LAST CHAPTER: UNDYING LOVE

[Will delete this novel soon. Walang pakinabang kay webnovel]

ADELA's POV

Sa realization na panaginip lang pala ang lahat, parang tumamlay ako. Parang nawala ang sigla ko.

Balak ko sanang maligo pero tinatamad akong gumalaw.

Nakakainis na panaginip! Mas lalo lang akong naging sabik kay Luke.

Kamusta na kaya sya? Sa US padin kaya sya? Nagising na kaya sya?

Andaming tanong na pumapasok sa aking isipan. Pero di ko alam kung kelan ito masasagot.

I need air. Mukhang timang na naman ako kung puro pag-iiyak ang aking gagawin.

Pumunta ako sa balcony ng aking kwarto. Pagbukas ko palang ng glass doors, naramdaman ko agad ang preskong hangin. Sa bawat pagtama nito sa aking mukha, tila dinuduyan naman nito ang aking buhok...sumasayaw sa ritmo ng ihip ng hangin.

Napatingin ako sa dalampasigan. My iilan akong taong nakikita. May nag-jejetski, banana boat at parasailing.

Parang na-excite ako sa parasailing..gusto ko din yung tila lumulutang sa langit at dinadama ang preskong hangin habang tanaw na tanaw mo ang buong isla.

Agad akong bumalik sa aking kwarto para magbrush at maghilamos.

Di na ako maliligo since siguradong maliligo rin naman kami after. Yayayain ko nalang ang tatlo sa parasailing.

I am sure bet na bet din nila yun!

Pagkatapos mag-ayos ay agad agad kong tinungo ang mga kwarto ng tatlo. Una kong kinatok ang kwarto ni Isabel.

"Girl? Isabel? Andyan kaba? Girl?" Pinihit ko pa ang knob pero nakalock na ito. Baka nasa baba na.

Ganun din ang ginawa ko sa mga kwarto nina Trina at Jasmine pero wala ding sumasagot.

Marahil magkakasama ang tatlo. Asar ha, di man lang ako ginising para yayain! Humanda sila sa akin.

Bumalik ako saglit sa aking kwarto para kunin ang aking cp. Itetext ko nalang ang mga ito.

Habang pababa ng lobby, tinext ko sila. Pareho lang ang aking message na sinabi.

TO: TRINA, ISABEL, JASMINE

Hoy mga babae! Asan kayo? Di nyo man lang ako ginising! Mga salbahe kayo..ganyan ba ang pagkakaibigan natin? Nagkakalimutan? Makakatikim kayo sa akin.

Nakarating na ako sa lobby pero ni isa sa tatlo ay walang nagreply.

Kakaloka ha! Dati naman isang text lang may reply agad sila.

Napasimangot na ako. Gusto kong magtampo sa kanila pero kilala ko naman ang tatlo. Di nila iisnobin ang text ko ng walang dahilan.

Kinuha ko nalang ulit ang aking cp sa bulsa at ngayon ay tinawagan na si Isabel. Since ito naman ang mahilig magdala ng cp para sa selfie selfie. I am sure kapit kapit nito ang cp.

Nagring ang phone nya. At maya maya ay sinagot naman nya agad.

"Hello girl?"

"Hello..ganyan na ba kayo tatlo? Kinakalimutan nyo ako?" Kunwari pagtatampo ko sa kanila..

"Ay girl, kinatok ka namin kanina pero mukhang tulog na tulog ka....okay na ba? Ready naba ang lahat?" Wika nito pero tila may kausap itong iba.

Nakakunot ang aking noo.

"Sino kausap mo? At nasaan ba kayo? Gusto ko sana magparasailing eh!" Naiirita ko nang sagot sa kanya. Mukhang di pa ito nakikinig kasi parang mga bubuyog na nag uusap sila sa kabilang linya.

"Okay na? Okay na! Alright!...ah girl! Nandito kami sa garden..may boodle fight tayo ngayon. Punta ka!"

Nabigla ako sa sinabi nya. Boodle fight sa hardin? Eh di ba under renovation ito? Anu yun? Kahapon lang ginawa gapos tapos na agad?

Kakaloka!

Padabog kong tinungo ang hardin.

Mukhang pinagtritripan nyo ako tatlo ha. Kahapon parang ayaw na ayaw nyo akong pumunta dito sa hardin ha. Makakatikim kayo ng pinakapino kong kurot sa singit!

