Sabi ng iba, nakakaganda daw ang confidence. Kasi kapag ikaw ay isang panget tapos punong puno ka naman ng confidence, lumalabas daw ito sa awra mo kaya nagiging maganda ka sa tingin ng ibang tao..
Yung mga magaganda naman, kapag kinulang daw sa tiwala sa sarili at confidence, nagiging invisible ang ganda. Di ka mapapansin. Parang isa kalang normal na tao...walang special sayo.
Kaya siguro parang invisible ako sa paningin ng mga classmates ko. Maganda ako pero hindi ako masyadong pansinin.
Is it beacause I am hiding my beauty? I don't know.
Di kasi ako mahilig mag-ayos ...kasi natatakot ako sa atensyon. Wala akong confidence na mag ayos...kaya mas pinipili kong itago ang aking mukha..ang aking ganda. Nagsusuot ako ng salamin kahit di malabo ang aking mata. Ang bangs ko din ay halos matabunan na ang aking mga mata.
Ganyan palagi ang itsura ko kapag papasok sa school. Tagong tago. Sa bahay lang ako walang eyeglasses. Pinupuyod ko din ang aking hair kapag nasa bahay, ayaw kasi ni mama na natatabunan ang magaganda ko daw na mga eyes.
Ang hirap kasi kapag punong puno ka ng insecurities..minsan, ikaw mismo ang greatest manlalait ng sarili mo.
Mabuti pa si Kuya Mike..madaming admirers. Halos lahat ng mga atensyon ng girls ay nasa kanya. Kahit anu gawin nya, pogi padin sya.
Anak kasi sya nina mom at dad na parehong may mga itsura..
Eh ako....
Sabi ni mom maganda ako..need ko lang mag-ayos. Pero nahihiya ako. Baka sabihin ng mga classmates ko...feelingera ako. Natatakot akong mapansin ng mga bully girls sa school namin-ang Mean Gurls.
Grupo ito ng mga magaganda sa school. Kung gaano sila kagaganda, ganun naman kipapangit ng ugali nila.
Hilig nilang mambully sa iba..lalo na yung mga panget. Masyado silang mapanghusga sa itsura. Kaya naman natatakot ang karamihan lalo na ang mga classmates kong babae sa kanila.
Once daw kasi na natipuhan ka nilang ibully. Hinding hindi sila magsasawa hanggat di ka umiiyak,or worst magtransfer ng school. Grabe diba?
Mabuti nalang..so far di pa nila ako natitipuhan. Swerte ko diba!
"Baby...sasabay ka ba sa amin ni Brett pagpasok sa school?" Tanong ni kuya Mike. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan. Ito ang nagdadrive ng car. Nasa tabi naman nito si Kuya Brett na first day sa school namin.
"Hindi po kuya. Ibaba mo ako bago mag entrance ng school."nakangiti kong wika. Ganun lagi ang ginagawa ko mula nung maghighschool ako.
Why? Kasi nalaman ko na sikat pala si kuya sa school. At ayaw kong makita ako ng mga admirers nito na kasama nya ako. At malaman narin na kapatid ako ni kuya. Baka makarinig lang ako ng masama.
Sabihin pa nila:
Bakit ang pogi ng kuya mo? Ikaw ang panget?
Yung di ka pa nila nakikita ng maayos, sasabihan kana agad na panget. Or...
Ampon ka siguro kaya ganyan ang itsura mo?
Tanggap ko naman na ampon ako. Pero kapag galing kasi sa ibang tao, parang nagiging pangit pakinggan.. parang di katanggap tanggap. Parang naging isang basura ako sa paningin nila na nakikisalo lang ng pagmamahal sa family ng may family.
Kaloka diba?
Kaya mas minabuti ko na hindi sumabay kay kuya kapag papasok na sa school.
"Pinapagod mo pa baby ang sarili mo maglakad eh. May car naman tayo." Wika ni kuya Mike.
Gusto nito na sa parking area na sa loob ng aming school ako bababa.
Ngumiti lang ako. At napatingin ako kay Kuya Brett. Nakatingin ito sa akin na nakakunot noo. Waring di rin magets kung bakit.
