Until When

"E ate ano nga ang nangyari at bakit sila pumunta sa secret room?" Tanong na nito dahil wala talaga siyang kamalay-malay sa nangyayari kanina at unang beses itong mangyari dahil kapag may nagsasalita ay mainam itong nakikinig at iniintindi ang sinasabi ng nagsasalita.

"Nakiusap si Carter na kung maaari ay magpanggap itong bodyguard ng lola mo na sinang-ayonan naman agad ng señora. Maiiwan nalang muna roon si Mrs. Lina at hintaying makaalis ang mga fan nito. Sa mansyon daw muna ninyo mamalagi si Carter kaya naisip kong mauna na tayo at kailangan natin silang unahang makarating sa mansyon na tiyak ay yun din ang iniisip ng señora." Pagsasaad ng ate Merly nito

"Kung ganun ay makikilala pa rin siya kahit na magbihis bodyguard ito anak" pagsabat naman ng tatay nitong si mang Roman.

"Nakalimutan niyo na po bang kompleto ang gamit sa SR 'tay? Siguradong aayosan yun, kung saan hindi siya makikilala." agad naman na pagsagot ng kaniyang anak.

"E kung ganun ay kailangang ipunta sa orihinal na ayos nitong sasakyan kung pupunta siya sa mansyon at hindi niya mahalatang ito lang ang naiibang sasakyan kung makikita niya ang garahe ninyo Miss Mcain." suwistyon ni mang Roman kay Mcain.

"Oo nga Mcain, sa tingin ko rin ay mas mabutinh ibalik mo muna itong sasakyan mo sa orihinal nitong ayos" pagsang-ayon niMs. Merly sa kaniyang ama.

"Sige, ibalik niyo nalang po sa dati nitong ayos at hindi nalang po ako papasok ng school bukas hanggat hindi siya umaalis ng mansyon." Sagot naman agad ni Mcain na ipinag-taka agad ng kaniyang ate Merly kung may nangyari na naman ba sa kanilang school o dahil mamalagi si Carter sa kanilang mansyon at gusto nitong naroon siya habang namamalagi ito sa kanila.

Napansin ni Mcain ang reaksyon ng kaniyang ate Merly kaya agad nalamang nitong sinagot dahil alam niya kung ano ang iniisip nito.

"Dahil sa school ate." Sagot nito ng walang kabuhay-buhay at saka tumanaw sa bintana habang tinatahak na nila ang daan papunta sa kanilang mansyon. Aabotin ng 2 oras ang layo ng kanilang mansyon kung traffic pero kung hindi ay isang oras at tatlumpong minuto lamang.

"Mukhang nananadya na yang mga kasamahan mo Miss Mcain." Komento ni mang Roman dahil alam nito na kada may program o activity sa kanilang school ay siya ang unang kailangang mamahala rito.

"Hindi ka na nagkaroon ng oras para lumabas man lang. Siguro nga matalino ka na at kahit hindi ka na magreview e kayang-kaya mo na pero dapat mo na sigurong bigyan ng leksyon ang mga 'yun." naiinis na bigkas ng kaniyang ate Merly.

"Hayaan nalang natin ate, at isa pa huli na rin 'to. Hayaan mo ng regalo ko nalang ito sa kanila sa pag-alis ko. Pakitawagan nalang si tito Nathan na hindi ako makakapasok bukas at baka hindi na rin ako makapunta sa foundation na magaganap, pero sabihin niyo pong 'wag siyang mag-alala at aasikasohin ko pa rin ito." Pakiusap nito at saka pumikit na indikasyong wala na siyang balak magsalita o makipag usap pa.

Callers ID Lolalo📞...

ringtone:

🎶Sometimes it all gets a little too much

But you gotta realize that soon the fog will clear up

And you don't have to be afraid, because we're all the same

And we know that sometimes it all gets a little too much

Malapit na rin silang makarating sa kanilang mansyon nang biglang tumunog ang cellphone ni Mcain kaya naalimpungatan ito sa kaniyang pagkakaidlip at saka nito kinuha ang cellphone na litrato agad ng kaniyang lola ang nakalitaw kaya agad nitong sinagot.

"Yes lola?" Tanong nito ng boses inaantok

"Naku apo. Nagising pa ata kita. Mukhang pagod na pagod ka ngayon..." maemosyong pag-aalala na sagot ng Doña

"Hindi naman po masyado lola" mahina pa rin nitong sagot sa kaniyang lola at saka tumingin sa labas ng bintana at tanaw na niya ang tore ng kanilang mansyon "asan na po kayo lola?" sunod nitong tanong

"Isang oras nalang apo, kayo?" Balik tanong ng Doña

"Mga dalawampung minuto nalang lola" sagot naman nito na hanggang ngayon ay pinagmamasdan pa rin ang kanilang mansyon na habang palapit sila ng palapit ay palaki rin ng palaki ang tanaw niya sa mansyon nila.

"May mamalagi sa atin apo at hindi ko alam kung hanggang ilang araw siya sa mansyon. Ayos lang ba sayo? Hindi na kita nasabihan pa kaya pasensya ka na." Pagpapaumanhin ng Doña dahil sa mga oras lang na ito, na naisip niyang hindi pala lumalabas ang apo nito sa kwarto kung may ibang tao sa mansyon

"Ayos lang po lola, naisip ko ring hindi na ako papasok. Pag-usapan nalang po natin mamayang pag-uwi niyo lola." sagot nito na hinahanap ang wireless headset sa maliit nitong pouch na kulay peach

"O siya't ibaba ko na kung ganun, kumain ka muna bago matulog at pupuntahan nalang kita bukas sa kwarto mo." Paalala ng Doña na sinang ayonan naman nito.

Hinahanap pa rin niya kung nasaan ang isa nitong wireless headset at pati sa lalagyan nito ay wala roon.

"Ate, 'tay Roman; nakita niyo ba yung wireless headphone ko?" tanong na nito sa kaniyang ate ng hindi na talaga nito mahanap.

"Nang makasakay ka kanina noong sinundo kita ay linagay mo iyun iha." Sagot ni mang Roman at yun din ang naalala ni Mcain at hindi niya yun natanggal nang pumasok sila sa kanilang kompanya.

"Hindi ko napansin dahil sa liit nito at kakulay pa ng kutis mo. Tignan mo sa inuupuan mo at baka nariyan lang yun." pagsagot naman ng kaniyang ate Merly na sinagot agad nitong wala roon.