Ngunit laglag panga ako nang marating ko ang hardin.

Nabigla ako sa aking nakita.

Madaming nabago dito. Mas maraming bulaklak. Tila ba puro pink roses na ang nakatanim. Iilan nalang ang mga ibang halaman.

Tapos sa gitna nito ay may malaking fountain.

Nakanganga akong tinungo ang fountain.

Shocks! Ang ganda! Ang ganda ng pagkakarenovate!

Inikot ko ang aking mata sa kabuuan ng hardin. Nasa bandang sulok na ang open kubo na kung saan kami nagboodle fight dati.

Natigilan ako.

Saan ang mga tao? Bakit walang tao kahit isa? Sabi ng babaeng iyon may boodle fight? Pinatripan na naman ako! Naku, ginigigil na talaga ako ng tatlong yun!

Muli kong nilibot ang paningin sa hardin. Lumapit ako sa mga pink roses para maamoy ang mga iyon.

May nakita akong isang malaking bulaklak nito kaya ito ang aking nilapitan at sininghot singhot.

"Ambango!" Napangiti ako. Narelaks ako saglit at tila humupa agad ang pagkainis ko sa tatlo.

Iba talaga ang nagagawa ng harding ito sa aking damdamin...tila nawawala ang bigat na aking nararamdaman at ang pagkamiss ko kay Luke.

Muli akong luminga linga sa kabuuan nito at....

Shocks! Tama ba ang naiisip ko!

Pumagitna ulit ako. Umupo ako sa sementong bilog ng fountain.

At muling napanganga ako sa aking nakita.

Oh my gosh! Ang garden! Kaparehong kapareho ng itsura ng hardin kung saan nagkikita sina Esmeralda at Bernardo!

Pero paano nangyari iyon?

Muli akong kumurap at kinusot kusot pa ang aking mga mata.

Pero di ako naghahallucinate!

Kawangis talaga nito ang buong detalye. Kahit sa panaginip ko lamang nakita iyon, alam na alam ko ang itsura ng harding iyon.

Biglang may nahagip ang aking mga mata na isang card na pink na nakasabit sa isang bulaklak.

Agad ko iyong nilapitan at binasa ang nakasulat..

Araw kaba?

Bakit?

Kasi ikaw ang nagbibigay liwanag sa madilim kong buhay.

Nanlaki ang aking mga mata. Pamilyar ang pick up line na ito.

Ito yung sinabi ko kay Luke eh! Juskolord, halos himatayin pa ako para lang sabihin yun sa kanya. Nagkandamali mali pa ako.

Pero bakit may ganito.

"Bakit may ganito?"parang tila may bumabara na sa aking lalamunan.

Kung sino man ang nagsabit nitong card dito...

"F*uck you sya!" Pasimple kong pinunasan ang nagtutubig kong mga mata.

Kaloka! Sa kunting ala ala lang ni Luke na bumabalik sa akin...mabilis akong nagiging emotional!

Muli akong may nakitang card sa di kalayuan kung saan ko nakuha ang unang card.

Agad ko itong kinuha at binasa.

Kabadong kabado na ako!

Kung madadapa man ako...

Okay lang....basta

SAYO ako...

Mapu-fall

😘😘😘

At tila fountain na bumuhos ang aking mga luha.

Bakit may ganito? Nakakainis naman eh! Si Luke lang ang nakakaalam ng mga ginamit kong pick up lines na ito eh!

Hindi naman sya masyadong common para gawing palamuti dito sa garden.

Medyo nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luhang dumadaloy dito. Hinayaan ko lang ang mga ito, dahil sa silakbo ng aking damdamin...

Miss na miss ko na sya! Pero bakit tila lalo syang nagpapamiss sa akin!

Kakainis naman eh!

Napalingon ako sa kabilang entrance ng garden. May bulto ng katawan ng lalaking biglang sumulpot. Di ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa mga luhang umaagos sa aking mga mata.

Nakakahiya baka sabihin gumagawa ako ng eksena.

Pinunasan ko ang aking mga mata at muling tumingin sa lalaki.

And to my great surprise....

Ang lalaking matagal ko nang gusto makita!

Ang lalaking sa panaginip ko lang nakakapiling!

Ang lalaking laman ng aking isip oras oras!