"Okay lang po kuya. Inaabangan ko kasi si Lovely..sabay kaming pumapasok."
Si Lovely ay bff ko. Classmate ko mula elementary. Di sya kagandahan pero mabait naman. As in super bait.
Bumaba din ito lagi sa harap ng gate kasi nagtataxi lang ito. Maykaya naman sila pero sapat lang. Nag iisa lang kasi ang car nila na gamit gamit naman sa work ng Mom nya. Laging wala kasi ang parents nito. Seaman ang dad nya at events planner naman ang mom nya. Laging out of the town daw ang trabaho ng mom nya. Kung same way lang sana kami, isasabay ko na sya lagi. Pero hindi. Magkasalungat kami ng direksyon.
Muli akong napasulyap kay Kuya Brett.
Ang pogi nya pala lalo sa malapita. Hazel brown ang mga mata na kapag natatapatan ng ilaw ay nagiging yellowish. Ganda!
Tapos yung lips nya, ang liliit at ang ninipis..ampupula pa! Parang masarap ikiss.
Luh! Bakit ganun iniisip ko? Erase! Erase!
Malalapad din ang mga balikat nya na mamuscles. Mukhang sanay ito sa mabibigat na trabaho kaya maganda ang hubog ng katawan.
Ang balat nman nya ay makikitang makinis kahit moreno.
Lalaking lalaki si Kuya Brett!
Di ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
Marahil naramdaman nya ang pagtitig ko kaya napasulyap ito sa akin.
Namula ako nang magtama ang aming mga mata.
Sa chinito nitong mga mata, di ko masyado mabasa kung ano ang kanyang iniisip. Kung galit, masaya o ewan.
Parang masusungit kasi ang mga mata ng mga chinito.
Pero bagay kay kuya Brett...infairness naman.
"Bakit titig na titig ka naman kay Brett baby? Masyado bang pogi? Pero mas pogi pa din ako diba?" Napansin din pala ni kuya.
Gosh! I need palusot!
"Hindi naman kayo pogi eh.." natatawa kong sabi. Sabay pa silang napalingon sa akin.
Tseh! Palibhasa alam nyong mga pogi kayo kaya react agad kayo ng masama.
"Baby ha...ikaw palang nagsabi nyan sa akin..sa amin." Natatawang wika ni Kuya Mike. Nakitawa nadin si Kuya Brett.
Gosh! Ampogi ni Kuya Brett kapag lumalabas ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin. What a killer smile! Sigurado marami na namang mababaliw na babae sa kanya.
Napangiti ako.
"Oo na po. Di kayo pogi. Super duper pogi!" Pag amin ko kay kuya. Natuwa naman ang dalawa kaya nag apir sila.
Hmmmp! Nakalimutan man lang ibalik sa akin ang papuri. Di ako sinabihang maganda!
Maya maya ay nakita ko na ang kukay berdeng gate ng school.
"Kuya, dyan na lang ako sa tapat ng waiting shed. Mukhang si Lovely na yun eh." Pagturo ko sa isang student na babae na nakaupo sa waiting shed.
Ibinaba naman ako ni kuya sa tapat ni Lovely. Pagbaba ko ay agad ko ding sinara ang pinto.
Pero bumukas ang bintana sa apat ni kuya Mike.
"Hi Lovely, ingatan mo ang baby sister ko ha."dumungaw pa ang ulo nito sa bintana.
Napatango naman si Lovely. Actually, alam ko na crush nito si Kuya eh. Di lang nito sinasabi sa akin at inaamin pero halata ko naman.
Kumindat naman si kuya sa akin bago sinara ang bintana.
"Ampogi talaga ni Mike noh?" Sabi ni Lovely. Halatang kinikilig.
"Oo naman kuya ko yun eh. Kilig na kilig ka naman. Uyyy! Crush nya!" Asar ko sa kanya.
Namula ito agad.
"Luh hindi kaya!"
"Ahahah. Palusot.com!"
Tumakbo ako nang nakita kong mukhang kukurutin ako ni Lovely.
Naghabulan kami papasok sa school at tinunton ang aming room.
Masaya kapag may bff ka.
Masaya dahil may mga kuya akong pogi.
Sana maging masaya ang araw na ito!