Chapter One: Serina

School is supposed to be a place where you can be yourself. It's a place where you get to make friends who you can openly show a part of you that can't be expressed at home; a place where you can be whatever you want to be.

But for me, school is where I needed to be someone I am not. A place where I should hide my flaws, my imperfections, just to be perfect in the eyes of a single person.

Kaya ang dating buhok ko na nakalugay, ngayon ay nakatali sa isang maayos na puyod. Ang itsura ko na kilala ng mga kaibigan ko, ngayon ay nakatago sa isang malaki at makapal na salamin. Ang palabang personalidad ko, ngayon ay pilit kong pinapalitan ng isang mahinang imahe.

Because whenever I'm at school, I'm basically the weak and unpopular version of me.

Kaya hindi na ako magtataka na tinitingnan at iniiwasan ako ng mga taong nadadaanan ko ngayon sa hallway. After all, people tend to judge others based on their appearance.

And my appearance, is something that everyone likes to call ugly, weird or hilarious.

Pero kahit na gano'n, pinipilit ko pa ring manahimik. Nagbubulag-bulagan sa mga salita at pangalang tinatawag sa 'kin. Dahil ito naman talaga ang kailangan ko- ang hindi makakuha ng atensyon. At kung ang pagpapanggap kong ito lang ang paraan para magawa ko 'yon, gagawin ko kahit gaano pa katagal.

"Please, tama na!"

Natigil ako sa paglalakad nang makarinig ng boses. Kahit pa may iilang tao ang narito sa hallway, hindi pa rin 'yon nakaligtas sa pandinig ko. Hindi dahil malakas 'yon, kundi dahil mukhang ang nagmamay-ari ng boses ay nasa hindi magandang sitwasyon.

"Tama na! Nasasaktan na 'ko!"

Lumingon ako sa restroom kung saan nanggagaling ang boses. May ilang hakbang pa 'yon mula sa kinatatayuan ko, kaya hindi ako makasigurado kung talaga nga bang may tao ro'n. But for the third time, that voice echoed once again from that place.

I guess, I really wasn't just hearing things. Tutulungan ko ba siya? But. . . if I do, I'll be late for class. Kalahating oras na lang, magsisimula na ang unang klase ko, at hindi ako pwedeng mahuli doon.

Kaya lang kung magpapatuloy naman ako sa paglalakad, magiging kagaya nga ng dati ang araw ko— payapa at walang gulo. Pero buong araw ko naman maiisip ang sumisigaw na babaeng 'yon.

Damn. Neither of those choices are good. Bakit ba umagang umaga e namomroblema na agad ako?

I sighed, before turning to where that restroom is. It's just a few steps away from where I was earlier, so getting there wasn't that hard. When I finally reached the door, the voices that seemed like whispers earlier have grew louder. So loud that I could even hear even the tiniest of sound.

"Tama lang 'yan sayo, pangit!" A girl from the restroom yelled.

Sa isang iglap, tumaas ang kilay ko. Para bang nagpintig ang tainga ko sa narinig. I really hate it whenever I hear that word. Saying it to me was one thing, but hearing others say that to another person is another thing. Kaya naman hindi na ako nag-alangan na pumasok, at basta ko na lamang binuksan ang pinto.

Apat na babae ang nadatnan ko nang makapasok ako. Ang dalawa ay nasa gilid lamang habang malawak ang mga ngiti, ang isa naman ay nakatayo at nakasabunot doon sa isa pang babae na halos umiyak na.

I should have known. Of course it was them.

"So it was you, Alexis." Hindi ko na napigilang sabihin.

Napatingin siya sa akin nang marinig ang kanyang pangalan. Ang maikli niyang buhok ay sumaway nang dahil doon, habang ang mga kilay niya ay nagsalubong na para bang nagulat siya sa sinabi ko.

Gamit ang isang mapanakot na tono, sinabi niya, "Ha? May sinasabi ka ba?"

Wala akong nagawa kundi ang mapa-irap. Maganda sana ang isang ito, kaso may pagkabingi pala.

"You heard me," I said with an even bitchier tone. It's been a long time since I've talked like this, and damn, it feels so good. "Alam mo, bago ka magsabi ng salitang pangit, tingnan mo muna 'yang sarili mo sa salamin. 'Coz as far as I can see, that word is more suitable for you."

Nakita ko kung paano nanlisik ang mata niya dahil sa sinabi ko. Nang walang sinasabi, binitiwan niya ang buhok noong isang babae dahil na rin siguro nalipat na ang inis niya sa akin. That's a good thing, though. Because unlike that girl, I can handle Alexis, even if her friends back her up.

"Anong sabi mo?" Alexis said that took my attention. "Sige nga, paki-ulit mo."

"You know what? I think you should get those ears of yours checked out. Wala na yatang silbi, e."