Ang lalaking nag-iisang laman ng aking puso!

Si Luke!

Tila lumundag sa tuwa ang aking puso.. pero di ako makagalaw sa emosyong aking nararamdaman.

Gosh! How I really miss this guy!

Nakatayo lang ito sa bungad ng entrance. Nakangiti.

Sa itsura nito, parang mas bumata ito ng ilang taon. Fresh na fresh ang itsura nito kahit na may maninipis na itong bigote at balbas sa mukha.

Gosh! Lalo syang gumwapo!

Nais ko atang tumakbo papunta sa kanya pero sa di ko maexplain na dahilan, I can't move!

Unti unting naglakad palapit sa akin si Luke.

Ako naman ay halos hose na ng Maynilad ang mga mata sa walang humpay na agos ng mga luha!

Lord! Please...hindi na ito panaginip!

Kinurot ko pa ang aking hita, baka kasi hallucinations ko na naman ito.

Pero hindi!

Hindi sya nawala!

Totoong nasa harapan ko na sya!

Humihikbi na ako nang tumigil ito, one meter away sa aking harapan.

Nakangiti lang ito. Titig na titig sa akin.

Maya maya ay nagsalita...

"Hi!" Bati nito sa akin.

Lalo akong humikbi nang magsalita sya.

He is real!

Medyo garalgal ang boses na sinagot ko sya.

"Hello!"

Kaloka! Ganto ba kapag matagal di nagkita? Yun nalang ang sinasabi?

Hi at hello?

Wala parin akong tigil sa pag iyak. Juskolord! Sinisinok na nga ako eh!

"I missed you Adela..." sabi ni Luke. Nakatitig lang ito at nakangiti.

Di na ako nakapagpigil at agad ko syang tinakbo at tumalon pa ako!

Patalon akong yumakap sa kanya.

Gusto kong madama na totoo sya.

Ang mainit nyang katawan!

Agad kong ginalugad ang buo niyang katawan. Hinaplos haplos ang kabuuan nito.

Tama! Totoo na toh! Totoo na sya! Andito na talaga sya!

At bigla bigla ay kinulong nya sa kanyang mga palad ang aking mukha at hinalikan.

Ang halik na matagal kong hinihintay na malasap ulit.

Ang halik na pinakamasarap sa buong universe.

Ang halik na matagal ko nang miss.

Lumaban ako ng halikan.

Maalab, mas umaapoy, mas puno ng pagkasabik...mas puno ng pagnanasa...

Halos nagkahabulan kami ng hininga nang maghiwalay ang aming mga labi.

Napatingin ako sa kanya at may ibinulong sa isip. Di ko alam kung bakit tila wala akong boses.

I love you Luke!

"I love you Adela...my Esmeralda.."

Natigilan ako sa narinig. Esmeralda?

May alam sya sa pastlife namin?

Napakunot noo ako.

Paano nya nalaman?

"Esmeralda?" Nakatitig ako sa kanya.

"Yes Adela. I know now about our past... pastlife..and I am so happy na we found each other again...And finally.. we can make our forever come true." Wika nya sa akin. At niyakap nya ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

Yung tila wala ng ibang bagay o tao na makakapagpahiwalay sa amin.

"Paano mo nalaman ang ating pastlife?"

"When I was in coma. I was dreaming about you, us and about Bernardo and Esmeralda. And our undying love."

Nagkatitigan kami.

Gosh! Wala na akong mahihiling pa!

Ang lalaking ito ang nais kong makita araw araw..bago matulog at magising.

At umaasa akong mangyayari na iyon...

Na forever na kaming magmamahalan at magsasama.

" Look at the garden.. I spent 6 months just to water and renovate this garden. Gusto ko kasing magaya man lang ang itsura nun para naman matuwa ka."

Nakatitig sya sa akin.

Gosh! Kahit akin na ang lalaking ito..di parin ako sanay! Kinikilig pa din ako!

"Hmmp..matagal kana pala dito..Wala ka man lang nagparamdam? Hindi mahalaga sa akin ang garden..ang mahalaga sa akin ay ikaw! Ikaw!" Kunwari nakasimangot ako at nagtatampo.

Niyakap nman nya ako agad at nilambing lambing.

May pakiss kiss pa ito sa aking leeg .

Napatawa naman ako na parang tanga.

