ALTU 1

ERIN's POV

Napahagulhol ako nang mapasok ko ang kwarto ni Kuya Brett.

Di ko akalain na hahantong sa ganito ang lahat.

Paano ko pa sya ngayon makikita? Paano na ako?

Paano na ang puso ko kung wala sya?

Umupo ako sa kanyang kama. Inamoy ko ang unan. Naiwan pa dito ang alaala ng amoy ni kuya.

Niyakap ko ito.

Sana sya ang kayakap ko ngayon. Sana di nalang sya umalis. Sana sinabi nya nalang ang lahat sa akin.

Sana nalaman ko agad ang lahat lahat para di na sya naghirap.

At ngayon, wala na sya. Nasa malayo na....at di ko alam kung magkikita pa kami.

Sunod sunod na dumaloy ang mga luha sa aking mga mata.

Halos di na ako makadilat dahil sa pamumugto nito.

"Kuya Brett! Nasaan kana? Bakit mo ako iniwan? Bakit di ka nagpaalam? Bakit?" Sigaw ko habang patuloy ang pag iyak.

Di ko sya masisisi. Masyado syang hinusgahan ni Mommy.

Kaya pala iwas na iwas sya sa akin. Kaya pala sa tuwing lalapit ako ay nagagalit sya!

Kaya pala sinabi nyang kapatid lang ang turing nya sa akin.

Kaya pala di nya ako pinapansin!

Kaya pala....kaya pala...

"Ansaya ko nung dumating ka, pero ganito pala kasakit ngayong umalis ka."

Binuksan ko ang drawer ng side table ni Kuya Brett. May nakita akong isang notebook. Kinuha ko ito. Paglapag ko nito sa aking mga hita ay may sumungaw na litrato.

Agad ko itong kinuha para masilayan. Baka si kuya Brett ito.

Natigilan ako sa aking nakita.

Picture namin ito nung naggraduate ako sa highschool. Dalawa lang kami dito habang si Kuya Mike naman ang kumuha sa amin ng picture. Masayang masaya ako that time dahil sa unang pagkakataon ay nagkasama kami sa picture ng kami lang dalawa.

Solong solo ko sya.

Nakaakbay pa sya sa akin.

Napangiti ako. At sa pagtitig ko sa larawan...ay muling nanumbalik sa akin ang alaala kung saan nagsimula ang lahat.

Ang lahat lahat....pati na ang aking lihim na paghanga at pagmamahal kay kuya....Brett.