"You. . ." Alexis gritted her teeth, as if that would scare me. Then without saying another word, she quickly walked towards me, clearly wanting to rip my hair off.

But of course, I was prepared. Dahil hawak ko sa isa kong kamay ay iyong bote ko ng mineral water. Bago pa siya makalapit sa akin, binuksan ko na iyon at mabilis na ibinuhos sa pagmumukha niya.

"Alexis!" sigaw ng mga kaibigan niya.

Natigilan si Alexis, ilang hakbang na lamang bago makarating sa akin. Hindi makapaniwala ang ekspresyon niya habang nakatingin siya sa kanyang basang basa na uniform. At nang magtaas siya ng paningin, mas lalo pang nanlisik ang kanyang mga mata.

"What the—How dare you!" sigaw niya sa akin.

Napangiti ako. "Oops. Sorry, dumulas sa kamay ko."

"Humanda ka sa 'kin! Pagsisisihan mo 'to!"

"Sige lang. Hihintayin ko!"

I can't contain my smile even longer. For some reason, I felt so proud about myself. I know that I shouldn't, but that's really how I feel. All this time, all I did in this school was make myself look weak, but now, I get to fight back. For a good cause. And seeing Alexis' frustrated expression made me feel even more satisfied.

But everything was short-lived.

Dahil nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng restroom, at nang lumingon ako para tingnan kung sino ang nagbukas noon, bigla na lang akong nakaramdam ng lamig magmula sa ulo ko pababa sa aking katawan.

I froze. Not because someone came in, but because that someone poured something on me— his smoothie. Just like how I splashed Alexis with my bottled water.

"Cloud!" Alexis' voice echoed, pulling me away from my trance.

I looked up at the guy who did this to me. Gusto kong makita ang mukha niya, ang mukha ng lalaking bumastos sa akin nang ganito. . . at natulala ako. Dahil nakatingin sa akin ngayon ay isang pares ng perpektong mga mata. He was so much more than I expected. But unfortunately, his personality was the exact same thing I imagined.

"Ayan na, hindi mo na kailangang maghintay. Dinala ko na agad sayo ang ganti niya," he said with a cold tone, before walking towards Alexis and pulling her out of the restroom with him.

The moment the four of them went out, the restroom turned quiet. Hindi ako makapagsalita, hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko. And for a moment, I forget why I was here in the first place. That is until the girl I just saved from bullying shattered the silence surrounding us.

"Th-thank you," she said with a low voice.

I turned to her, and I realized that she's a lot more of a mess than I am. Kung ako, nanlalagkit lang dahil sa smoothie na ibinuhos sa akin, siya naman ay hindi na mawagi ang itsura. Gulo-gulo ang buhok niya, malamang dahil sa pagkakasabunot ni Alexis. Ang damit niya ay halos masira na, at basang basa pa. Habang ang mukha niya naman ay puno ng galos.

She looks terrible. I think I might have gotten here a bit late. Kung hindi lang sana ako nagdalawang-isip, baka hindi naging ganito kasama ang dinanas niya.

"It's nothing. Kung tutuusin, parang hindi rin naman ako nakatulong."

"H-hindi totoo 'yan! Sobrang laki ng naitulong mo sa akin," aniya bago yumuko. "Kung hindi ka dumating, baka nagupit na nila ang buhok ko."

Nanlaki ang mga mata ko. Grabe na ang ginawa sa kanya, pero hindi pa pala sila tapos noon? Ano ba ang nasa isip nila Alexis? At ano ba ang nasa isip ng babaeng 'to? Gano'n na ang ginagawa sa kanya, pero hindi pa rin siya lumaban? Sa tingin ko naman ay hindi ito ang unang beses na ginawa ito sa kanya, kaya bakit hindi pa rin siya nagsusumbong?

Dahil sa naisip ko, bigla akong nairita kaya't hindi sinasadya kong nataasan ang boses ko. "You're getting bullied over and over again, and yet you haven't done anything to protect yourself? Wala ka bang boses para magsumbong sa mga faculty members? O kaya naman mga kamay at paa para itulak o sipain 'yong sina Alexis? God, don't be such a doormat! Don't let anyone treat you like you have no worth."

Her eyes widened in surprise. These might not be the kind of words that she's expecting to hear, but so what? She needed to hear them. Or more like. . . I needed to hear them. Because deep inside, I know that I'm somewhat just like her.

"Sorry. Hindi ko lang napigilan sabihin. Aalis na 'ko," I said, then quickly opened the door and went out. Pero bago pa man tuluyang magsarado ang pinto, narinig ko pa siyang nagsalita.

"Ayos lang, salamat pa rin!" sigaw niya, bago ako nagpatuloy sa paglalakad palayo.