Teenager feels!

Kilig kilig lang na parang buang!

"Bakit? Kahit naman di mo ako nakikita...nakakasama mo naman ako sa panaginip eh. Pinagnanasaan mo ako. At pinapagod."

Pabulong nyang sabi sa akin.

Napadilat ako ng mukha.

Laglag panga ako sa narinig!

Oh my gosh! Meaning totoo yung panaginip?!

Kinabahan ako. Nakatitig ako sa kanya at biglang bigla.

Tumawa naman ito at kumindat pa.

Juskolord..di ko alam kung gaano na kapula ang aking mga pisngi!

"So meaning...it was real? It was not only a dream..you and I..?"

"Yes...you and I made a baby last night. It was the best actually. And I am craving for more...I wanna do it every hour and every minute...my Adela." Pabulong ulit nya na wika sa akin.

Kaloka! Yung tenga ko parang kinikiliti.

Bigla akong nag iinit! At kung di ko pipigilan ang sarili..baka sa hardin na ito ay bumukaka na ako! Chos!

I composed myself. Gusto ko pa din magdrama eh! Bakit ba?

"Uhmm. Kahit na! Mas okay parin yung alam ko na totoo ka. Yung alam kong andyan ka sa tabi ko at di moko iiwan pa ulit..6 months? Wala man lang pasabi na nandito ka."

Sinadya kong sumimangot.

Gusto ko makita nyang nagtatampo talaga ako.

"I am sorry ,my Adela. Gusto ko kasing maging perfect ang gagawin ko. At gusto ko, nagbloom narin ang mga pink roses kapag ginawa ko ang plano ko." Nakayakap nitong paglalambing sa akin.

"Plano? Anu yon?" Nakakunot noo kong tanong.

Bigla bigla itong bumitaw at lumuhod sa harap ko.

May kinuha itong maliit na box sa bulsa.

Nakatitig sya sa akin nang binuksan nito ang box na hawak hawak.

Napanganga ako sa aking nakita.

Isang singsing na may malaking diamond.

Gosh!

Is it real? My gosh!

Sa laki ng bago, pwede na itong makabuhay ng buong barangay!

"Adela...I waited so long for this....Will you marry me?"

At mas mabilis pa sa alas kwatrong niyakap ko sya. Hinalikan ng madiin.

Madiin na madiin!

"Yes! Yes! Yes! Luke! I will marry you!" Pagsigaw ko.

At sa isang iglap ay muli kaming nagkiss habang sinusuot nya sa aking daliri ang singsing.

Mahigpit kaming nagyayakapan.

*boom!

May pumutok!

Nabigla ako.

At bigla biglang may nagsipaghulugan na confetti sa amin ni Luke.

Nagsilabasan narin lahat ng mga employees ng aming firm...may mga bitbit na balloons at pagkain.

Anu to fiesta? Ahahahha

Nakangiti lang kami pareho.

Isa isa silang lumapit para bumati ng "congratulations."

"Girl! Congrats!" Sabay na bati ng tatlo.

Patakbo silang yumakap sa akin.

"Kayo ha! Naglilihim pala kayo sa akin ha? Ganyan ba ang mag-bff?" Sabi ko.

"Pasensya na girl. Si boss Luke yan eh. Mas susundin namin yan kesa sayo.." nakatawang wika ni Trina.

At akma ko silang uundayan ng kurot pero nagsipagtakbuhan na ang mga ito papunta sa kubo.

Nag-aayos na sila ng iba't ibang pagkain na pagsasaluhan para sa boodle fight.

Magkahawak kamay kaming lumapit sa kanila.

Ngayon ay masasabi kong may happy ending ang aming pagmamahalan.

Kung di man nagtagumpay at nagkatuluyan sina Esmeralda at Bernardo...

Maipapangako namin ngayon na may forever na sa aming dalawa.

Hanggang kamatayan kaming magmamahalan..

At kung mabubuhay man kaming ulit sa ibang panahon...

Paulit ulit kong ibibigay kay Luke, tanging sa kanya lang at wala nang iba...

Ang aking reincarnated love..

THE END

Thank you!

Salamat sa pagbasa.

Sorry sa mga errors. Tamad ako magcheck.

TYSM!

And to give you an idea..

CHRIS EVANS AS LUKE

CATRIONA GRAY AS ADELA