalik ako sa work. Si Ruel na bestfriend ni Luke ang tumayong OIC ng firm namin. Sya ang pansamantalang pumalit kay Luke.

Malungkot ang aking araw araw. Walang sandali na naiisip ko si Luke.

Kahit si Ruel ay walang balita kung anu na ang lagay nito.

Sa bawat araw ay kumakalap ako ng information sa lagay nya pero wala eh.

Wala talagang balita.

Nagiging hopeless narin ako minsan.

********************

At ngayon, anniversary na ulit ng firm.

Isang taon na mula nang pumunta kami sa Isla Luisa.

At dahil taon taon ay sinicelebrate ang team building kasabay ng pagdiriwang ng anniversary...sa Isla ulit ito gagawin.

Masaya sana pero...di ako magiging masaya..dahil may bahagi ng puso ko ang nalulungkot..nangungulila sa isang tao.

Sana okay na sya. At sana kung in coma padin sya..ay magising na sya..

Kahit di na nya ako balikan,...okay lang..ang mahalaga ay buhay sya.

Kasalukuyan na akong nasa bus.

Katabi ko si Jasmine. At nasa likuran namin sina Trina at Isabel.

Papunta na kami ng Isla Luisa.

First time ni Jasmine sumama since hindi sya sumama last year. Pangalawang taon nya lang din sa company. Sabay ata kami nahired.

Nasa gilid ako ng bintana kaya kahit busy sa pagdadaldalan ang tatlo, di na ako nakikinig. Ginawa kong busy ang sarili sa pagtanaw ng mga mabundok na tanawin.

Wala ako sa mood. Malungkot ako. Nangungulila.

Miss na miss na kita Luke. Sobra!

Makalipas ang ilang oras..nakarating na kami sa pier.

Mabilis ang byahe kaya maaga palang ay nakarating na kami agad.

Alas dos palang pala ng hapon.

Excited narin ako kahit papano na makita muli ang isla. At mabalikan muli ang magandang alaala ng nakaraan sa amin ni Luke.

Pagdating sa hotel, nagtaka ako kasi may mga nakareserved na sa akin na mga room.

Mag isa lang ako. At guess what?

Ang kwarto dati ni Luke! Doon ako magstay!

Wala pa man ay nangangatog na ang aking tuhod.

Masyadong maraming magandang ala ala ang kwartong iyon sa aming dalawa.

Di ko na nahintay ang tatlo at dali dali akong umakyat para tumungo sa kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang maraming bulaklak.

Pink roses! Nakakalat ito sa kwarto.

Meron sa flower vase..meron sa harap ng salamin at pati sa kama ay may isang bouquet ng pink roses!

Napaiyak akong umupo sa kama.

Anu ang ibig sabihin nito?

Nandito ba siya? Pero bakit di man lang sya nagparamdam?

Tumawag ako kay Trina.

"Girl nasa kwarto nyo naba kayo?" Tanong ko.

Gusto kong makunpirma ang aking naiisip.

"Oo girl bakit?"

"Ah wala naman. May paflowers din ba sa inyo?" Tanong ko ulit.

Kinakabahan ako. Sana...sana totoo ang aking iniisip.

"Yes girl! May pabouquet ng mga roses dito. Ambabango at ang gaganda!" Kilig na kilig na wika ni Trina.

Disappointed ako sa narinig.

Para pala sa lahat ang pabulaklak. Akala ko ako lang.

Umasa ako sa imposible.

Napahiga ako sa kama.

Luke! Asan ka! Namimiss na kita! Umuwi kana please!

Maya maya ay naligo ako. Balak kong puntahan ang hardin sa likod. Favorite ko ang bahaging iyon ng hotel.

Tila kumakalma ako kapag naroroon ako.

Sumasaya ako kapag pinagmamasdan ang mga bulaklak.

Baka sakaling, kahit papano ay mapawi ng hardin ang aking pangungulila kay Luke.