My gosh, nasa tapat na siya ng pintoan ko at sampung segundo nalang ay tutunog na ang nakaset nitong boses ko kung saan hindi pwedeng pumasok ang isang taong nakatapat dito kapag nadetect niyang wala itong access para pumasok.
May detector ang pintuan ko at kusa itong bubukas pag apak ko palang sa tapat nito, at kung ibang tao naman ay limang segundo nitong i-iscan kung sino ito at kusang bubukas kung si lola pero kapag iba maging si ate Merly ay kailangang pindutin ko mismo ang kahit anong hawak ko na may access sa pintuan ko ay bubukas ito gaya nalamang ng cellphone ko.
"I'm sorry, you're not allowed to enter my room."
At tulad ng inaasahan ko ay tumunog na nga ito. Boses ko mismo ang tone nito kaya nakakailang at iniisip ko na tuloy kung maganda kaya ang boses ko. Hindi naman tunog masungit ang pagkakasabi ko nun, talagang boses nagpapaumanhin ang boses ko roon kaya sana naman 'wag niyang isiping mayabang ako.
Bakit ko ba iniisip kung ano iniisip niya sa boses ko? Nakakainis pala talaga kapag may gusto ka sa isang tao. Haiist(Iisipin mo lahat ng bagay na baka ikaayaw sayo ng taong gusto mo.)
Paalis na siya at nang tumalikod ito napahawak pa siya sa batok niya at napansin kong may binulong siya pero hindi na nasagap pa ng recorder dahil sa hina nito at kahit palakasin ko yung sounds ay hindi parin maintindihan.
Sinusundan ko pa rin siya ng tingin at ewan ko ba pero naupo nalang ako sa sofa at para akong nanonood ng isang magandang drama dahil tutok na tutok talaga ako habang sinusundan siya dahil napapalipat ako ng tingin kapag nawawala na siya sa isang footage at mapupunta sa kabila.
May makakasalubong siya habang pababa ng hagdanan at si Kayra yun. Isa sa mga kasambahay namin, 22 years old graduating ng business ad. Lumaki ang mata ni Kayra nang makita niya si Carter at may pahawi-hawi pa siya ng buhok habang nakangiting nakatingin kay Carter na ang lawak ng ngiti at mukhang namumuong puso na ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya na sinuklian din ni Carter ng ngiti.
Bigla akong nainis kay Kayra at kahit mas matanda siya sakin ng apat na taon ay parang gusto kong hilahin ang buhok niya't palabasin ng mansyon.
Nakakainis, kasi pagdating kay Carter, ang damot damot ko. Gusto ko akin lang siya, gusto ko yung mga ngiti niya akin lang, gusto ko ako lagi yung nagbibigay ngiti sa kaniya at una sa lahat gusto ko bawat kanta niya ako ang laman nito. Gusto ko sakin lahat ng mensahe sa bawat patungkol na pag-ibig nitong kanta. Gusto ko akin siya, gusto kong makita siya lagi at marinig ang boses niya. Kaya kada wala akong ginagawa ay nanonood ako ng mga music video at nakikinig sa mga kanta nito.
Minsan naiisip ko rin na nababaliw na ata ako sa kaniya.
"Pinapasundo ka ni señora" mahinang boses ni Kayra na mas ikinainis ko dahil nagkukunwari itong mukhang mahinhin. Tsk nagpapacute pa.
Tumunog ang cellophane ko kaya wala akong nagawa kundi puntahan ito sa 'di kalayuang study table ko at nakitang si ate Merly yun kaya sinagot ko na at hinintay ang sasabihin niya.
"Nakausap ko na mismo sina Felix at John. Pumayag naman sila agad kaya okay na wala ka ng aalalahanin." balita niya na ikinangiti ko. Yun din ang isa sa pinakamagandang benefit at napakaswerte ko na masasang ayunan ko na madalas sabihin ng ibang tao ay yung kakayahan naming Fetherston na makilala ang isang tao ng personal kahit gaano pa ito kataas na tao pagdating sa larangan ng trabaho.
Bumalik ako sa sofa para panoorin si Carter at Kayra na palapit na sa dining area kung saan nakaupo na si lola na nakarobe pa rin kasama sina ate Merly, mang Roman at ang iba pa naming tagasilbi na malapit kay lola ay nakaupo na rin sa mahabang mesa.
Kasabay kasi talaga naming kumakain ang mga malapit na tagasilbi namin. Sunod nalang na kakain ang iba kapag tapos na kaming kumain pero ngayon ay wala ako kaya mukhang sa pwesto ko uupo si Carter kung saan nasa kanang bahagi ni lola.
"Sige salamat ate" pasasalamat ko kay ate Merly
"Dito ka maupo Carter" sabi ni lola sa kanang bahagi nito kay Carter dahil uupo na sana ito sa tabi ni mang Kabot na isa sa mga nasa dulo.
"Don't tell me you're watching us" at napamura nalang ako sa loob loob ko ng maalala kong kausap ko pa si ate Merly at nakavolume ang tone ng footage habang sinusundan ko si Carter kaya rinig ni ate sa phone ang boses ni lola na nanggaling sa TV.
"Um yeaa?" nahihiya kong pag-amin na akala mo naman ay nakikita niya rin ako habang nakatingin siya mismo sa camera kung saan nakalagay ang cctv sa dining area at napailing nalang siya habang nakangisi na nakatingin sa taas. Sinundan ni Lola kung saan nakatingin si ate Merly na pati si Carter na palapit sa kaniyang upuan na katapat ni ate Merly ay nagtatakang napatingin na rin sa tinitignan nila kaya agad kong sinabi kay ate Merly
"Ate! 'Wag kayong tumingin ni lola. Nakatingin na rin tuloy si Carter, at pati ang iba oh napapatingin na." pag-aalala ko dahil siguradong pag-uusapan nila yan habang kumakain at baka tanongin pa ni Carter.